Chapter 36

141K 5.9K 12.3K
                                    

Trigger Warning: Homophobic remarks

Shelter

"Ang lakas mong maka gitara," pangaral ni Rin nang matapos kaming magperform at dinaig ko pa ang nagconcert sa sobrang ganado kong magstrum kanina.

"Ayan, pagalitan mo 'yan. Bida bida," singit ni Arron na nakahalukipkip sa gilid kaya sinamaan ko ng tingin.

"Pagd-drum mong ang lamya. Ikaw ang ihampas ko e—Aray." Napadaing ako nang hinawakan ni Rin ang hikaw ko sa tainga at pinisil iyon. Bumusangot ako at ipinagsalubong ang kilay ko.

"Team tayo, Reagan. Dapat nasasabayan mo kami. Ikaw nalang halos ang marinig kanina," ani Rin na talagang naniningkit ang tingin sa akin.

I frowned at him. Bakit ako 'yung pinapagalitan dito? So hindi kami magkakampi? Team nga, pero kanina, kung makangiti sila sa isa't isa, para pa akong sampid sa gilid. Edi sana nag duo nalang sila kung hindi nila ako isasali sa tinginan nila, 'di ba?

"Nasa'n na ang maangas na rockstar?" rinig ko ang marahang tinig ni Sir John nang pumasok dito sa backstage.

I grunted and shut my eyes while holding my head annoyingly.

"Sir, pasensya na po. Pinagsasabihan ko na—"

"Ay ayos lang naman ang performance! Baka akala niya solo graded kaya nagpapakitang gilas sa first day of work niya," natatawang si Sir.

Umahon tuloy ang tingin ko nang makahanap ng kakampi.

"Mas magandang diyan niyo idaan ang pag-aaway niyo ni Arron kaysa masira ang mga gamit sa club at magbasagan kayo ng mukha. Hindi madadamay si Rin, hindi rin ako magkaka blush on bigla," ani sir na ngiting ngiti sa amin.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ngunit sa tuwing magkakasalubong ang kilay ni Rin kung ba't ako natutuwa, seseryoso agad ako. Hayop 'yan.

"Pero medyo maganda ang first day niyo ah? Maraming good reviews dahil sa pagtugtog niyo. Alam niyo naman minsan ang mga girls, mahilig sa pogi. Maganda 'yan. Pwede na kayong maging banda..." ngisi ni Sir na kapwa namin ikinaismid ni Arron. Naging banda pa!

"Dapat may pangalan kayo eh. Hmm..." Tiningnan niya kami ni Arron. "The Rivals! Ayan bagay!" Palakpak niya.

Tang inang ka kornihan 'yan. "Rick&Rin nalang dapat sir. Mas bagay," hirit ko at ngumisi kay Rin na napapahilot na naman sa noo niya.

"At nasaan si Arron diyan?" si Sir.

"Edi Rinrick and friends?" Nagkibit ako.

"Gagong 'to. Akala mo talaga sinagot na." Pairap na sabi ni Arron.

Siguro nga, ang nagpipigil lang sa aming dalawa na magbasagan ng mukha rito ay dahil kapwa namin suportado ang trabaho ni Rin. Doon rin ako bilib ng kaonti kay Arron dahil suportado niya si Rin. Kung hindi lang siya ex ni Rin, magkakasundo kami. Pansin ko kasi parang marami kaming pagkakatulad. Halimbawa nalang ang kulo ng dugo namin sa isa't isa.

Naging routine ko na iyon tuwing Sabado at Linggo. Ang maganda rin sa desisyon ni Sir John, nakadepende sa dami ng tao ang magiging sahod ni Rin. Kaya ako, todo promote tuloy sa social media na doon na pumunta tuwing Sabado at Linggo. Pati rin yata si Arron, iyon ang ginawa kaya puno na halos minsan ang District One at nagiging in demand pa kaming tatlo na tumugtog.

"Ang laki, sir," gulat na sabi ni Rin nang sa unang kalahating buwan, inabot na ang sweldo niya.

"Pinaghirapan mo 'yan. Alam kong mas stress ka kaysa sa dalawa dahil para kang may tinitingnang dalawang makukulit na bata. Pag nalingat lang ang tingin, magsusuntukan na," si Sir na tiningnan kami ni Arron at inilahad din ang sobre sa amin.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon