I don't think I should continue waiting for Peter.
Kaya imbes na maghintay sa taas ng bundok habang kung anu-anong bagay ang gumugulo sa isip ko, nagdesisyon akong bumalik para hanapin siya.
Ayon nga lang ay doble ang kaba ko pagbalik sa daang tinahak ko pataas ng bundok. Kahit kasi gamit ko ang flashlight ng phone ko para magbigay liwanag, kulang pa rin ito sa sobrang dilim ng paligid. Nagkamali yata ako ng birthday gift kay Peter.
Mabilis ang kabog ng dibdib, parang nalaglag ang puso ko nang marinig ang biglang paglipad ng mga ibon – animo binugaw ng mga yabag ko. Lalo rin akong kinabahan dahil sa mga kaluskos. Kahit wala naman akong nakasalubong na kahit ano pataas ng bundok, ngayong pababa ako, kabado ako dahil baka may mga wild animals sa paligid na bigla na lang sumulpot at umatake sa 'kin.
Kaya binilisan ko ang paglalakad. Dire-diretso lang ako hanggang sa natalisod! Naihawak ko ang mga kamay sa lupa bago pa masubsob! 'Di ko kasi namalayan ang sanga ng puno sa daan dahil sa pagmamadali.
Tuloy ay nabitawan ko sa lupa ang cellphone ko. Napangiwi ako sa hapdi ng kamay ko nang subukan itong abutin. Nasa dulo na ito ng mga daliri ko nang maestatwa ako. Maging ang mabigat kong paghinga ay nahinto. Kinilabutan ako nang makarinig ng pamilyar na tunog.
It was a hissing sound. And I knew exactly where it was coming from.
Sa gilid ng mga mata ko, 'di kalayuan sa cellphone, kita ang buntot ng ahas! Nanginig ang buong sistema ko nang magsimula itong gumalaw. Lalo nang makita ang ulo nito papalapit sa katawan ko! Paniguradong katapusan ko na kung walang tutulong sa 'kin ngayon!
Gusto kong kumilos o humingi ng tulong pero hindi ko magawa. Baka kasi bigla na lang akong tuklawin nito. Kung noon siguro nangyari ito ay tatanggapin ko ng buo ang kapalaran ko. Pero ngayon pa talaga ako mamamatay kung kailan may progress na sa love life ko? No way!
"Briar!"
Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses ni Peter! Napatingin ako sa paligid para hanapin kung nasaan siya. Kaya lang ay wala akong matanaw sa dilim.
"Nandito ako–!" pinagdikit ko agad ang labi ko dahil muling gumalaw 'yong ahas. Napapikit ako nang mariin. Takot pa rin ako pero kahit papaano ay nagkalakas-loob. Alam kong ililigtas niya ako anuman ang mangyari sa 'kin kaya rito ko naisip galawin kahit 'yong cellphone ko. Marahan ko itong itinaob para muling magpakita ang liwanag ng flashlight ko.
Ginawa ko lang naman ito para makuha ang atensyon ni Peter. Kaya tuwang-tuwa ako nang layuan din ako ng ahas dahil dito!
"Briar!"
"Peter!"
Halos sabay naming tinawag ang isa't isa. Pagpulot ng cellphone ay nagmadali akong tumayo. Hahanapin ko na si Peter nang pagtapat ko ng flashlight sa harapan, nakita ko siyang nakatayo! Nasilaw siya dahil sa liwanag pero pinilit pa rin niyang makalapit agad sa 'kin.
Hindi ko inasahan ang mabilis niyang pagyakap sa 'kin nang mahigpit. Para bang takot na takot siya. Tuloy ay nagkaroon ng delay bago ko siya niyakap pabalik. Mabilis napawi ang takot na naramdaman ko kanina dahil dito. "Akala ko hindi ka na darating!" masayang bulalas ko.
Ngunit parang hindi niya 'ko narinig. Lalo lang kasing humigpit ang yakap niya sa 'kin. Tumagal din ng ilang minuto bago siya bumitaw. Pagkatapos ay hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso at halos mabasag ang boses nang magtanong, "Ano bang ginagawa mo rito? Tingin mo ba may ibang daan paalis ng isla?"
Nagsalubong ang kilay ko sa huli niyang tanong. Hindi ba niya nabasa ang small note ko? Malinaw naman kasi ang imbitasyon ko sa kanya: Let's watch the stars under the night sky. Same place?
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Chance
Romance"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nan...