CHAPTER 29 | THE WARNING

20 12 3
                                    

Pakarating na pakarating ko bahay, boses agad nila Papa ang narinig ko. Malayo pa man ako sa gate pero rinig na rinig ko na ang boses niyang dumadagundong sa buong kabahayan. Sa ilang taon kong pananatili sa puder niya, hindi na ako nasanay sa ganitong eksena namin. Palagi akong nanginginig kapag naririnig ko ang boses niyang nasigaw at galit. Tingin niya pa lang ay tiklop na ako.

Imbis na pumasok ay nanatili muna akong nakaupo at nakatambay sa gilid ng bahay, sa likod ng garage. Ayaw kong pumasok ng galit siya dahil baka ako na naman ang pagbuntungan niya nga galit niya.

Nang maramdaman kong tahimik na sila ay saka lang ako pumasok sa loob. Magaan ang mga kilos na isinagawa ko nang sa ganu'n ay hindi nila ako marinig. Ngunit saktong pagbukas ko ng pintuan ay mukha agad ni Divina ang bumungad sa akin.

Halos mapatalon pa ako ng siya ang mismong magbukas ng pinto. Maski siya ay halatang nagulat din, tila hindi inaasahang sa pagbukas niya ng pinto ay ako ang makikita niya.

Suminghot siya saka yumuko. Hinayaan niya akong makapasok muna bago niya isinara ang pitnuan.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ngunit imbis na sagutin ay mataray ko itong sininghalan.

"What the fuck happened to your ugly face?" Nakangiwing tanong ko ng mapansin ang ilang cuts sa gilid ng labi niya at ang pasa sa cheekbone niya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin saka pasimpleng pinunasan ang luha.

"Nasubsob ako kanina sa halamanan nu'ng pag linis ko." Pagsisinungaling niya.

Tsah? Anong akala niya sa kausap niya hindi nag grade 2? Alam ko ang pasang nakuha dahil sa bangas at alam ko ang itsura ng nasubsob lang.

I shook my head as I looked at her. "Walang gasgas ang mukha mo. Hindi 'yan nasubsob." Matigas na sabi ko dahilan upang taranta siyang tumingin sa hagdan na para bang takot na anumang oras ay bababa si Satanas.

Tsk. Of course, kagagawan 'yun ni Papa. Hindi niya maitatago ang bagay na 'yun sa akin dahil ganu'n na ganu'n din ang ginawa niya kay Mama noon. Tangina, akala ko pa naman, nagbago na siya.

Hindi ko na siya nilingon pa. Agad akong tumungo sa kwarto ko at padarag na itinapon ang sarili sa kama. Hindi na ako nakapagbihis pa sa sobrang pagod. Mabilis na nag-agaw ang naghihingalong paningin ko at ang malay ko.

The next day, maaga akong pumasok. Dinaanan ko muna si Ferrero sa hospital bago ako dumiretso ng school. Naabutan ko pang umiiyak 'yung babae habang hinahalikan ang noo niya. Papasok na sana agad ako sa loob ang kaso, narinig kong nagco-confess 'yung babae. Puro sorry ang sinabi niya, at sana daw ay nagpakatotoo siya.

Gusto ko sanang matawa. Anong kwenta ng confession niya e tulog 'yung tao? Bakit hindi niya sinabi kay Ferrero 'yung nararamdaman niya nang mga oras na gising ito? I was about to leave them nang muli ay maintriga akong makinig sa mga sinabi niya.

"I'll talk to him... Regan... J-Just please, hold on..." Halos suminok na ito dahil sa labis na pag-iyak. "I'm so sorry. I love you so much. I should've told you this earlier... I'm so sorry..." Iyak ng babae saka marahang hinalikan ang noo ni Ferrero at paltakan ng halik ang kamay nitong hanggang ngayon ay puro gasgas.

"I'll talk to Viper... He shouldn't do this to you."

Agad nanglaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Parang may kung anong tumutulak sa akin para sakalin 'yung babae at pigain ang utak niya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako tuluyang pumasok dahil awkward naman kung bigla akong papasok e nagd-drama pa 'yung tao. Nang akmang papalabas na siya ay nagtago muna ako sa at pasimpleng nagcellphone muna.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon