Chapter 40

174K 5K 15K
                                    

Trigger Warning: Mention of rape, traumatic experiences, mention of suicide, homophobia, and mature contents. This is a heavy chapter, so read at your own risk.
——————
Happy

"It takes a lot of courage to do the activities that once became your trauma, Reagan. It's not that easy," si Doc Jane nang bumisita ako ulit para sa isang consultation.

It took me months to agree on her advice, which is to listen to others' traumatizing pasts. It would only be an open forum where all of the patients involved agreed to participate and share their experiences with those who battled to survive as well.

Kasama ito sa cognitive reframing ko. Hindi ko rin kasi kayang madaliin lalo na't ang sensitibo ko noon sa ganitong usapin pero ngayong kaya na, kahit halos kalahating taon ang inabot ng paghahanda para sa session na ito, ipinaalam ko agad kay Doc Jane na handa na ako para rito.

Hindi ko pa ito nasasabi kay Mommy, o kahit kay Rin. Ito rin ang gusto ko, na tutulungan ko muna ang sarili ko, saka ako hihingi ng tulong sa kanila.

Sa isang spacious na room, mga upuan na okyupado na ng iilan, isa na lamang ang bakante. Hindi lamang mga lalaki, kundi may babae rin. Hindi lamang mga ka edad ko, may mga mas matatanda rin sa akin, o mas bata pa.

I was shocked when I realized that most of those who are present inside the room are all...survivors of...sexual assault. At ang nakakagalit na...talagang mas marami ang babae kaysa sa lalaki.

"Who wants to go first?" tanong ni Doc Jane, ang nasa gitna at may note pad sa kandungan niya.

May nag-angat ng kamay. Napatingin kami sa lalaki na gustong mauna at tinanguan ni Doc Jane.

"Hi... I'm Eric Mendoza. Thirty years old. I was... molested by a man..."

Namilog ang mga mata ko, kahit ang mga lalaking naroon, mga tatlo kami, napayuko nalang. I gritted my teeth.

"Mahirap maging part ng LGBT lalo na kung ang tingin din sa'yo ng ibang lalaki, kabastos bastos ka dahil bakla ka. Na akala nila, pag bakla ka, hindi ka marunong humindi. Na gusto mo lagi ang mga sekswal na mga bagay pagdating sa mga lalaki. Stereotyping na kumbaga," he stated carefully.

Yumuko ako, tumango, at tahimik na nakinig. He shared his experience from its root up until how he slowly copes. At katulad ko, nagkalakas loob lang din na magpatherapy dahil...nilalahat niya na. Hindi na siya komportable sa mga lalaki.

"Dether...Reagan... Tim..." tawag ni Doc Jane sa amin. "Who wants to share their experiences?"

May isang nag-angat ng kamay na tinanguan ni Doc Jane.

"Dether Gonzales. I was only thirteen when a gay man assaulted me. Pinsan ng kapatid ng mama ko..." he confessed.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Eric, ang namolestya ng lalaki, at sa paglambot ng tingin niya, sa pagpipigil ng luha, alam kong nakikisimpatya siya.

"Noong eigtheen ako, nasampahan ako ng reklamo dahil nambugbog ako ng bakla. Para sa akin noon, salot sila. Lalo na't halos sa mga baklang nakikita ko, ang babastos ng bibig at akala nila, kaya nilang bilhin ang mga lalaki, o idaan sa pera ang gusto nila dahil tingin nila, papatulan sila kung mayaman sila," ani Dether na medyo nakikisimpatya ako dahil ganyan din ako noon.

Eric bowed his head and covered his mouth. Nagpatuloy si Dether at ramdam ko ang bigat ng pinagsasabi niya dahil nakakarelate ako, na kahit iyong Tim, nang matapos si Dether, siya rin ang sumunod na mag open up.

"Ten years old lang ako noon. Twenty-two na ako ngayon. Akala ko nakalimutan ko na. O naka moved on na total ang tagal na no'n eh. Pero hindi pala. Akala ko, introvert lang ako, nerd kumbaga. Nasa sulok sulok, ayaw makipag-usap, hirap makihalubilo, pero ang totoo, natatakot ako lagi. Pakiramdam ko noon, lahat ng mga tao, mapa babae, lalaki, kaya akong bastusin. Nagkakalakas loob lang ngayon na magpa consult dahil may sumusuporta sa akin... ang nobya ko," he smiled.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon