CHAPTER 32 | CHASING

19 9 4
                                    

Bandang alas tres na ng matapos kami sa pag-practice. Pakagaling namin mula sa pag practice ay dumiretso agad kami sa CC. Mabilis kong nakasundo si Martinez. Iyong babaeng malakas din ang dating. Kahit naman sila De Verra at Lewis ay mabilis kong nakasundo, sadyang mahangin lang talaga ‘yung Lewis at feeling guwapo palagi. Si Llagas naman? Huwag na lang natin pag-usapan.

Pagdating namin ng CC ay kanya-kanya na kaming sports na pinuntahan upang manood. Ako ang unang humiwalay sa kanila dahil na-o-op na ako. agad hinanap ng mata ko ang lalakeng kanina ko pa gustong makita ngunit sa dami ng tao ay hindi ko agad sya nakita. Nagsisimula na rin kasing magpa-try outs at magpractice ang ibang sports at kabilang doon si Herrera.

Agad kong iginawad ang paningin sa kabuuan ng CC at hinanap kung saang parte may naglalaro ng billiards at hindi naman ako nabigo nang makita ko ito sa pinakang-dulo malapit sa office.

Pakapasok ko pa lamang sa entrada ng CC ay bumungad na sa akin ang likod ni Herrera. Nakatalikod siya sa gawi ko at focus na focus sa pagsipat ng bola sa mesa habang hawak sa kanang kamay ang tako.

Ipinuwesto niya ang stick sa taas ng mesa at saka ito tinira. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng pumasok ang nuwebe at kinse. Lumikha ito ng kakaibang tunog nang mahulog ang bola sa pocket, o ‘yung butas na nasa kanto ng mesa.

Napasipol ang isang lalakeng kalaban niya sa laro kaya’t mas lalo akong napangisi. Kalmado ang lakad na pumihit siya papuntang kabilang side ng mesa saka muling sinipat ang mga bola. Seryosong-seryoso ang mukha niya. His forehead was a bit creased at halos magkadugtungan na ang kanyang kilay sa sobrang pagkasalubong nito

He moistened his lips first and then playfully poked his cheeks with his tongue before releasing the stick — At boom, pumasok ang Dies at Catorce. Magkasabay itong gumawa ng tunog dahilan upang mapailing ang lalakeng kanina pa nakatayo sa gilid. Sa huli ay naubos niyang ipasok ang mga bolang nasa stripe at hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang kalaro na pabirahin.

“Sheesh! Nice!” Sigaw ko saka malakas na pumalakpak. Nagsimula akong magmartsa papalapit sa kanya habang nakaguhit ang isang ngisi sa aking labi.

Ang galing magpashoot ampota. SHARPSHOOTER!

Bigla ay maging malikot ang mga mata niya at hindi nakaligtas sa paningin ko kung paanong rumehistro ang gulat sa mukha niya. Mabilis niyang inilibot ang paningin para hagilapin kung saan ang pinanggagalingan ng ingay.

“Galing ah!” Hasik ko nang makalapit ako dahilan upang dahan-dahan siyang humarap sa akin.

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba at dinadaya na naman ako ng paningin ko pero parang lumiwanag ang mukha niya ng makita ako.

He blinked several times and then he hulped. "W-What are you doing here?" Suplado at nauutal niyang sabi.

I grinned and said, "I'm watching you," unable to contain my amusement as a wide smile remained plastered on my face, making me appear somewhat foolish..

For the second time, he gulped as he met my gaze. "Stalker." Singhal niya bigla saka pasiring na inalis sa akin ang tingin. Mabilis niya akong tinalikuran dahilan upang lumikot ang dila ko sa loob ng aking pisngi.

He was just about to walk away, but I managed to grab his hand, causing him to flinch slightly.

"Teka lang naman." Hinila ko ang kamay niya dahilan upang mapaharap siya sa akin, "bakit ba galit ka na naman? Ano na mag ginawa ko?"

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka parang nawawalan ng pasensyang napahilamos sa mukha gamit ang kanang kamay habang hawak niya naman sa kanyang kabilang kamay ang kanyang tako.

Inis na binaling niya sa akin ang tingin dahilan upang mapangisi ako.

"Bakit ba ang hilig mong manghila?" He shot back, eyeing me.

"Eh ikaw, ang hilig mong magalit." Ganti ko.

"Yes because you're pain in the ass!" Mas lalong nangunot ang noo niya. His face contorted into a scowl, his brows furrowing and his lips tightening into a thin line.

Matagal bago hindi ako nakasagot. Napanganga ako at tila ba kinakapa ang dapat sabihin.

Wait lang

99... Loading

Bahagyang lumamlam ang mata niya ngunit mabilis din itong napalitan ng inis.

"Pain in the ass ampotek! Kaylan ko ba sinuntok ang pwet mo?"

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon