CHAPTER 55: JEALOUS

7 6 1
                                    

Magkasama kaming nag lunch sa Germania at ngayon ay magkasama ulit kaming bumalik sa CC para sa ikalawang laro niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang manood sa bawat tira niya at pakinggan ang bawat ingay na ginagawa ng bola. Kinuhanan ko siya ng picture sa camera ko nang hindi niya alam. Meron isang shot na tumitira siya mismo, meron din na seryoso ang mukha niya habang sinisipat ang bola, at ang karamihan ay stolen shots na.

Agad gumawa ng ingay ang kumpulan ng mga estudyante sa kinaroroonan ko nang sa huling pagkakataon ay mahulog ang bola at mapunta ang huling puntos kay Herrera. Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang namutawi sa buong lugar, halos pakiramdam ko ay nililindol na kami dahil sa taas ng enerhiyang binibigay nila. Talon dito, talon doon. Sigaw dito, sigaw doon. Ganu'n kagulo ang mga tao ngunit ganu'n pa man, halata sa mga mukha nila ang saya dahil sa pagkapanalo ng aming team.

“Congratulations, Gazzer!”

Ngunit ang ngiting nakaguhit sa aking labi ay mabilis napalitan ng inis nang bigla ay may lumapit sa kanyang babae. Katamtaman ang tangkad nito, maputla ang balat na para bang hindi man lang nasinagan ng araw pero makinis. Umabot sa bewang nito ang bagsak nitong blonde na buhok.

Maganda siya.

Pero tatabingi ang panga niya ‘pag hindi ako makapagpigil.

“T-Thank you, Preia.” Ani Gazzer.

Nahihiyang ngumiti sa kanya itong Preia at dahan-dahang iniabot kay Herrera ang isang maliit na kahon na sa tingin ko ay naglalaman ng cake.

“Umm… I know you'll ace the game, that's why I bought this for you.” Preia replied as she handed him the box.

Ipit na ipit ang boses ampotek, akala mo naman ikinaganda niya.

“Thank you, Preia. This is appreciated.” Ani Herrera at tinanggap ang kahon. Ngumiti ito sa babae ng mas matamis pa sa bulok at inuuod ng tsokolate.


Literal na nalaglag ang panga ko nang tumingkayad ito at dampian ng halik ang pisngi ni Herrera. Agad naghiyawan ang mga taong nanonood at tinapunan pa sila ng kunwaring confetti.

Agad naglandas ang mga mata sa akin ni Herrera. Hindi ko alam kung imahinasyon ko nga lang ba o talagang punong-puno ng pagsisisi ang mukha niya na tila ba hindi pa man siya nagsasalita ay nagpapaliwanag na agad ang mga mata niya sa akin.

Nanatili akong kalmado, gulat man ako ngunit hindi ako tanga para ipamukha sa lahat ng naririto na naiinis ako at gusto kong sungalngalin ang babaeng iyon.

Nanatili akong nakaupo at nakatanaw sa kanila.

“Umm… Can I invite you ba later? Sa Viv’s Club lang. May party kase mamaya ang Org natin.” Malanding sambit nu'ng Preia saka ngumiti sa pagmumukha ni Herrera.

Agad naman itong binalingan ni Herrera at napapahiyang ngumiti.

Tsk? May ganyan pala siyang side, huh? Akala ko ba puro lang siya sungit? Nu'ng ako ang gumaganyan sa kanya, ang unit-init ng dugo niya. Ngayon, marunong na siyang kiligin?


“I think, I can't come.” Diretsong sagot nito pabalik sa babae dahilan upang agad akong mapangisi.

Agad namang napuno ng lungkot ang mukha ni Preia. Ngumuso ito at pinalumbay ang mga mata saka tumitig sa mga mata ni Herrera na para bang isang bubwit na nagpapaawa.

“Why? Sayang naman. I'm expecting you sana mamaya.” Malungkot ang tinig na aniya— at kapag ako hindi nakapagpigil, mas lalong lulumbay ang buhay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon