Chapter 25

105K 5.1K 10.7K
                                    

Chance

Nakakafrustrate. At ramdam ko na nawawalan na rin siya ng gana habang lumilipas ang minuto. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinasabi nila Angela o nagmamadali talaga siya.

May napadpad na grupo ng mga bisita sa parking space at napansin kami. Hindi ko naman kilala pero nang bumaling ako kay Rin, nasuot niya na ulit ang mask niya. Ramdam kong hindi siya komportable.

"Aalis na siguro ako. Masyado na ring gabi. May gagawin pa ako," aniya at tiningnan ang suot na relo, tumatayo na sa upuan niya.

Gusto ko siyang pigilan, sabihin na gusto ko pa siyang kausap o kasama kasi boring ang party, pero pakiramdam ko, mas lalo iyong gagambala sa isip niya kung bakit ako ganito.

"Ihahatid na kita," I offered.

He shook his head. "Huwag na. May taxi naman at—"

"Ihahatid na kita. Anong oras na rin. Ibinilin ka ni Shiloh sa akin."

I've seen how he looked at me carefully, like he wanted to say something but couldn't. Iniwas ko ang tingin, itinuro ang bahay bago nagpaalam.

Hinanap ko si Tyler sa loob. Nasa peak na ang party at ang ligalig na ng iba. Hindi ko na nga mahanap si Brent at Shiloh, ni ayoko ring isipin kung bakit nawawala ang dalawang iyon.

"Tyler," tapik ko sa balikat niya nang matagpuan ko siya sa grupo ng mga girls, nakangisi at nakikipagkwentuhan.

"Rick!" He glanced at me cheerfully, put his arm around me, and showed me to the girls.

"You know him, right?"

Malalaki ang ngiti ng girls nang tingnan ako. Ang gaganda. But I cannot believe myself that my mind is only glued to that pretty boy who is waiting for me in the parking lot.

"Of course, it's Reagan."

"Hi, Reagan!"

"Ang pogi mo naman tonight! We heard you courted Kia daw..."

Umangat lamang ang kilay ko. "Hindi. Bakit niyo ba 'yan pinapakalat?" Iritado kong sagot na ikinagulat ng mga girls.

"Chill, Rick!" Tapik ni Tyler sa akin at inakbayan ako.

"Pahiram ng kotse mo. May ihahatid ako."

"Who?"

"Kaibigan ni Shiloh."

Kinapa niya ang suot niyang costume na Deadpool. "Oh right! Nasa kuwarto ni Angela. Doon ko iniwan ang mga gamit ko. Nandoon sa bedside table."

Tumango ako, tinapik ang balikat niya, at umalis na agad. I could hear the disappointment of the girls, but it was my least concern.

"Ganoon talaga 'yon. Medyo mailap ireto kasi masungit. But he's single. Walang nililigawan," si Tyler na nagawa pang magpaliwanag.

Umakyat na ako sa second floor ng kuwarto. Kinuha ko lang ang susi ni Tyler, ganoon din ang pumpkin basket na pinuno ko ng chocolates. Hindi niya naman siguro ito pagdududahan 'di ba? Halloween Party naman. Mas magtaka siya kung bulaklak ang ibigay ko?

Ngumuso ako habang iniisip ang reaksyon niya kung bibigyan ko siya ng bulaklak. Will he like it? Ano bang bulaklak ang gusto niya?

Ipinaalam ko kay Angela na aalis na siya. She was so busy entertaining the others that she couldn't even come to the parking space. At huwag na. Mapapahamak lang ako lalo dahil sa mga sasabihin niya eh.

Pagbalik ko roon, tahimik na naghihintay si Rin. Noong tumingin sa akin at bumaba ang mga mata sa pumpkin basket, kabadong kabado agad ako.

"Here." Inilahad ko iyon.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon