Chapter 2

56 1 0
                                    

Sa pitong taong relasyon namin ni Kyle, puro pag-aaral at pagtatrabaho lang ang kanyang iniintindi. Matalino, masipag, mapagmahal sa pamilya, at may takot sa Diyos – ilan lang ang mga ito sa mga magagandang katangiang mayroon siya. Kaya nga malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya ako kailanman binigyan ng dahilan para pag-isipan siya ng masama.

Kaya paano niya maipapaliwanag ang balot ng condom na nakuha ko galing sa kanyang wallet? Sigurado akong hindi ito galing sa kwarto ko dahil kahit kailan ay hindi ako nagka-interes bumili nito. Ang alam ko naman ay ganuon din siya – but apparently, I was wrong.

Tuloy ay iniisip ko ngayon kung ano pa kaya ang mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya.

"Babe, mukhang seryoso ka dyan," nanunuksong tanong ni Kyle pagbalik sa kwarto ko. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa 'kin kaya parang huminto ang paghinga ko, bumilis din ang kabog ng dibdib ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin galing sa likuran.

"Sa 'yo 'to?" tanong ko, sinusubukang maging kalmado. Nang lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin ay tsaka ako humiwalay sa kanya. Dumistansya ako nang harapin siya.

"Oo, sa 'kin," casual na sagot ni Kyle sabay bawi sa balot ng condom na agad niyang binulsa. "Saan mo nakuha?" tanong pa niya na para bang hindi ito malaking bagay. Parang may sumaksak tuloy sa dibdib ko. Nagawa pa niyang tingnan ako ng diretso sa mata, tila gustong patunayang wala siyang tinatago.

"Bakit may condom ka?" diniretso ko na siya kahit halos hindi ko mabigkas ang bawat salita. Alam kong parang tanga 'yung tanong ko pero gusto kong marinig mismo sa kanya ang sagot. "'Di ba malinaw naman sa 'yo na ayaw ko pa?" pahabol ko sakaling sabihin niyang para sa 'kin sana ito.

Dito naman nagsalubong ang kilay niya. "Oo. Alam ko. Kaya nga tinapon ko na rin agad. Wala kang dapat ipag-alala," seryosong sagot niya. Tinalikuran niya 'ko pero naglakad pa 'ko papalapit sa kanya.

"Pero bakit mo ba biglang naisipang bumili ng condom?" maayos naman ang pagtatanong ko. Pero iritable siya nang muli akong harapin. Dito rin bahagyang lumakas ang boses niya.

"Pati ba naman pagbili ko ng condom, issue na rin? Napagtripan lang ako sa trabaho kaya napabili ako."

"Bakit ka nila pagtitripan? Anong kinalaman ng condom?"

Umigting ang panga niya. "Basta. Katuwaan lang 'yon. Wala ka ng kinalaman dun."

Nanikip ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Para bang nasaraduhan ako ng pinto sa mukha. And dating sa 'kin ng sagot niya, pinag-uusapan nila sa trabaho ang s*x life ng isa't isa. Otherwise, why would they be talking about condoms?

Napaisip naman ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong maniwala. 'Yung Kyle kasi na kilala ko, private person lalo na pagdating sa 'ming dalawa. Hindi rin nagsisinungaling at mas lalong hindi nanloloko.

Pero Wendy, 'di ba nga nagbago na siya?

Gusto ko namang paniwalaan ang paliwanag ni Kyle para matuldukan na ang issue na 'to. Kaya lang ay may parte sa 'king napatanong – paano kung ginamit pala niya 'yong condom sa ibang babae dahil alam niyang hindi uubra sa 'kin?

"So, pagbili mo, tinapon mo rin agad 'yong condom?" paniniguro ko. Naningkit ang mga mata ko.

"Malamang. Para namang may mapaggagamitan ako," sarkastikong balik niya kaya may kirot akong naramdaman sa dibdib. Alam ko kasing medyo may pahaging 'yong sinabi niya sa 'kin. Parang ang dating, nasayang 'yong binili niyang condom dahil hindi naman niya pwedeng gamitin sa 'kin.

Dito niya 'ko hinawakan sa magkabilang braso. Mas lumalim ang tingin niya sa mga mata ko nang magsalita. "Look, babe. Nakalimutan ko lang itong itapon kasabay ng condom. Mag-focus ka lang. Marami ka pang ibang bagay na dapat intindihin ngayon."

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon