"Bakit ba kayo naghiwalay ni Elle?" tanong ko kay Peter. Kumuha pa 'ko ng dalawang canned beer sa ref bago siya nilapitan. At ngayon ay nakaupo ako sa sahig, kaharap ng sofa kung saan siya nakahiga.
Gusto ko sanang makipag heart-to-heart talk sa kanya. Kaya lang ay hindi ko alam kung nakatulog na ba siya talaga. Nakaharang pa rin kasi sa ibabaw ng kanyang mga mata 'yong braso niya.
Pero imbes na tanungin pa siya ulit, nanahimik lang ako at naghintay. Ipinatong ko sa lamesa 'yong isang beer para sa kanya, habang ang isa'y sinimulan kong inumin.
Siguro'y ilang minuto rin ang nakalipas bago ko muling narinig ang mahinang boses ni Peter na medyo namamaos.
"Hindi kami naghiwalay—"
Nasamid ako sa iniinom ko kaya ilang beses akong umubo bago nahimasmasan. "Elle cheated on you?!" pasigaw kong tanong, hindi makapaniwalang gagawin ito ng best friend ko. She's always been an honest person.
Dito naman bumangon si Peter at naupo ng maayos sa sofa. Kinuha niya 'yong bagong canned beer sa lamesa at ininom. Yumuko siya bago ako sinagot. "We never explicitly ended things, but it was clear that it was over."
Nagsalubong naman ang kilay ko. "Teka. Paano naging malinaw na hiwalay na kayo kung hindi niyo naman napag-usapan?"
"Isang taon na ang nakalipas mula noong huli kaming nagkita at nagkausap. After she left this island, we lost touch completely." Halata sa boses ni Peter ang labis na pagkadismaya. Para bang gusto niyang manakit kaya umatras pa 'ko at baka mabato ako ng lata ng wala sa oras.
Pero naguluhan naman ako lalo. "Wala ka bang cellphone? Hindi niyo alam ang number ng isa't isa? For sure, may signal naman dito. Bakit 'di niyo naisip magtawagan o mag-text?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ko pa nalilibot ang islang 'to pero mukhang hindi naman ito ganuon ka-remote. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit 'di nila nagawa ang mga ito.
Umiling si Peter. "Wala siyang cellphone noong napadpad siya rito." Nalaglag ang panga ko. Tumayo ako bitbit ang beer ko at naupo sa tabi niya para mas marinig siya ng maayos. Nag-Indian sit ako para kumportable. Umusod naman siya para magkaroon ng sapat na espasyo sa pagitan namin bago nagpatuloy. "Sabi naman niya noon babalik din siya. Kaya naniwala ako at naghintay."
"So, ang ending, hindi siya bumalik. At kinasal pa sa iba," pagtatapos ko sa kwento niya. Tipid siyang tumango. Tinapik ko naman siya sa braso dahil dito. "Eh bakit kasi hindi mo sinamahan? Sinundan? Masyado kang nagtiwala sa tadhana eh loko-loko rin 'yon!"
Nakailang tapik ako sa kanya kaya rito siya napatingin sa kamay ko. "Oops. Sorry. Na-carried away lang." Ngumisi ako bago uminom ng beer at nagpatuloy. "Pero, 'yun nga... hinintay mo lang talaga siya ng isang taon? Hindi mo man lang naisip gumawa ng paraan? 'Di ka umalis sa islang 'to?"
Alam kong marami pa 'kong dapat itanong para maintindihan ang kwento nina Elle at Peter pero alam kong ito ang pinakaimportanteng malaman.
Ayon nga lang, akala ko ay nagiging magkaibigan na kami ng kidnapper ko pero biglang naging malamig ang ekspresyon ng mukha niya. Inubos niya ng isahan ang beer na hawak at pagkatapos ay niyupi niya ito gamit ang isang kamay tsaka binato sa lababo.
"3 points!" biro ko dahil na-shoot niya ito. Pero mukhang wala siya sa mood makipagbiruan.
"Kung tapos ka na, bumalik ka na sa kwarto mo," seryosong saad niya, daig pa babae sa mabilis na pagbabago ng mood.
Binukas-sara ko naman ang mga mata ko. Lalo na nang bahagya niya akong inusod para tumayo at umalis sa tabi niya. Napilitan tuloy akong gawin ito. Bumalik ako sa sahig at tahimik pinagmasdan nang mahiga siya ulit sa sofa at tumitig sa kisame, animo malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Chance
Romance"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nan...