Prologue

229K 3.6K 2.2K
                                    

Trigger Warning: Sexual Assault

Disgusted

"Fifteen..." makahulugang sambit ng doktor.

Seryoso akong nakaupo habang binabasa niya ang lab test result ko. Sa tabi ko ay si Mommy bilang guardian lalo na't hindi ako tatanggapin dito kung wala akong kasamang matanda.

Ayaw ko mang umamin na dahil sa pag-iinom ko, pero sa sobrang hapdi umihi, hindi ko na napigilan.

Tiningnan si Mommy ng doctor, bago napunta sa akin.

"Active ang sex life?" she asked.

Medyo nagulat ako sa tanong. Kahit hindi ko tingnan si Mom, alam kong kahit siya, gulat din at tahimik lang na hinihintay ang sagot ko.

Umiling ako.

The doctor smiled. "Contraceptive exists for a reason because it's a big help to protect yourself, and to prevent such infections. Isa na dito ang common na nakukuha sa pakikipagtalik ng mga lalaki lalo na kung walang proteksyon ay ang U.T.I."

Umiling ako, lalo na't alam ko ang bagay na iyan. "Hindi Doc."

Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Nilingon ko siya dahil nagsasabi ako ng totoo. Tiningnan ulit ng doctor ang lab results gawa ng ihi na pinasa ko at muli akong binalingan.

"You said you were drunk..." panimula niya sa nauna niyang mga tanong kanina sa akin bago ako nagsubmit ng ihi ko.

Tumango ako.

"And after that..." tila ba may hindi ako sinasabi sa kanya bukod sa pag-inom kaya gusto niyang umamin ako.

Hindi ko iyon masagot. Naninimbang na rin ang titig ni Mommy sa akin, hinihintay ang sagot ko. The doctor smiled and looked at my mom.

"There's actually a big misconception about U.T.I. Ang tingin ng iba ngayon, kung kakain ka ng maalat, o umiinom ng softdrinks, you'd get U.T.I. But the common root of this is the wrong cleaning of our genital areas that were so prone to girls, but also happens to boys, especially when they engage in unprotected sex." Saka niya ako tiningnan, na ang huling sinabi niya ay ginawa ko.

Kung ganoon...hindi sa...alak? Pero iyon lang naman ang ginawa ko! Kung U.T.I. nga, edi dahil nag-iinom ako! Natrigger! Wala nang iba!

"Sa pag-inom ko siguro ng marami, doc," ipinaglaban ko dahil iyon ang alam ko.

"Yes. Nakakaapekto naman talaga ang iniinom natin at kinakain sa pag-ihi, but the main root of U.T.I. is infection. Which is makukuha mo rin kung nakipagtalik ka at wala kang proteksyon. It is a minor cause, but it could still trigger U.T.I., especially in boys."

Napalunok ako. Si Mommy ang seryosong nakikinig habang binabalikan ko sa isip ko lahat ng nangyayari.

"Ang genital kasi ng boys, mas mahaba ang urinary tube nila because of their penis. They can move it anytime while cleaning away from the anus kasi 'yung opening is mismong nasa penis nila. Meanwhile, sa girls, masyadong maikli kaya mas prone sila sa bacterial growth lalo na kung mali ang paghuhugas sa genital areas nila na malapit lang ang opening ng vaginal area sa anus."

Hindi ako komportable sa topic. Nagkakasalubong ang kilay ko habang kalmado si Mommy, seryosong tumatango at nakikinig ng mabuti.

"But don't worry, this is a very mild case and it's treatable. It really happens. But to avoid this again, I suggest you need to be more careful next time. Just use contraceptives when engaging in sex..."

Nagkasalubong lalo ang kilay ko. Umiling akong muli dahil wala naman! Bakit ako magsisinungaling?

"Hindi talaga, doc," sabi ko.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon