Chapter 3

94.6K 3.3K 4K
                                    

Trigger Warning: Homophobia, vulgar language, and mention of sexual assault.
——
Trauma

"Napapadalas yata ang pagsama mo doon sa circles ni Brent, tol?" puna ni Rodney nang magkayayaang magbilliard.

Paano ba naman, puro tags na yata nila ang laman ng Facebook ko. Simula noong sumama ako sa 18th birthday noong Angela, lagi na rin akong iniimbitahan at hinahanap ng ibang girls.

"Puro pa naman tambay sa BGC ang mga 'yon," si Sotto na nasa gilid at yakap ang billiard stick niya.

I crouched a bit, looked at the cue ball to target the black ball, and aimed at it while the cigarette was between my lips. Pagkatapos ko iyong tirahin, tumayo ako ng tuwid, pinanood ang paggalaw ng mga bola at hinithit ang sigarilyo, hindi masyadong nakisali sa topic nila.

"Nakakarelate ka ba sa kanila, Rick? Pero akala ko sanay ka sa simpleng buhay lang? Ayaw mo ng kaartehan ng mayayaman?" Bumaling si Rodney sa akin.

Idiniin ko ang dulo ng sigarilyo sa ashtray bago iyon pinakawalan.

"Sakto lang," sabi ko, nasa mga bola pa rin ang tingin na naasinta ko ng maayos at na shoot.

Totoo ang sinabi ni Rodney. Though we belong in the upper class since my mother is part of a big brand of apparel here in the Philippines who's a fashion designer that earns big, I was more used to simple living because of my grandma. Sa kanya kasi ako iniiwanan pag busy si mommy.

At dahil sa tropa kong sila Rodney ako madalas sumama, medyo naaadopt ko iyong pangkanto nilang ugali. Iyong ayaw din sa biruan ng mga mayayaman pero kung gusto kong makisabay talaga kila Brent, makakasabay naman ako.

Sadyang dito ako mas nasanay. Sila Brent, hindi ko naman masyadong close dahil sa basketball lang kami nagkakasama, medyo ngayon lang dahil pinaunlakan ko iyong birthday noong kaibigan niyang si Angela at naimbitahan ulit sa galaan nila.

"Ang gaganda noong kabilang na girls na close yata noong Brent," si Rodney.

"Wala kang type doon, Rick?" kuryosong si Sotto.

The thing is, I don't kiss and tell. Swabe lang naman ang gusto ko. Kung makikita, edi ebidensya iyon na gusto ko ang babae. Pero hindi ko pinagsasabi-sabi talaga. Hindi ko rin naman ililihim kung kami na.

Umiling ako, nagpalit ng pwesto, at yumuko para tirahin ulit ang cue ball.

"Baka naman kasi lalaki talaga ang type mo, Rick?" natatawang si Sotto.

Ang amba kong pagtira sa bola ay tumigil saka siya nginisihan nang tingnan ito. He raised his hands immediately while the playful smile was still on his lips.

"Oh? Biro lang! Pinapagaan ko lang ang mood mo!" natatawang si Sotto na tinapik din ni Rodney ang balikat habang tumatawa.

"Nakakatawa?" ngisi ko dahil naiirita ako.

Simula noong initan namin ni Roger tungkol sa bakla, mas lalo lang yata nila akong pinagtitripan doon.

"Ano ba kasing ginawa sa'yo, Rick?" Rodney asked, trying to be serious while Sotto was forcing himself to stop laughing.

"Tinira ka sa pwet?" Sotto interrogated casually, like it doesn't need to be that heavy to talk about since we're men here.

Nagkasalubong ang kilay ko. Pilit na nagseryoso si Rodney, hinihintay akong magkwento.

"Lasing ako no'n," namamaos kong sabi, nag-iwas ng tingin.

"Lasing? Saan ba? Sa bahay niyo?" si Rodney.

Umiling ako at hinawakan ang isang hikaw sa kaliwa kong tainga. "Sa bahay ng kaibigan ko. Tapos nalasing ako at nakatulog sa sofa."

"O baka naman kasi panaginip mo lang 'yon, tol?" si Sotto na medyo nagseseryoso na ngunit may bahid pa ring ngiti ang labi.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon