Mutual
Ipinasuot ni Mommy kay Rin ang kulay baby pink na party hat na bumagay sa suot ni Rin. Kulay blush pink na denim jacket, sa loob ay madalas niyang sinusuot na puting plain white t-shirt, army green pants at puting sneakers. Alam ko na puting t-shirt lagi ang nasa loob kaya nag puting shirt din ako at khaki pants. Kahit si Rio ay naka puting buttoned-down shirt din, masyadong gaya gaya sa akin.
"Matchy tayo ng suot, Rin!" ani Mommy at ipinagmayabang ang kulay pink na silk dress niyang hanggang paa niya ang haba. She even bragged the slit on the side, revealing her legs, which made Rin laugh a bit.
"Ang ganda niyo po, Tita..." ani Rin.
"Ay Mommy na ang tawag mo sa akin sa susunod ah!" sabik na sabi ni Mommy.
"Si Rio, my. Bunso nila Rin," pakilala ko.
My mom looked at Rio with widening eyes. "Hala! Parang naging kamukha mo nga anak dahil sa buhok! Hello! Ang chootie mo naman!" At pinisil pa talaga ni Mommy ang pisngi habang seryoso si Rio.
"Hello po," bati ni Rio sa magalang na paraan kaya ngumisi ako. Tanggal ang sungay natin ah?
"Pasok na kayo. Atat na atat pa naman sila na makita si Rin. S-in-end ko kasi sa GC na dadalhin mo ang nililigawan mo anak, tapos sabi ko, maghahanda ako. Lumapag ang mga pupunta dahil magpapaparty ako. Eh lumapag lahat! Edi nagdesisyon akong malaking party nalang," kuwento ni Mommy, hawak ang pulso ni Rin at hinihila niya na papasok habang nakapamulsa akong nakasulod sa likuran nilang dalawa, si Rio sa tabi ko na tahimik lang.
Pag usapang party talaga, laging lumalagpas si Mommy sa ganoon. At ang buong Vallejo, suportado ang mga ganyan ni Mommy, lalo na kung ako ang usapan.
Lumingon si Rin sa akin, sinisiguradong nakasunod ako sa kanya. I nodded to assure him I wouldn't leave his back wherever my mother would take him. Kaya noong bumukas ang malaki naming pinto, nalalaglag ang mga balloons at confetti, si Rin na bahagyang ipinatayo ni Mommy roon at pinalakpakan, natawa kaming dalawa ni Rio dahil para siyang nawawalang bata na sinundan ng tingin ang mga balloong nalalaglag.
My clan then stood up in their fancy clothes together with Simon, who's proudly smiling for us. Si Lolo lang ulit ang naka plain white t-shirt at malawak ang ngiti sa tabi ng Lola kong overdressed na naman at naka pink na malaking sombrero pa.
Nandito ang limang Vallejo kasama ang mga asawa nila. Nandito rin ang iilan kong pamangkin na maliliit pa lang, mga pinsan kong anim na teens, at isang kaedad ni Rin. Puno halos ang sala namin na naging party venue dahil sa decorations, at kahit ang enggrandeng hagdan, hindi pinalampas ni Mommy lalo na't may balloons din doon.
"Happy birthday to you!" my mother started singing cheerfully, coaxing the others to sing along with her.
Sinenyasan ako ni Mommy at itinuro ang cake kaya nagmamadali akong lumapit para makuha iyon sa kasambahay na sinisindihan na. They continued singing while I held the two-layered cake for Rin with a cute little rabbit sitting on it while it was surrounded by pink circles.
"Ginawa mo namang bata, my!" reklamo ko nang mapagtanto iyon na ikinatawa ng angkan namin, patuloy pa rin ang pagkanta.
"Birthday mo? Ba't ikaw ang nagrereklamo!" natatawang sabi ni Mommy, nakavideo na habang lumalapit ako kay Rin na may pinupunasan sa bawat sulok ng mga mata niya, tinatakpan minsan ang bibig pag tatawa.
I cleared my throat and smiled at him as soon as I stopped in front of him. Doon ko nakita ang kinang sa mga mata niyang tila luhang pinipigilan niya lang tumulo habang hindi nawawala ang ngiti niya.
"Happy birthday, Rin," I greeted with a smile.
His eyes turned glassy as he nodded a little, looking at the cake like it was the most genuine thing he had even seen in his entire life.