Inabot na kami ng alas unse bago kami nakalabas ng room. Pabalik na ang ilan sa mga kaklase namin samantalang kami ay hindi pa man lamang nakakain dahil sa kaabnuyan nila. Pakapasok na pakapasok namin sa Germania ay pinag-order ko agad ang dalawa. Mga buraot sila kaya agad silang nakasingit sa pila dahilan upang agad kaming makakain.
“Hindi ko makuha ang gustong format ni Ma'am Bregala sa paper na pinapagawa niya! Sinunod ko naman ‘yung Instructions niya pero puta lang boy, sabi niya ‘I want you to revise this paper.’ Gago ampota!” Reklamo ni Tuazon sa amin. Para siyang inis na inis dahil halos durugin niya na ang manok na kanina niya pa nilalamutak. “Ang dami niyang pinapagawa Pero ayaw niya naman i-extend ang deadline!” Dagdag niya pa.
Last week pa ang submission nu'ng paper na sinasabi niya. Ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala siya tapos.
Tumikhim ako saka binuksan ang cellphone. Napamaang siya ng mag-notify ang messenger niya.
“Ano ‘to?” Tanong niya ng matanggap ang word file na sinend ko.
Nilagok ko ang isang basong tubig bago siya sinagot.
“Dalawang topic ang ginawa ko.” Sagot ko saka kinuha ang chicken sa plato niya. “Pinagpipilian ko kung alin ang ipapasa ko, mas gusto ko ‘yung isa kaya iyo na ‘yan.” Nanlalaki ang mga matang binuksan niya ang file saka iniscroll.
“Putanginamo, sure ka?” Bulalas niya habang ang mga mata ay nasa word file pa rin.
Napailing ako saka tuluyang kinuha ang manok na nasa pinggan niya.
“Pinagpaguran mo ‘to ate ko.” Seryosong sambit niya saka tumingin sa akin.
Tahimik lamang na nakikinig sa amin si Chavez.
“Oh ayaw mo? Akin na, ibigay ko kay Lizardo.” Sarkastikong singhal na sagot ko dahilan para bahagya niyang ilayo sa akin ang hawak niyang phone.
“Ah wala, wala. Akin ‘to.” Pang-aangkin niya saka sinipat ang gawa ko.
Bumaling ako kay Chavez na ngayon ay nakikisilip sa cellphone ni Tuazon.
“Ikaw, Chavez? Areglado ka na?” Tanong ko.
Agad siyang tumango saka nag thumbs-up. “Last week pa ako nagsubmit. Hindi naman na pinaulit ni Ma'am.” Sagot niya kaya tumango ako.
“Boy, ang galing mo. Paano mo nagagawa ‘to?” Manghang komento ni Tuazon habang kinakalikot ang cellphone. “Tutorial, boy!”
Natawa ako saka napailing. “Ipasa mo na ‘yan, hayup ka!” Sagot ko pabalik saka idinuro ang cellphone niya kung saan naka-flash ang file an ipinasa ko.
“Nasend ko na sa gmail niya.” Anya. “Pero boy, turuan mo ko, send tut.”
Napangisi ako saka umiling. "Wala akong lawit, hayup ka."
Nanglalaki ang mga mata niyang sinamaan niya ako ng tingin. Agad pinamulahan ang pisngi niya dahil sa hiya, maski ang tenga niya ay nagmukhang tocino ngayon sa paningin ko dahil sa labis na pamumula.
"'Raulo." Agad niya akong sinamaan ng tingin dahilan upang pa-inosente ko siyang titigan.
"Ikaw may sabi!" Protesta ko ngunit inambahan niya lang ako ng kaltok na agad ko namang inilagan.
"Tutorial, boy! Hindi chutoy! Gago ka ba?" Puno ng inis ang tono ng boses na bulalas niya habang nanglalaki pa ang butas ng ilong at ang mga mata.
Napapikit ako bigla ng rumehistro ang hiya sa systems ko. Halos ilubog ko na ang sarili sa upuan dahil sa laki ng boses niya.
Pakiramdam ko ay mabilis nagsiakyatan sa mukha ko ang dugo ko mula talampakan ng magsimulang napunta Sa amin ang mata ng ibang tao.
Tanginang bunganga 'to neto, walang hiya.