CHAPTER 51: A GOOD DAY TO DIE

15 11 1
                                    

Nagsimula na ang parade at maririnig ang ingay na ginagawa ng instrumentong dala ng bawat team- bagay na mas lalong nagbigay buhay sa parade. Nangunguna ang majorettes ng bawat team, sumunod ay ang banda na may kanya-kanyang tugtog. Sa likuran ng bandan ay ang Mascot na ginawa ng bawat team at sunod dito ay ang Tarpaulin kung saan nakalagay ang pangalan ng team. Officer at Staff ng bawat department ang may hawak ng tarpaulin. After ng staff ay kami ng mga students na tamang nakabuntot lang sa kanila.

Nagkalat din ang mga Red Cross First Aiders na student volunteers para i-ensure ang safety ng mga participants. Kung wala lang akong ganap ay baka nagduty din ako. Ang kaso lang ay mas priority ko ngayon ang banda dahil pangalan ng department at ng team namin ang nakataya dito.

Nahagip ng paningin ko si Madrigal na nasa unahan. Isa siya sa may hawak ng tarpaulin namin dahil isa siya sa officer ng XACHSS. Sa tabi niya ay ang lintek na De Verra na wagas kung magpacute kay Madrigal na halatang banas na sa kanya.

"Aren't you tired?" Napatingin ako sa katabi kong lalake na may hawak na payong para sa aming dalawa.

Magkadikit ang katawan namin ngayon dahil pilit naming pinagkakasya ang sarili sa maliit niyang payong. Bawat pag dampi ng balat niya sa balat ko ay para bang may kung ano iyong epekto sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay may kung anu-anong gumagalaw sa loob nito. Maging ang puso ko ay wala rin humpay ang pagwala sa loob.

SHUXXXXX!!! Ano kaya ang ginawa ko sa past life ko para makaranas ako ng ganito?! Dati-rati lang ay ni hindi ko siya mahawakan, ngunit ngayon ay shet naman talaga!

Literal na abot tenga ang ngiti ko dahil doon. Ang hirap talagang maging maganda!

Umiling ako sa kanya bilang sagot ngunit dahan-dahan niyang inangat ang kabilang kamay.

"Water?" Alok nito sa patanong na tono saka inilahad sa akin ang bottled mineral water na hawak niya sa kabilang kamay habang ang kanang kamay niya naman ay nakahawak sa payong.

I smiled, "kaya pa naman. Ako na muna hahawak niyang payong, uminom ka muna." Sambit ko ngunit umiling lang ito.

"This is for you." Aniya

Naku naman! Talagang papatayin ako sa kilig ng lalakeng ito e.

"Saan ka after ng parade?" Biglang tanong niya sa akin.

Inangyan. Ako lang ba?! Ha? Ako lang ba 'yung kahit anong tono ng boses niya, parang ang lambing-lambing niya magsalita? Iyong tipong pikon na siya at galit na siya pero napaka-soft spoken niya pa rin?

Pero ano kaya tono ng boses niya kapag nasa kama?

Tsk. Napangiti ako sa sariling naisip saka wala sa sariling napailing.

"Why are you smiling?" Biglang sabat niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya at mas lalong mapangiti.

His brows snapped together and the corner of his eyes crinkled, "why are you staring at me like that?" He asked.

"Nagpapacute ako sa'yo, ano ka ba?!" Nakangiting sambit ko ngunit isang inis na tingin lamang ang ibinaling niya sa akin - bagay na mas lalong nagbigay tuwa sa puso ko.

Ang hot niyang mainis!

"Sa school lang ako mamaya. Bakit?" Sagot ko sa tanong niya kanina. Siya naman ngayon ang napatingin sa akin. Medyo natagalan ako sa pag sagot sa tanong niya. Akala niya siguro ay wala akong balak na sagutin siya.

Kapag first day ng Intrams ay ang Sports fest. Dito ginaganap ang mga palaro tulad ng volleyball, basketball, soccer at iba pang sports na masyadong nakakapagod. Sa ikalawang araw naman ay ang board games. Chess, Sungka, The game of the Generals at iba pa. Sa Ikatlong araw ay next match nu'ng mga nanalo sa unang match ng sports. Maglalaban ulit sila para kung sino man ang manalo, siya ang muling ilalaban sa Championship. Sa Ikaapat na araw naman ay Drag Queen Racing. LitMusDa sa umaga, Drag
race sa Gabi. LitMusDa or Literature, Music and Dance. Ito ang pinakanglast ng event at ito ang highlight ng Intrams. Ito ang araw na magp-perform kami ng Banda. Sa fifth day naman ay last match nu'ng mga nanalo sa final match ng sports. Dito na malalaman kung sino ang panalo dahil Champion Vs. Champion na. Pag dating ng hapon ay ang Awarding night.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon