Proud
Nagising ako sa pumipintig na ulo. Kinapa ko ang gilid para hanapin ang phone ko nang wala akong mahawakan. Magkasalubong pa ang kilay ko hanggang mabilis akong napadilat, tarantang bumangon at hinagilap ang phone ko.
Shit! Hindi tumunog ang alarm clock ko! No. It probably rang, but I didn't hear it!
Mabilis kong iginala ang tingin ngunit sa kakaibang beddings, sa mga gamit, at sa style ng kuwarto, alam kong wala ako sa unit ko.
Nahawakan ko ang ulo ko, mabilis na tiningnan ang sarili at topless pa. My heart was racing so fast as I tried to look for answers. Tiningnan ko ang bawat sulok kung may ebidensya ba na may ginawa ako kagabi ngunit wala naman lalo na't malinis din. Maliban sa sapatos at t-shirt ko na maayos na nakalagay sa gilid.
Dinampot ko ang nakacharge kong phone at ang unang bumungad agad doon ay ang text ni Rin.
Rin:
Kung gising kana, may pagkain sa lamesa. Nahanap ko na rin ang susi mo na napulot ko labas ng unit mo.
My sudden nervousness calmed down. Nasa unit niya ako? Thank God. Nasa unit niya ako.
Rin:
Sa sofa ako natulog. Sa kwarto ka. Naka lock.
Wala akong iniisip na ganoon ngunit sa sagot niya, medyo napanatag ako. At mukhang alam na alam niya ang gagawin dahil nagsend pa siya ng video.
I played it curiously. Timelapse pa yata. Pero nasa labas lang siya, nasa sofa at doon natulog. Hindi ko na tinapos dahil naniniwala naman ako sa kanya.
Kung hindi ko lang nakita ang oras, late na sa subject ko, hindi ko pa siguro maiisipang gumalaw sa kinatatayuan.
I went out of his room without touching anything aside from taking my key. Sa unit ako naligo at kulang nalang tumakbo papuntang school. Aligaga ako at nagkanda-hulog hulog pa ang mga gamit ko habang tumatakbo papasok.
I have a lot of questions, but I need to go to my classes first. At sa bumabahang alaala sa isip ko, parang gusto kong sumigaw at suntukin ang hangin dahil sa mga nakakakilabot na pinagsasabi ko kagabi.
At ganoon ka himbing ang tulog ko na talagang hindi ko narinig ang alarm ko sa unang pagkakataon. Ang bilis ko pa namang magising sa paligid ko. Kahit siguro makarinig lang ng kaluskos, magigising na.
Ang lambot din naman kasi noong kama niya. O siguro dahil din mabango? O baka naman dahil kuwarto ni Rin at kilala ko ang amoy niya?
I couldn't concentrate during my class. Gago. Anong pinagsasabi ko? Hindi naman siguro ako umamin 'di ba? Pero kabisado ko ang sarili ko pag nalalasing lalo na't ang mga boys, nagrereklamo minsan dahil puro na daw batas ang bukambibig ko. Gano'n lang naman din siguro ang...mga ginawa ko kagabi?
"Huh? Wala naman..." ani Shiloh nang makipagkita ako lalo na't break time at dala dala niya pa ang iPad niya.
May naaalala ako eh. Parang nakausap ko si Shiloh na ewan. O baka naman imahinasyon ko lang? At kung totoo man 'yon, talagang mapapanatag ako kung kay Shiloh ko nailabas.
"Nag-usap na kayo ni Denver?" tanong ko nang maalala.
Umiling siya at tiningnan ang phone niya. "Hindi pa naman. Pero magkikita kami ngayon."
Umangat agad ang kilay ko. "Bakit?"
"May bibisitahin kaming cafe. 'Yung coffee project..."
"Kayo lang dalawa?" I asked.
"Uh...sasama din si...Brent."
I nodded immediately. Oo naman. S'yempre. Magpapahuli ba 'yung boyfriend niya. Eh kulang nalang maging aso niya 'yon kakasunod sa kanya.