Chapter 3

42 1 0
                                    

Huli na nga 'ko sa interview, palpak pa ang mga sagot ko. Kinuha ko na sanang senyales ang mga kamalasang naranasan ko para hindi tumuloy – nagkamali ako ng nasakyang kotse at nabasa pa ng biglang pagbuhos ng ulan.

Alam ko sa sarili kong nagmukha akong tanga sa harap ng lalaking Chinese interviewer na nakausap ko. Nalaman kong ito pa pala mismo ang head ng digital media kung saan ko gustong matanggap. Kaya lalo akong nawalan ng pag-asang makakapasok pa sa Stellar Communications.

"Hindi ko ma-gets 'yung tanong kahit sanay naman akong mag Ingles. Iba rin kasi 'yung accent ng kausap ko eh," kwento ko pa kay Elle. Nabanggit ko sa chat namin ang tungkol sa interview ko ngayong araw at nanghingi siya ng update. Kaya ito at tinawagan ko na siya.

Nandito ako sa lobby ng Stellar Communications, naupo sa isa sa mga benches pagkatapos ng interview. Malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan. Dito ko naisipang magpatila habang naghihintay sa breaktime ni Kyle. Aayain ko kasi siyang kumain bago ako umuwi sa probinsya. Lalambingin ko na rin para mawala ang tampo niya.

"Paanong accent ba?" Natatawang tanong ni Elle sa kabilang linya.

Tumikhim ako bago sinubukang gayahin 'yong isa sa mga tanong ng interviewer. "So, were you able to come acwoss one of our ads befowe or did you just wesearch us befowe this intewview?" Natawa kami pareho ni Elle. Tinakpan ko nga lang ang bibig ko nang mapansing may nakaupo pala sa isa pang bench 'di kalayuan sa 'kin.

"Kuhang-kuha mo naman pala eh!" Narinig ko pa ang paghalakhak ni Elle. "Bakit ka ba kinakabahan? For sure you did great!"

Napabuntong-hininga ako. "Nasagot ko naman 'yung ilang tanong. Kahit medyo paikot-ikot. Pero hindi ko alam 'yung sagot sa karamihan ng tanong niya. Kaya tuloy may time na puro 'sorry' na lang ang nasabi ko," dagdag ko pa. Sinapo ko ang isang kamay sa noo sabay iling. Hiyang-hiya talaga 'ko.

"Baka naman kasi iniisip mo lang na hindi okay 'yung interview mo. Kilala pa naman kita. You've always been too hard on yourself."

"Syempre alam ko kung anong nangyari nung interview. Sure ako. One hundred percent. It was a complete disaster. Kung ako 'yung kausap ko, hindi ko iha-hire ang sarili ko."

"Oh my God, Wendy! Grabe ka naman!"

"Totoo nga! Sana pala nakinig na lang ako kay Kyle. Tama siya. Hindi ko kayang makipagsabayan dito sa Maynila."

"Ugh, Wendy. Masyado ka kasing nakikinig dyan sa boyfriend mo. You're the smartest person I know. Alam mo kung ano ang kulang sa 'yo? Tiwala sa sarili." Alam kong sinusubukan lang ni Elle paluwagin ang loob ko. Pero mas lalo lang akong naiinis sa sarili.

"Siguro nung college mukhang matalino ako. Graduate with latin honor eh. Pero ngayong nasa totoong mundo na tayo, napatunayan kong hindi naman pala importante 'yung mga ganyang awards. Kahit ano pang Laude ang makuha mo, diskarte pa rin ang labanan," marahas na hangin ang pinakawalan ko. "Tingnan mo nga. Halos lahat ng mga kaklase nating nangongopya at petiks lang noon, nakapag-ibang bansa na – may magagandang buhay. Eh ako? Wala. Ilang taon na 'kong nagtatrabaho pero mukhang kailangan ko na naman magsimula."

Wala akong intensyong maglabas ng hinanakit ko sa kahit na sino pero pakiramdam ko kasi sasabog na 'ko kapag hindi ko ito nailabas. At si Elle naman ang kausap ko. She is the most understanding and open-minded person I have ever known.

"Wait. Is this really Wendy Briar Ortega? My sister from college?" tanong niya bigla.

Napairap ako sa kawalan bago sumagot. "Malamang. Hindi naman ako pwedeng maging ibang tao."

"Well, 'yung kaibigan ko kasing 'yon... palaban. Walang inuurungan pagdating sa grades. Kahit nga professor namin, muntik na niyang suntukin noong binigyan siya ng letter grade na D!"

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon