CHAPTER 45 | JUST BECAUSE

13 8 0
                                    

Buong akala ko ay kung saang food stall lang ako dadalhin ng lalakeng kasama ko ngayon, ngunit ganu'n na lamang ang gulat ko ng itigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang simpleng pamilyar na puting bahay. Tuluyan niya ng inalis ang seatbelt niya samantalang ako ay nanatiling nakatulala at nakamasid sa labas ng bahay.

"Let's go inside." Parang batang excited na sambit niya saka tuluyang lumabas ng sasakyan. Mabilis ang mga naging kilos niya at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya at napagbuksan na ako ng pinto.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong bumaba mula sa sasakyan at sumunod sa kanya. Pakapasok namin sa loob ng bahay nila ay agad naagaw ng mga medal na nakasabit sa dingding at ilang trophys ang atensyon ko. Ang lahat ng ito ay nakapangalan sa taong walang iba kundi kay Herrera.

"Kuya, may dala kang ulam?" Bungad ng isang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon. Magulo ang pagkaka-bun ng buhok nito sa tuktok ng ulo niya ngunit maganda itong tingnan sa kanya. Bumagay sa mapusyaw nitong balat ang suot niyang maroon over sized na t-shirt.

I like her style.

"Si Papa?" Imbis na sagutin ay nagtapon din ito ng tanong.

"Hindi pa nauwi. Hindi raw naubos iyong tininda niyang fish ball kaninang hapon kaya iyon ang ulam natin mamayang hapunan- oh, may kasama ka pala?" Ngumiti ito ng nakakaloko sa kapatid bago ibinaling ang tingin sa akin. "Hi, Boss! Pangalan mo?"

"Tsk. Magsaing ka doon, tigilan mo siya." Saway ni Herrera dito ngunit hindi ito nagpaawat. Marahan niyang itinulak ang kapatid saka lumapit at nakipagkamay sa akin.

"Haelie Graziella. Ikaw?" Makulit ang lahi niya.

Bigla ay naalala ko siya. Siya iyong batang babaeng nangawa kapag hindi sinasamahan ng kuya niya noong elementary days nila. Iyong laging pinapasalubungan ni Herrera ng pinaltok kada hapon.

"Datche Reese." Pagpapakilala ko saka inabot ang kamay niya.

Napatanga ako ng bigla siyang ngumiti at akbayan ako na para bang matagal na kaming tropa.

"Nice, sa wakas ay may inuwi na din si utol na babae dito. Tara sa sala muna!" Sambit nito saka ako inakay papunta sa sala nila.

Light blue ang cover ng couch nila at may isang maliit na glass table sa gitna. Sa unahan ay may isang flat screen TV na tama lang ang size. Nakapatong ito sa gitnang bahagi ng malaking divider nila na gawa sa kahoy. Sa taas nito ay puro libro na at ang ilan ay trophys. Sa pinakang tuktok ay may nakapatong na rubics cube na maayos na ang pagkakabuo.

"Tol, kamusta ang XU? Mahal daw ba ang tuition diyan?" Napatingin ako sa babaeng kanina pa daldal ng daldal sa harap ko. Tutok na tutok siya sa akin samantalang ako ay kung saan saan napapadpad ang tingin.

"Ano?" Tanong ko. Ulalats.

"Teka, mainit ba? Wait, paandarin ko electric fan, anong number gusto mo?" Nakangiting sabi niya pa.

"Kahit 1 lang." Nahihiyang sagot ko saka ngumiti.

"Sige, number 3." Bigla siyang tumawa saka pinaandar ang fan at itinutok sa amin. "Ano nga ulit 'yung tanong ko, tol? Ah, oo. Kung mahal daw ba tuition sa XU?" Intresadong tanong nito.

Tumango ako at kitang-kita ko kung paanong lumaylay ang balikat niya.

"Haelie, call her Ate. Anong tol ka diyan?" Saway sa kanya ng kuya niya. Agad siyang napakamot sa ulo niya at nahihiyang tumingin sa akin.

"Straight ka?"

Halos masamid ako sa sarili kong alway dahil sa naging tanong niya. Ibang-iba ang personality niya sa kapatid niya. Napaka-random niya!

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon