Chapter 30

107K 4.8K 9.8K
                                    

Trigger Warning: Mention of rape

Choice

Tama ba 'yon?

Kanina pa magkasalubong ang kilay ko habang nasa taxi na, iniisip kung tama ba 'yung sinabi ko. Oo nagmamadali naman talaga ako, pero umiiwas din.

Binuksan ko ang phone ko para i-check kung naka deact pa rin si Rio. S-in-earch ko sa Facebook at talagang deactivated pa talaga. Huling post no'n na nakita ko ay brokenhearted. Ang korni ng batang 'yon, pero gets ko rin.

Pero ayos lang ba 'yung sagot ko kanina? Dapat pala binati ko nalang talaga eh. Pwede naman 'yon ah?

Nasa isip ko iyon hanggang sa nakauwi. Kahit nagshower na, natutulala pa ako sa salamin at iniisip iyon. Napatingin ako sa sarili nang mapansing tumutubo na ang buhok ko. Hinaplos ko iyon lalo na't wala na akong planong magpagupit. Papahabain ko.

"Reagan!" nangingiting bati ni Lola sa hapong iyon nang pumasok ang kotse nila sa bukas na gate at mabilis ko siyang dinaluhan para alalayang bumaba.

Kasama niya si Lolo na isa ring inalalayan ng kasama nilang kasambahay. Inayos niya pa ang suot na glasses para tingnan ako.

Kinuha ko ang kanyang kamay at nagmano na rin. Ngiting ngiti siya sa akin. Ang suot niya ay akala mo sa opisina tatambay kaya ang pormal tingnan at may sombrero pa. Iba ang fashion nito. Akala mo may runway siya lagi sa Chanel kaya ganito manamit. Tapos si Lolo parang napadaan lang at naka tsinelas pa.

"Mama! Papa!" si Mommy na lumabas rin, may pamaypay na naman, at nangingiting lumapit para makahalik.

Kinuha ko ang mga dinala niya na nasa loob at tinulungan ang kasambahay na medyo nahihirapan din doon. Malawak ang ngiti ni Lola habang tumitingin tingin sa akin.

"May regalo ako diyan sa'yo," parinig ni Lola nang bumalik ulit ako sa kotse para kunin ang iba pa.

"Ako rin," singit ni Lolo at may pinapahiwatig pa lalo na't talagang natawa si Lola.

Tuwing Christmas, para silang lumilipat sa bahay namin sa dami ng dala. 'Yung iba naman puro sa akin. Mamaya, dadating din 'yung mga Tita at Tito ko kasama ang mga pinsan ko. Ginagawa talaga nilang gatherings ang bahay namin tuwing Christmas para hindi lang kami ni Mommy tuwing pasko.

Iniisip ko tuloy kung...umuwi rin ba siya? Pabalik siya sa unit niya ah? Uuwi naman siguro 'yon. Christmas eh.

Kaso di ako mapanatag kaya kinuha ko ang phone ko at ch-in-at si Shiloh.

Reagan:

Shiloh?

Maingay na sa sala dahil nandoon na sila Lola at Lolo, nakaupo sa sofa at nakikipagchikahan kay Mommy habang nakasandal ako rito sa kitchen sink, nakatitig sa screen ng phone ko.

Shiloh:

What?

Umismid agad ako. Gagong Brent 'to ah? Siya ba ang hinahanap ko at siya ang sumasagot? Typings at english pa lang alam ko agad na siya 'to. Sino pa ba?

Reagan:

Nasa'n si Shiloh?

Nakikita ko agad ang magkasalubong na kilay ni Brent. Ngumisi ako nang maalala kung paano namin siya inasar kahapon. Lumuhod ba naman...

Shiloh:

Bathroom.

Reagan:

Diyan lang kayo mag C-Christmas? Dumating na ang Mommy mo?

Shiloh:

Not yet.

"Reagan!" tawag ni Lola kaya naisilid ko tuloy ang phone ko sa bulsa para lumapit sa kanila.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon