Chapter 26

40 2 0
                                    

Ang hirap magselos lalo na kapag walang karapatan. Matagal na noong huli ko itong naramdaman kaya nakakapanibago. Wala akong ibang magawa ngayon kung hindi maglakad na para bang kalaban ko ang buhanging nilalakaran.

Nakatanaw sa tabing dagat at papalubog na araw, sa kabila ng magandang tanawin ay hirap akong pakalmahin ang sarili. May mapait sa panlasa ko at paninikip sa dibdib na hindi mawala-wala. Hindi ko tuloy alam kung magandang ideya pa ba itong pagsama ko sa inuman. Pero dahil huli na para umatras, nagtuloy-tuloy na lang ako papunta sa kubo ni Peter.

Pasipa akong maglakad sa buhangin kaya pinapasukan nito ang suot kong tsinelas. Inis na inis lang kasi talaga ako lalo na't nasa likuran ko at kasunod na naglalakad sina Peter, Lorraine, at iba pang kasamahan nila sa isla. Habang ako? Ito at mag-isa.

Alam kong nauuna ako ngayon dahil sa pagmamadali ko kanina, pero talagang hindi ako tinabihan ni Peter? Napairap ako sa kawalan—sabay talisod!

Napapikit ako ng mariin nang muntik nang masubsob sa buhangin. Nakakahiya! Mabuti at nabalanse ko ang sarili!

Narinig ko ang hagikgik ng mga babae sa likuran ko kaya kung pwede lang ay gusto kong magpalamon ng buhay sa buhangin. Didiretso na sana ako para makaiwas sa pagkapahiya pero natigilan ako nang mapansing isa lang ang suot kong tsinelas. Mukhang nahubad ko ito dahil sa pagkatalisod!

Napilitan akong lumingon para malaman kung saan ito napunta. At mistulang tumigil ang oras nang makita kong nakayuko si Peter habang hawak-hawak ang hinahanap ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya mabilis ko siyang tinalikuran.

Wala naman kami sa fairytale, at mas lalong hindi ako si Cinderella. Hiya lang ang nararamdaman ko ngayon—

Teka lang. Sinong may sabing wala kami sa fairytale? Bakit hindi ako pwedeng maging si Cinderella? Muntik ko nang makalimutan ang pagbabagong buhay ko sa isla. Bakit ba masyadong nangingibabaw ang emosyon ko gayong hindi nga ako si Wendy?

Huminga ako ng malalim, pilit inangat ang magkabilang dulo ng labi, at pagkatapos ay muling hinarap si Peter. Ngayon ay nakatayo na siya at nakatingin ng diretso sa direksyon ko. Hindi ko pa rin mahulaan kung anong tumatakbo sa isip niya.

Malapit sa kanya'y nakatayo sina Lorraine at mga kasama niya. Nangingiti sila at nagbubulungan. Oo't nahihiya pa rin ako, pero kapag pinairal ko ito ngayon, mas matutuwa pa sila. Kaya kakapalan ko na ang mukha ko.

Habang magkaharap kami ni Peter, inangat ko ng bahagya ang paa kong walang suot na tsinelas. "Tart...any chance you could rescue me?" may lambing kong tanong sa kanya. I let out a little pout, hoping to look cute.

Alam kong may chance na mas mapahiya pa 'ko kapag hindi pinansin ni Peter ang pagpapa-cute ko. But I would rather risk it than run away. After all, risk taker naman talaga dapat si Briar – bagay na madalas kong makalimutan.

Kumunot ang noo ni Peter bago bumagsak ang tingin sa paa ko. Nakangiti pa rin, lumunok ako habang pinipilit magtiwala na 'di niya 'ko hahayaang mapahiya. Hindi ko alam kung ano pa bang pinag-iisipan niya ng mabuti e. Sabagay, ilang segundo pa lang naman ang lumilipas kaya nagtiis muna ako sa posisyon ko kahit hirap sa balanse.

At sa wakas! Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naglakad na si Peter papalapit sa direksyon ko.

Nakahanda na ako sa Cinderella moment ko nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere! May bumuhat lang naman sa akin galing sa likuran ko! Tulad ko'y nanlaki rin ang mga mata ni Peter sa nangyari.

Nilingon ko kung sino ang may buhat sa akin ng pa-bridal style at nakita si Nikolai! Hindi ko alam na sa pangangatawan niya'y may lakas siyang buhatin ako!

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon