Chapter 28

124K 5.1K 11.7K
                                    

Sober

Mabagal halos ang lakad ko papunta sa elevator, kahit ang totoo, gusto ko iyong liparin para lang makaalis agad ako roon.

Lumunok ako, kahit hirap, at pumasok sa elevator. Nang sumara iyon, mariin agad akong pumikit at naisandal ang mga kamay sa harap, napayuko sa panghihinayang.

He got back with his ex. Fuck. All this time...he's taken?

Kinagat ko ang nanginginig na labi, pinigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos kahit nararamdaman ko na iyon sa bawat sulok ng aking mga mata.

Alam ko naman sa umpisa pa lang, hindi niya ako pipiliin. Sa umpisa pa lang, may iba na siyang mahal, pero iyong maisampal sa akin, marinig, at...makitang...nasa iba na siya, parang ang hirap tanggapin.

Bakit nga naman ako pipiliin, 'di ba? Ano bang laban ko sa naunang tumanggap sa kanya? Naunang nagparamdam sa kanya na karapat dapat siyang mahalin? Ano bang laban ko kung...siya ang mahal niya?

Wala mang kulang sa akin pero...hindi pa siguro ako sapat sa kanya.

Lumabas ako sa elevator, nakalabas na rin sa Green Residences, pero hindi ko rin alam saan ako pupunta. Nagpalakad lakad ako, pabalik-balik at huminto sa gilid, nailagay ang mga kamay sa likod ng ulo at napayuko para lang huminga, mariin ang pikit na sana...panaginip lang din ang lahat.

Tumayo ako, tumingala sa langit, kumurap-kurap at pinigilan ang nagbabadyang mga luhang nangingilid na. Ano? Iiyakan mo 'to? I bit my trembling lower lip and sighed again, shaking my head out of disappointment as I walked back and forth continuously.

Dapat talaga nabasa ko na iyon sa kilos niya. Na kaya siya mailap sa akin dahil nagkakaintindihan na sila ulit ng ex niya.

At iyon naman ang plano ko sa umpisa 'di ba? Kaya dapat...masaya ako at tanggap ko 'to.

Namaywang ako, muling tumingala at humingos para lang pigilan ang luha sa mga mata ko, ayaw iyong malaglag.

At least you tried, Rick. That's the best part, right? Ano naman ngayon kung hindi nasunod ang gusto mo? Ganito naman talaga eh. Hindi mo makukuha ang isang bagay kahit pa gusto mo.

I nodded as I licked my trembling lip, trying to understand that this isn't my fault. Ngunit sa sikip ng dibdib ko, parang ang sarap sarap nalang sumigaw, magwala, at suntukin ang dibdib ko dahil ang sakit talaga.

Tang ina naman!

Inilabas ko ang phone ko, pinindot kung sino man ang matatawagan, lalo na't hindi ko rin talaga alam saan pupunta.

Pagkatapos ng tawag, yumuko ako at hinawakan ang ulo ko, mariin ang pikit, halos wala na sa sarili.

Hindi ko maintindihan. Wala akong naiintindihan. Kahit gusto kong intindihin ang nangyari, ang paglabas niya sa unit na nagpupunas ng labi, ang paglitaw ni Arron na naka topless, ang rahan ng kanyang tinig nang itulak niya ito pabalik sa loob, ang titig niya sa akin at ang pag-atras niya, lahat ng iyon paulit-ulit sa isip ko ngunit ayokong kilalanin. Ayokong pangalanan.

"Rick," ang boses ng pamilyar na tinig.

Umangat ang ulo ko at nakita ang trailblazer na kotse sa harap, ang nakabukas na bintana at si Brent sa driver's seat. Tumayo ako sa pagkakayuko at deritsong naglakad sa kotse niya.

Nang makita niya ang mga mata ko, namilog ang kanya ngunit namungay din at tahimik akong tinitigan.

He opened the door inside and pushed it open. Pumasok ako, isinara ang pinto at huminga ng malalim.

Tahimik siyang nagmaneho. Ang init sa sulok ng mga mata ko nang sumandal ako sa harap ng compartment ay nag-aambang bumuhos. Humingos ako ng tahimik at pinigilan lang na maiyak kahit alam kong gumagalaw na ang balikat ko.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon