Chapter 15

47 2 0
                                    

"Ala e nakakahiya sa inyo. Ayos lang naman sa 'min matulog sa sala," nakakunot-noong saad ni Aling Dolores. Makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Oo nga Pete! Kayo dapat ang nasa kwarto e. Kayo ang bagong kasal," sabi naman ni Mang Cardo na may halong panunukso.

Napatingin naman ako kay Peter na nakatayo sa tabi ko ngayon. Nasa sala kami ng kubo niya at kakatapos lang maghapunan. Ang gustong mangyari ni Peter, sa kwarto sila matulog at sa sala naman kami. Sumang-ayon ako rito dahil alam kong doon sila mas magiging kumportable.

"'Wag niyo na kaming isipin at magpahinga na kayo. Ayos lang kami rito," pagkumbinsi ni Peter sa kanila sabay akbay sa 'kin. Hinigit ko ang hininga ko dahil dito. Hindi ko kasi ito inasahan. Pero agad din akong ngumisi nang tingnan ako ng mag-asawa.

Inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat ni Peter at inihawak ang isang kamay sa kanyang beywang para mas maging kapani-paniwala ang arte namin.

"Oo nga po. Ang daming nangyari ngayong araw. Kailangan niyong mag-recharge," tulong ko para matapos na ang diskursyong ito at maging normal na kami ni Peter sa isa't isa.

Yes, it was a fun and thrilling experience when we had to act in public. Pero hindi ko naman inakalang hanggang dito ba naman sa kubo ay kailangan naming ituloy ang pagpapanggap.

Nagkatinginan sina Aling Dolores at Mang Cardo sandali, tila iniisip kung bibigay na ba sa gusto naming mangyari. At ilang sandali lang, muling bumalik ang tingin ni Aling Dolores sa 'min sabay buntong-hininga. "O siya sige. Pasensya na talaga. Alam kong nasa honeymoon pa kayong dalawa pero kayo ang naisip naming lapitan. Puno at maliit na rin kasi ang tirahan ng iba rito sa isla," paliwanag niya.

Naunawaan ko naman ito dahil nakita ko rin kung gaano kaliit ang mga kubo nila. Ayaw ko na ring mamroblema pa sila pagkatapos ng nangyaring sunog sa kanilang kubo. Alam kong kailangan muna itong maayos kahit na hindi natupok ng apoy ang buong bahay.

At mabuti na lang pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay pumasok na rin ang dalawa sa kwarto. Mabilis bumitaw si Peter sa 'kin at ganuon din naman ang ginawa ko. Pansin kong nag-iwas siya ng tingin at napatitig sa kisame.

Ngunit imbes na pairalin ko ang hiya at maging awkward kami sa isa't isa, ako na ang unang nagsalita. "Sus. Kung makalayo parang hindi siya ang unang nang-akbay," parinig ko sa kanya.

Tumikhim naman siya bago ako balikan. "It's your fault we had to pretend to be a couple. This wasn't my initial intention," malamig niyang saad; 'ni hindi man lang ako tingnan. Mukhang nagsusungit na naman siya kaya napailing na lang ako.

"Well, you should have told everyone that I lied. May pagkakataon ka na kanina pero hindi mo ginawa. Sinakyan mo ang trip ko," humalukpkip ako. At nang tingnan niya ko'y tinaasan ko siya ng isang kilay kahit kabado. "Kaya ngayon, wala kang choice kung hindi panindigang mag-asawa tayo... kung ayaw mong malaman nilang kinid—"

Napasinghap ako sa paghawak niya sa braso ko at paghila palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil niyakap niya ako bigla!

Magpo-protesta sana ako nang makarinig ako ng pagkilos malapit sa kwarto. "Ay naku, pasensya na. Ito ang problema ng matatanda." Boses ito ni Aling Dolores. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na para bang kinikilig sa inabutang eksena.

"Talagang kailangan may pagyakap?" biro ko kahit parang sobrang ramdam ko ngayon ang lakas ng kalabog ng puso ko.

"'Wag ka munang maingay. Hintayin nating makapasok si Aling Dolores sa kwarto," bulong niya at ito nga ang ginawa namin.

Ilang minuto rin kaming magkayakap ni Peter. Sinubukan kong walang ibang isipin hanggang sa marinig ko ang pagsarado ng pinto. Bumitaw naman din siya kaagad kaya nalaman kong nakapasok na si Aling Dolores sa kwarto.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon