Sincere
I cried for half an hour. Nasa sahig na lamang din ako, nakasandal sa sofa at nakatingala sa kisame habang pinapakalma ang sarili. Ang rami kong iniisip.
I haven't thought of this deeply. I haven't experienced reflecting, tracing the root of my emotion, and crying about it. Kaya ngayong binibigay ko sa sarili ko, hinahayaan kong umiyak, at ipakita kung gaano ako dinurog ng nangyari, nakakapanghina.
Ngunit walang mali rito tulad na rin ng sabi ni Doc Jane. Sobrang sakit na gusto ko munang umiyak, na karapatan ko ito, emosyon ko ito, at walang magsasabi sa akin na hindi dapat ako ganito ka hina tingnan.
"May nasusuntok akong mga bakla sa galit ko pag hinahawakan ako, doc," I confessed guiltily when my gaze slowly drifted on her.
"Trauma response," she pointed out.
"May isa akong circle noon. 'Yung circle na 'yon, sila ang mas nakakakilala sa akin. Sa kanila ko rin unang sinabi. Pero noong nag-open up ako, pinagtawanan nila iyon. Sana daw, tinira ko rin sa pwet bilang ganti. Nakakadiri. Hayop." Ramdam ko ang paggalaw ng panga ko sa galit.
"Have you tried opening up to your other friends?"
Tumango ako. "Oo doc...Una ko iyong in-open up kay Roger. 'Yung kaibigan ko kung saan ako mas close. Pero tinukso lang ako na sana ginantihan ko raw at tinira sa pwet pabalik kaya galit na galit ako. Nakakainis pa dahil kinukumpara nila sa karanasan nila at sinasabing huwag ko nalang pansinin."
Noon, pakiramdam ko, ang babaw noon. Ni hindi ko maamin kung biktima ba talaga ako, dahil parang pinaramdam sa akin, na kasalanan ko rin dahil naglasing ako, at naroon sa party na 'yon.
Tang ina. Laging nasesentro sa biktima at hinahanapan ng mali para masisi ito. Tatanungin ka pa kung ano bang suot mo. Kung lasing ka ba. Kung bakit ka sumama eh pwede ka naman sanang umiwas at sasabihing ginusto mo rin. O di kaya, bakit hindi sumigaw, o humingi man lang ng tulong. Fucking enablers. Akala nila ganoon ka dali iyon.
It just showed how people are closed-minded when it comes to victims, unless it happens to them. Unless they experienced it. Saka lang nila maiintindihan kung gaano ka bigat kung sila mismo ang nakaranas.
"No one must compare how they cope with things because we all have different stress levels, depending on their genetics and the environment they live in. That friend of yours, his stress level was probably low. Kaya kahit gawin iyon sa kanya, he could still hold back on overreacting because he got more spaces to fill, unlike you," paliwanag ni Doc Jane.
"May mga taong madaling panghinaan ng loob, hindi dahil nag-iinarte lang, o nag overreact, kundi dahil iyon sa maraming bagay. We have what we call nature and nurture. In terms of nature, ito iyong innate, or genetically speaking, namamana. Nasa dugo na. When you grew up in a family prone to depression, you might also have it, kasi nasa dugo niyo na. May iba naman, nakalakihan dahil sa environment na nila. Let's say, nahihirapan kang mag open-up dahil ang mga nakapaligid sa'yo, puro mga closed-minded, which you adapt and make it hard to share things," she elaborated.
"Some uneducated people about this would always claim, "O ako nga...ganito ang pinagdadaanan ko, mas mabigat pa sa'yo. Pero kinakaya ko naman. Kaya kaya mo rin 'yan." No. That's not how it really works since, as I said, we are all different, even genetically speaking. Our stress levels aren't the same. Sila, kinakaya nila, dahil kaonti lang ang stress level nila. Pero iyong iba na talagang umiiyak sa mga tingin nilang maliliit lang naman na bagay, they have already reached that high level of stress to react that way."
I gently looked at her. Ang nakakuyom kong kamay dahil sa galit na naiisip ko, lumambot. It was a different realization when you think of it on a deeper level: that all of us are equal as humans but unique. Iba iba man ang paraan ng pagtanggap, ngunit parehas na may emosyon.