Chapter 8

81.3K 3.9K 5.1K
                                    

Hold

Shiloh:

Oo na nga! Saglit lang.

I frowned after reading his message. Ang sabi niya, tutulungan niya daw ako. Anong petsa na oh? Natapos nalang iyong birthday niya, wala pa rin!

I typed for another reply.

Rick:

Bahala ka. Kakagatan ko 'tong cake mo.

Ilang sandali lang, nakita ko siya sa labas na nagtatakbong papunta na sa cafe. I smirked. Ang takaw nito sa matamis.

Medyo naging maayos din naman ang girls dahil sinabi ko, magsosorry ako. Si Brent, pinayagan pa ako noong sumama sa Boracay kaya talagang nag-ambag ako sa plano niyang birthday para kay Shiloh. S'yempre, tutulungan ako eh.

Natatawa kong inilapit ang gatorade ko sa kanya nang hingal siyang umupo at mapaghanap agad ang tingin sa mesa, sinisiguradong hindi ko kinagatan ang paborito niya.

He occupied the chair and sighed while wiping his sweat off his forehead, so I took my handkerchief out and gave it to him.

"May gig siya," ang agaran niyang balita nang tinanggap ang panyo ko.

I nodded because I knew that news. He's into music. Hindi ko nga lang alam saan siya kumakanta.

"Mamayang gabi natin siya puntahan."

Tumango akong muli. "Ano nga ang sasabihin ko? Sorry... sinadya ko—Aw!" marahang daing ko nang sinipa niya ako sa ilalim ng mesa, nangingiti sa kanya.

"Hindi ka naman yata sincere eh! Bahala ka!" nag-amba siyang tumayo at gusto pang dalhin ang platito ng cake niya.

"Biro lang! Seryoso 'to!" I pointed at myself and pulled a serious expression.

Kumalma siya, inangatan ako ng kilay. This time I raised my brows and showed him I was determined. Dahan-dahan siyang umupo at inilapag ulit ang platito.

"Kaibigan ko 'yon kaya magtino ka."

I showed my palm for a promise sign. And woah...kaibigan niya na? Mabait naman 'yon kasi kaibigan din ni Brent. Pero...

Oh huwag na, Rick. Paano pa magiging sincere 'yang sorry mo kung lalaitin mo ulit.

"Bakit mo naging kaibigan?" I asked curiously and watched him eat the slice of cake.

Duda talaga ako sa isang 'to. Kung hindi ko lang nakakasundo...

"May close siya sa circle ni Verena."

Damn...Oo nga pala. He's close to Verena's circle. Pero bakit ako lang ang magsosorry eh bumoses din naman ang mga boys? Purket ako lang ang narinig?

"Dapat sila Tyler din..." sabi ko.

"Ikaw na ang magsorry para sa kanila."

Nalaglag ang panga ko. Ano 'yon, ako ang representative sa kagaguhan naming lahat?

"Gago ka kasi eh. Ayan tuloy." He looked at me with obvious judgments in his eyes.

Bakit parang ang below the belt kung sa kanya galing?

But then, I calmed down. Magsosorry na nga nang matapos na itong ka kornihan na 'to. Sorry sorry pa. Para namang bata. Baka nakalimutan na 'yon noong Denver at boyfriend niya. Baka nga masaya na ang dalawang 'yon at hindi na maalala ang nangyari.

Noong nagsimula ang school, bumalik na rin naman ako sa unit ko dahil ang hassle na talaga na umuuwi ako sa Malabon. Hindi ko na nakakaya ang traffic at ang pagmamahal ng gas.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon