Creep
He occupied the table next to me. Nasa akin ang tingin niya nang hinila niya ang upuan at inukupa iyon. I leaned against my seat, crossed my arm, and glanced at him with an arched brow.
Arron ordered some drinks for himself, just like mine. At kahit ang pulutan ko, nakita ko pang nilingon niya sa table ko. Nahihiya pa ang isang 'to! Lumipat nalang din siya sa table ko kung gagayahin niya lahat at makipag-inuman na rin sa akin!
Napapatingin si Rin sa aming dako. Kita ko sa mga mata niya ang kaba na maaaring bigla kaming magbibirahan ni Arron pag nalingat ang tingin niya. Kung hindi ako aangasan ni Arron, nakakasigurado naman akong hindi ko masasapak ang isang 'to.
"Bakla ka pala," aniya. Tang inang papansin 'to. Close ba kami? Umpog ko siya eh.
"Nagsalita rin ang bading," I murmured and sipped on my own beer.
Halata namang inaasar niya ako. Lalo na't sa pagkulo ng dugo ko, talagang nakakapikon. But again, I don't want to start a fight here. Pag gumawa ako ng gulo, lagot ako kay Rin.
I know how to manage my anger. Talagang minsan, nauuna lang ang galit sa akin at hindi ko namamalayang natangay na pala ako. Ngayon lang siguro ako natututong kontrolin dahil naalala ko lagi ang sinasabi ni Doc Jane. Emotions are just temporary. Kung ano man ang nagawa mo habang galit ka, iyon ang magmamarka, hindi ang galit mo kundi ang desisyon mo habang galit ka.
"I heard you're courting him," he said, striking up another conversation.
Humalukipkip ako, nasa harap ang tingin. Rin looked at me like I should be the one who's adjusting here, or my anger. Eh ako ang tinabihan, Rin! Anong magagawa ko? Kung lumipad ang kamao ko ngayon sa mukha niya, kasalanan niya dahil ang lapit lapit niya sa akin.
Nagkibit ako. "Single eh."
He barked an insulting laugh. "Oh? Kahit noong hindi naman 'yan single mukhang pinormahan mo rin ah? Kaya nga naumay sa akin at nakipagbreak."
Nagkasalubong ang kilay ko at bumaling sa kanya. He smirked at me, so I looked at his lips. Makangisi pa kaya 'to kung bubungalin ko siya?
"Kung hiniwalayan ka niya, hindi ba't isipin mo kung anong ginawa mo para maging ganoon ang desisyon niya?"
"Hiniwalayan ako dahil nanggulo ka, Vallejo," he said. "Knowing the circles you are in..."
Gago ah? Anong kinalaman no'n? Past ni Brent na laging pinag-uungkat! Nagbabago na 'yung tao oh! Oo nga gago si Brent noon sa girls, hindi lang naman siya, pero nakakaumay na lagi kaming napagbibintangan ng kung ano ano dahil sa mga mali namin sa nakaraan.
Parang ako rin. Oo galit ako noon sa bakla. Nang-iinsulto ako. Pero sinikap kong magbago dahil mali iyon. Ano, hindi counted? Kailan pa binilang ang mali? Tama lang ang dapat binibilang ah?
Kapwa nasa harap ang tingin namin, kay Rin na kumakanta at pasulyap sulyap sa aming banda.
"Ininsulto mo. Halos pandirihan mo. Tapos ngayon, hindi mo lang sinulot, inabangan mo pa," patuloy niya.
Tss. Anong sulot? Mata niya sulutin ko eh. Hindi nga lang ako makapalag sa iba niyang sinabi dahil totoo rin naman.
He scoffed when I didn't answer him. "Paanong hindi ko malalaman eh like ka nang like ka sa mga post ko? Kapal din ng mukha mo."
Halos maibuga ko ang iniinom ko. Anong like? Bakit ko ila-like? Gago. Mang-i-stalk nalang mag-iiwan pa ng ebidensya. Ah... kaya naman pala nagpopost ng picture nila kahit hiwalay na dahil alam niyang binibisita ko ang wall niya. Nagyabang ang wala nang karapatan.