Ilang minuto na ang nakalipas simula nang umalis si Herrera para mag prepare sa laro niya ngunit tila ba isang mantsang nakakapit sa damit ko 'yung epekto niya sa sistema ko. Kung gaano kalakas 'yung pintig ng puso ko kanina ay siyang lakas din ngayon.
Mamayang alas unse pa ang laro ni Herrera. Yumuko ako ng bahagya upang tingnan ang relo kung anong oras na. Nang mapagtantong 10:30 na ay agad na akong tumayo saka kinuha ang maliit na tote bag ko. Napatingin pa sa akin si Chavez at nagtataka kung bakit bigla akong napatayo.
“Sa court.” Hindi pa man siya nagtatanong ngunit alam ko na ang ibig sabihin ng tingin niya.
Isang nakakalokong ngiti at mapang-asar na tingin ang ipinukol niya sa akin bago ko pa man sila talikuran. Bago ako dumiretso sa court ay dumaan muna ano sa Germania para bumili ng drinks. Isang Espresso at isang Milky Chocolate ang binili ko para sa aming dalawa. Akmang tatalikod na ako upang tumungo na sa court nang mapansin ang isang stall na nagtitinda ng toasted at steamed siopao.
Parang may sariling buhay ang mga paa ko na dumiretso sa stall na iyon upang bumili. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi ng maalala 'yung panahon na unang beses kaming nagsama sa isang presentation ni Herrera. Bumili pa talaga siya ng kape at tinapay noon para sa akin. Shux naman talaga.
Sa tingin ko nga ay Toasted siopao talaga ang paborito ni bungol dahil natatandaan kong palagi siyang nabili neto kahit noong high school pa kami.
Ito na ba Lord ang sagot sa mga dalangin ko? Tsk tsk, iba ka talaga, Lord! Napaka-unpredictable ng mga moves mo, ha?
“Salamat, Ma'am!” Nakangiting sambit nu'ng tindera na binilhan ko saka umabot sa akin ang brown at mainit na supot.
Ngumiti rin ako sa kanya saka ginawad ang binili. Akmang tatalikod na ako upang maglakad nang isang malakas na pwersa ang bumangga sa akin.
“Shit!” Mahinang mura ko.
Agad akong napangiwi nang maramdaman ang unti-unting paghapdi ng balat ko dahil sa mainit na likidong tumilapon sa kamay ko padausdos sa hita ko. Dahil dito ay nabitawan ko ang hawak kong siopao at nahulog ito sa paanan kong halos mabasa na rin dahil sa kung anong natapon kanina.
“Oh, sorry! I'm not looking on my way eh.”
Sa oras na ito ay hindi ko na kaylangan pang tingnan ang mukha niya upang malaman kung sino siya. Sa tinis at tono pa lamang ng boses niya ay amoy na amoy ko na ang baho ng pagkatao niya.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko kasabay ng mariin kong pagpikit. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa gawi namin maging ang maliit nilang bulungan. I bit my lower lip to remain calm, dahil kung hindi ay mabibira ko ’tong kurimaw na nakapalda sa harap ko.
“My bad," she said, clearly not apologetic, “sorry, Datche. Hindi kita nakita kanina, swear!” Nakumpirma ko lang ang hinala ko nang dahan-dahan itong ngumisi.
Sinalubong ko ang mapang-asar niyang tingin. Seryoso akong nakatingin sa kanya habang pinaplano kung sa paanong paraan ko ba siya mapapaslang.
“Sa pagkalaki-laki ng espasyo, nabangga ka pa talaga? At ako pa talaga ang nabunggo mo?” Kunwari ay hindi makapaniwalang tanong ko.
She rolled her eyes and she gave me a disgusted look.
“I already said I'm sorry, ‘di ba? Why are you making it a big deal ba?”
My jaw tightened as I clenched my fist.
I fake a smile before facing her. “Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka biglaang nabubulag.” I told her and her eyes immediately went round, “ipa-check mo ang mata mo at baka ibang sakit na ang meron ka. Sabihin mo na sa laki at liwanag ng lugar ay wala ka ng nakikita.” I added.