Chapter 6

46 1 3
                                    

Tumakbo ako papalapit sa gown pero huli na ang lahat. Napasinghap ako nang magliyab pa ito ng mas malakas sa harapan ko. Bumagsak ako sa buhangin dahil sa pagkabigla. Ang alam ko'y iniwan ko lang ito sa labas ng banyo, kaya bakit ito napunta sa labas ng kubo at ngayon ay nasusunog na?!

Nalaman ko agad ang sagot nang sa likod ng malaking apoy, nakita ko ang pagsulpot ng lalaking nang kidnap sa 'kin. Mukhang siya ang may gawa nito! Nakaramdam ako ng matinding inis kaya nagmadali akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakasibangot siya, parang siya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niya.

"Hoy! Bakit sinunog mo ang gown ng kaibigan ko?! Alam mo ba kung magkano 'yan? Ibabalik ko pa 'yan sa kanya!" reklamo ko dahil 'yung gown lang talaga ang inaalala ko ngayon.

Lalapitan ko pa sana 'yong gown nang hawakan niya 'ko ng mahigpit sa magkabilang braso. Bahagya niya 'kong inalog at hinila palapit sa kanya kaya napirmi ako.

"That gown deserves to be burned in hell," mariin niyang saad. Hinigit ko ang hininga ko nang mapatitig sa mga mata niyang parang nagdidilim habang nakatingin sa 'kin. Gusto ko mang mag protesta pa ay hindi ko na nagawa dahil umurong ang dila ko sa takot. Mukhang paubos na ang lakas ng loob ko.

"So, shut the f*ck up before I do the same to you," dagdag pa niya. Nanayo ang buhok ko sa batok at braso. Kung gusto niya 'kong matakot ay nagtagumpay na siya sa pagkakataong 'to.

Ayon lang ay kapag natatakot ako, kasunod na agad nito'y luha. Kaya naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko habang nakikipagtitigan sa kanya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito pero nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya kaya baka guni-guni ko lang ito. Bakit naman siya makakaramdam ng awa sa 'kin?

Hinila niya 'ko pabalik sa loob ng kubo. Wala na akong nasabi nang ibalik niya 'ko sa kwartong pinagdalhan niya sa 'kin. Sinarado niya ang pinto ng wala ring sinasabi at nanatili akong nakatayo sa harapan nito. Pinalis ko ang luhang tumakas sa gilid ng mga mata ko.

"Hindi naman kasi sa 'kin 'yung gown tapos sinunog mo. Nakidnap na nga 'ko, may utang pa 'ko sa kaibigan ko!" mangiyak-ngiyak kong reklamo.

***

Oo't nakidnap ako. Dinala ako ng kidnapper ko sa isang islang hindi ko alam kung saan matatagpuan.

I tried to make a mental list in my head of the good things that might come from my situation.

Una, may libre akong matutuluyan. Hindi man kasing laki ng bahay ni Elle, mukhang kumportable naman dito at kayang mabuhay ng tao.

Pangalawa, nasa isla ako. Kung mabudol ko ang kidnapper ko, baka magkaroon ako ng unlimited access ako sa beach na minsan ko na ring pinangarap.

Pangatlo, may seafood dito na paborito ko. Siguro naman kung kailangan pa 'ko ng kidnapper ko, pakakainin niya 'ko. Hindi naman kasi ako pwedeng bumili ng sarili kong pagkain kaya siya na ang bahala rito. At dahil nasa isla kami, paniguradong fresh ang seafood dito!

Pang-apat, hindi ko kailangan magtrabaho. Oo't nakakahinayang ang ipinasa kong project sa Stellar. Hindi ko man lang nalaman kung nakapasa ako. Pero ngayong nakidnap ako, negatibo man ang maging resulta nito ay hindi na ako maaapektuhan. Kahit 'di ako makahanap ng trabaho, ayos lang.

Pwede ko kasing idahilan na: "Sorry, wala pa 'kong trabaho kasi nakidnap ako." Mababaliwala na ang expectations ng mga tao sa 'kin. Hindi ko na kailangan pang ma-pressure.

Pang-lima, hindi ko kailangang harapin ang consequences ng pakikipaghiwalay ko kay Kyle. Sa totoo lang, lasing man ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya, may parte sa loob kong nakahinga dahil nagawa ko rin ito sa wakas. Dahil sa alak at kay Elle, nabigyan ako ng sapat na lakas ng loob.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon