Feminine
I suddenly heard a soft play of something familiar that I immediately knew—he's playing piano again. Hindi masyadong malakas, pero naririnig ko dahil hinayaan kong bukas ang balkonahe sa gabing iyon.
Hindi ko kailanman naranasan ang saktan ng pisikal sa bahay dahil iba ang pamamaraan ni Mommy sa pagpapalaki sa akin. She has no problem with me. Bukod sa si Lola rin ang gumabay sa akin, lumaki akong dinisiplina nang walang dahas na nararanasan.
But to hear that those things exist and that some parents would beat their kids for a petty reason is infuriating.
Oo, galit ako sa bading lalo na kung hahawakan ako. Doon ako nagiging pisikal talaga. Pero hindi ko pa naman naranasang mambugbog ng bading dahil lang...bading. Nagiging pisikal lang ako kung pinapakialaman ako dahil ayoko sa gano'n. Pero siya...sinasaktan dahil...bading?
I groaned roughly on my bed when I couldn't even close my eyes. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko, bangag akong papasok bukas nito kaya iritado akong napabangon. Gusto kong sabunutan ang sarili kaso...hindi nga pala mahaba ang buhok ko na hindi ko man lang mahawakan.
I sighed and put my hands at the back, my body reclining a bit as I stared at myself in the mirror unconsciously. Bakit ako nakokonsensya nang ganito? Eh katulad lang din naman ako ng papa niya, nananakit ng bading. Pero ang kaibahan lang dito, nagiging bayolente ako kung hinahawakan at binabastos ako. Pero siya...sinaktan dahil...bading?
I cursed and dropped my back against the bed again out of frustration. Hindi pa nakakatulong na...naririnig ko ang boses ni Shiloh sa isip ko at sinasabing makonsensya ako.
I didn't apologize sincerely. Ni hindi ko alam kung...baka ako pala ang dahilan kaya nag-away sila at humantong sa hiwalayan. Tapos ngayon...malalaman ko 'to? Makikita ko pang may pasa 'yung labi niyang makintab?
I licked my own lips when it quite bothered me. His lips looked so smooth that I was furious about the cut. Nakakagalit na sa lahat ng maiisip ko sa kanya, ito pa.
The soft melody of the piano stopped, and I glanced at the balcony as there was an urge to peek my head and check if he's...
I gulped. Kahit labag sa loob, hinila ko ang sarili patayo at dahan dahang naglakad sa may balkonahe. In my peripheral vision, his balcony was empty when I completely stepped out. But still, I walked toward the railings as I put my hands in the pocket of my gray sweatpants.
Tiningala ko ang madilim na langit at nakita ang pamilyar na kalahating buwan, naalala kung paano niya iyon tinitigan noon. The sparkle in his eyes would sometimes bug my mind because I'd seen the caged sadness in it. Kaya medyo...nakakapagtaka lalo na't hindi naman ganoon ang mga mata niya noong nasa cafe kami.
Ilang sandali lang, nakita ko ang paggalaw ng kung sino sa gilid. My eyes moved to the side to check, and I saw him stop when he was about to step outside his balcony too.
Bumaling ako sa kanya. His eyes were bloodshot, and the cut on his reddish lips made him look miserable, despite how calm his composure was.
Tiningnan niya ang dulo ng balkonahe, gustong lumapit doon, pero dahil yata nandito ako, hindi niya magawa at nanatili lang sa bukas na pintuan. I shifted my position and leaned against the railings as I crossed my arms, fully facing his side.
Nagkasalubong ang kilay niya habang tinitingnan ako. My lips opened to speak, but I closed them instead when I couldn't utter a single word. Nakakabanas...
May mali nga yata siguro sa akin. Kasi nakokonsensya ako, gustong gusto kong humingi ng tawad, kaso...parang ang hirap. Hindi ko alam kung naaawa ba ako, o nagagalit sa pasa sa labi niya.