Habang inililibot ko ang mga mata sa paligid, hindi ko mapigilang ikumpara ang islang ito sa Cole's Cove. Ngayon ay nauunawaan ko na ang kagandahan ng isla namin. Na-appreciate ko rin ang desisyon ng may-ari nito na 'wag magpapasok ng turista. Dito kasi sa isla kung nasaan kami, masyado nang crowded. Parang wala na ngang lugar para mapag-isa at magkaroon ng kapayapaan. Ilang minuto pa lang ako rito pero nai-stress na agad ako.
Inuna namin ang paghango ng mga produkto sa isla na talagang sadya namin tulad ng seafood at ilang beach essentials. Nang masiguradong secured na ang mga ito sa bangka, binigyan kami ni Mang Ambo ng halos kalahating oras para maglibot-libot.
At dahil mahirap gabihin sa dagat, hindi na kami masyadong lumayo pa ni Peter. Dinala niya 'ko sa sikat na restaurant dito kung saan tanaw ang dagat. Gusto sana niya 'kong pakainin pero ako na ang tumanggi. Paano'y maghihintay pa kami ng ilang minuto para magkaroon lang ng pwesto. Kuntento na 'kong bumili ng ice cream sa apa at maglakad-lakad sa tabing-dagat.
Sa gilid ng mga mata ko'y 'di ko mapigilan ang pagtingin kay Peter. Nasa bandang kanan ko siya, nakatayo malapit sa dagat. Tinatamaan siya ng liwanag ng papalubog na araw na tila nagbigay sa kanya ng golden hair. Napunta ang tingin ko sa kaliwang kamay niyang may hawak na ice cream.
Huminga ako nang malalim bago sinubukang bilisan ang paglalakad. Gusto ko sanang makipagpalit ng pwesto sa paraang ito pero sinabayan din niya ang bilis ko! Tuloy ay sunod naman akong nagmabagal. Palipat na 'ko ng pwesto pero mabilis siyang nakaramdam at nakigaya.
Napabuntong-hininga ako dahil sa frustration. Gusto ko lang naman sana makipag holding hands habang naglalakad! Wala akong choice ngayon kung hindi maghintay na maubos namin ang hawak na ice cream.
"Dito ka ba nagpupunta noon kapag nawawala ka sa isla?" sinubukan ko na lang magtanong. Pagkakataon ko na kasi ito para mas magkakilala kami lalo na't plano naming tumira ng magkasama.
"Madalas dito. Minsan sa dagat o 'di kaya sa bundok para makapag-isip," sagot ni Peter na nagpangiti sa 'kin. Marami pa 'kong bagay na hindi alam tungkol sa kanya pero nakahanda akong madiskubre ang mga ito kahit paunti-unti. Hindi naman ako nagmamadali.
"Kailangan ko rin mag-isip! Pwede na ba 'kong sumama sa 'yo?" pabirong tanong ko. Alam niya kasi kung gaano ako ka-bored sa kubo tuwing iniiwan niya 'ko noon.
"That's my plan," balik niya na nagpahinto sa 'kin. Hindi ko kasi inasahang madali siyang papayag. Si Peter ba talaga ang kausap ko? Kasi 'yung natatandaan ko, kaunting ungot ko lang ay nakasinghal na.
Huminto rin si Peter sa paglalakad at humarap kami sa isa't isa. Itinapat ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo at pinakiramdaman.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Peter. Naunahan na niya akong makaubos ng ice cream.
"Tinitingnan ko lang kung may sakit ka. Himala dahil 'di mo 'ko sinusungitan," mapanuyang sagot ko, na bago pa matapos ay tinawanan ko na.
Binawi ko na ang kamay ko nang mabilis niya itong hinablot. Hinigit ko ang hininga ko nang hilahin niya 'ko palapit sa kanya. Halos magbangga ang mga katawan, pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Nag-iwas tuloy ako ng tingin sabay ngiti.
"Dito ka lang para 'di ka masilaw sa araw at mabasa ng tubig-dagat," paliwanag ni Peter nang magpatuloy kami sa paglalakad. "And if it's okay with you, I'd like to hold your hand," paghingi pa niya ng permiso. Bahagya ko siyang binangga sa braso dahil nakuha niya ang gusto ko sanang mangyari.
"Kung gusto mo, wala naman akong magagawa," medyo pakipot kong balik pero humigpit naman ang hawak ko sa kamay niya.
Sandali kaming natahimik sa kabila ng maingay na paligid. At dahil hawak-hawak ko pa rin ang ice cream ko, inalok ko ito sa kanya. "Gusto mo? Hindi ko na maubos kasi matamis masyado." Wala siyang sinabi pero kinuha niya ito sa akin nang iabot ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Chance
Любовные романы"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nan...