Messages
I wore my cap, together with the hoodie of my black jacket, while heading inside. Madali lang namang makita ang stage dahil hindi sobrang laki ng stage. Hindi rin naman ganoon ka liit para maging siksikan dahil hindi rin crowded ngayon.
Naabutan ko siyang kumakanta. Sa ritmo palang, alam ko na agad kung anong kanta iyon. Blue Sky by Hale.
"The world maybe, like an endless storm, chasing a mystery..." he sang while I was already walking to an empty chair, occupying it, while our eyes locked.
Umupo ako, namulsa at titig na titig sa kanya. I've seen the sudden flicker in his eyes, probably curious why I looked miserable.
The gentleness of his voice sounded like a lullaby to me. It was comforting. Patingin tingin lamang siya sa akin, minsan iiwas, habang seryoso ang titig ko at hinihintay lang siyang matapos.
"The sun is sure to shine for you and me...for everyone...so don't be sad, it's just a start of a new beginning in your life... A blue sky...waiting tomorrow..." he sang and found my gaze again.
I looked at him silently, almost dazed, as I couldn't barely take my eyes off him. Magaan pakinggan ang boses niya lalo na't malinis. Even the song fits into his own voice because he sounded angelic.
Pumalakpak ang lahat pagkatapos ng kantang iyon. He smiled and stood. Kinausap niya lang ang mga kasama niya na tumutugtog saka siya naglakad patungo sa table ko.
I pushed the chair for him using my left foot. Umupo siya roon at tiningnan ako ng makahulugan. He was wearing a baby blue hoodie and gray tattered pants, while his hair wasn't in its usual style. He styled it, and he added some waves. Nang makita niyang nakatingin ako sa buhok niya, hinawakan niya agad.
"Pangit?"
I shook my head. "Hindi naman. Para saan 'yan? Nanonood ang ex mo?" Saka ko iginala ang tingin.
His eyes widened. "Huh? Hindi ah."
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. He looked so soft. Para siyang...
"Art."
"Art?" he echoed. "Ang alin?"
I blinked twice when I realized I had mouthed it. I shrugged and called the waiter. Patingin tingin siya sa akin, lalo na sa mga mata ko, ngunit iiwas din. I ordered beer for myself, while I also ordered his usual food. Noong magbabayad na, kumuha agad siya ng pera at inilahad sa waiter.
"Ako na ang magbabayad," agap niya. "May utang pa ako sa'yo."
"Libre 'yon," sabi ko.
"Oo nga. Kaya ililibre din kita ngayon," he defended and handed his own money persistently.
Ngumisi ang waiter sa kanya, mukhang kakilala niya lang. "Galante ka talaga pag guwapong lalaki 'no? Iba rin talaga ang nahahakot mo..."
Mabilis na nagkasalubong ang kilay ko at sinamaan ng tingin ang waiter. Anong ibig niyang sabihin diyan? Nakaalis na ito habang masama pa rin ang tingin ko rito.
"Anong nangyari?" bigla niyang tanong.
Ayos lang sa kanya ang ganoon? Babastusin siya at pag-iisipang gumagastos siya sa lalaki? Kasi sa akin, hindi 'yon pasado! Parehas lang 'yon ng pang-iinsulto ko ah?
"Ayos lang 'yon sa'yo? Anong sabi niya?" I asked roughly.
Bumuntonghininga siya. "Sanay na ako sa ganyan. Alam ng lahat dito na nagkakagusto ako sa lalaki. Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman kita papatulan katulad ng iniisip mo. Hindi naman ako ganoon..."