TRIGGER WARNING: This chapter may contain sensitive content that could potentially trigger emotional distress or discomfort. Reader discretion is advised.
NAPATINGIN ako sa pintuan ng kuwarto ni Ferrero ng bahagya itong bumukas. Dalawang pares ng pamilyar na sapatos agad ang nakitanko at hindi na ako nagtaka ng iluwal nito sila Chavez at Tuazon. Palagi naman silang bumibisita kay Ferrero pero nagkakataon lang talagang hindi nila ako naabutan, at ito ang unang beses na naabutan nila ako simula nu'ng hindi kami magkibuan.
“Grabe namang sleeping child ‘to, dinaig pa mantika.” Ani Chavez at tumawa. Maingat niyang inilapag ang gamit sa center table saka lumapit kay Ferrero.
Nakatayo lamang sa gilid namin si Tuazon na walang imik at nagmamasid lamang. Ramdam kong si Ferrero ang pakay nila at wala ng iba.
Maingat kong kinuha ang bag kong nakapatong sa paanan ni Ferrero saka ito isinukbit sa balikat ko. Marahan kong tinungo ang pintuan at pinihit ito upang buksan ang ngunit bago pa man ako makalabas ay isang malamig na boses ang pumigil sa akin.
“Aalis ka?” Si Tuazon.
Oo nga pala. Hanggang ngayon ay hindi nila alam na nagtatrabaho ako. Hindi naman na kasi ako nag-abala pang magkuwento.
“May dala akong pagkain. Saluhan mo na kami.” Aniya saka nag-iwas ng tingin sa akin.
Napatingin ako kay Chavez na ngayon ay nakayuko at tila ba hinihintay ang magiging tugon ko.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglaylay ng balikat nilang dalawa nang gantihan kong pag-iling ang kaninang alok niya.
“Kumain na ako.” Sagot ko at inayos ang strap ng bag na nakasabit sa balikat ko. “Magtatagal ba kayo?” Tanong ko.
He nodded, “dito kami matutulog.” He answered back.
“Ge.” Tipid na sagot ko pa. Tinanguan ko muna sila bago ako tuluyang lumabas ng room ni Ferrero.
Pasado alas otso na nang marating ko ang Coffee shop. Mula sa labas ay tanaw na tanaw ko sa malingaw na screen wall ang mga nakabukas ng ilaw sa loob. Panigurado ay nakauwi na si Dao kanina pa.
As I made my way inside, literal na napanganga ako sa katahimikan. Inilibot ko ang mga mata sa loob at kahit kakarampot na anino ay wala akong makita. There were no customers, walang mga call Center agent at walang mga estudiyanteng nagla-laptop. Maayos na maayos ang pagkakalagay ng mga silya sa tapat ng mesa na tila ba hindi man lang ito nagalaw.
“Holiday ba ngayon?” Mukhang siraulong tanong ko sa sarili.
Kataka-takang walang tao ngayon. Ito na yata ang unang beses na wala man lang customer itong coffee shop na ito.
Dahil sa pagtataka ay naisipan kong tingnan ang calendar sa phone ko upang i-check kung holiday nga ba ngayon, ngunit ganu'n na lamang ang inis ko nang mapagtantong naiwan ko ang cellphone sa kama ni Ferrero kanina.
Bakit ba kasi ako nagmadali kaninang makaalis nu'ng dumating sila Chavez?
Badtrip!
Imbis na sampalin ang sarili at bago pa man magkaroon ng kasong “self-murder”, dumiretso na ako sa counter at nagsimulang mag-inventory. Nang bandang 9:30 ay nakaramdam na ako ng antok dahil sa kakatutok sa PC kaya’t napagisipan kong maghilamos muna sa comfort room.
Lintek, wala talagang dumating na customer. Pakiramdam ko tuloy ay naprank ako ngayong gabi dahil pumasok pa ako eh wala namang customer. Sa kabilang banda ay pabor naman sa akin na walang customer dahil ibig sabihin lang noon ay hindi ako masyadong mapapagod.