I was never a risk-taker -- or at least that's how I've always seen myself.
Kaya nga nabibilang lang sa daliri ang mga taong malapit sa 'kin. Mas pinili kong mag-aral at magtrabaho malapit sa bahay, at bibihira rin akong sumubok ng kahit anong bago.
Sa loob ng maraming taon, hinayaan kong umikot ang mundo ko sa pamilya, trabaho, at pag-ibig. Sa mga mata ng iba ay kuntento na 'ko sa buhay. Pero para sa 'kin ay parang may kulang.
And not long ago, I finally found the courage to confront it.
Humanap ako ng paraan para baguhin ang buhay ko – para magsimula ulit. Kaya nang tila inanod ako ng mapaglarong tadhana sa isla kung saan ko nakilala si Peter, sumabay ako sa agos at hinayaan kong tuluyan niyang baguhin ang buhay ko...
And so, with a fluttering heart, my fingers delicately grazed the strap of my bra, and released it as though I was shedding a layer of my old self.
Nahuli ko ang pagtitig ni Peter sa katawan ko bago ako nag-iwas ng tingin. Huminga ako nang malalim ngunit hindi nito napakalma ang naghuhuromentado kong puso. Oo't maaaring nahawakan at nakita na niya akong ganito noon – pero iba ang sitwasyon namin ngayon.
Gusto kong maging maganda ang tingin niya sa 'kin–
Nahinto ang pag-iisip ko nang maramdaman ang paghawak ni Peter sa kamay ko. Pagbaling ko ng tingin dito'y marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko. Pumikit siya sandali at pagdilat, nagtagpo agad ang mga mata namin. Dito tila bumagal ang oras.
Sandaling tumigil ang paghinga ko dahil sa paraan kung paano niya 'ko tingnan. Parang katulad ito ng pagtingin niya sa mga bituin ngayong gabi – malalim at may kakaibang kinang. Wala siyang kailangang sabihin upang maparamdam ang kanyang paghanga.
In his stare, I felt exposed yet understood – vulnerable yet safe.
Kahit parang gustong tumakas ng puso ko, naglakas-loob akong ilapit ang sarili kay Peter. Hindi nababali ang tingin, tila naging isa kami nang tanggapin ko ang paglapat ng katawan namin sa isa't isa. Kakaibang init ang dumaloy sa sistema ko, lalo na nang maingat niya akong niyakap pabalik. Para bang may parte sa loob kong unti-unting naghihilom.
This moment felt so intimate. Alam kong hindi pa namin ganuon kakilala ang isa't isa at hindi pa ganuon katagal ang aming pagsasama. Kaya nga akala ko hindi ako magiging kumportable. To my surprise, I wasn't thinking of pushing him away. Gusto ko pa nga siyang yakapin nang mas matagal at mahigpit.
Nakadapa sa kanyang ibabaw, sandali pa naming pinagmasdan ni Peter ang isa't isa. Isinukbit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga bago siya nagsalita.
"Sigurado ka ba sa pagtira mo rito sa isla?" tanong ni Peter habang malalim ang tingin sa mukha ko. Hindi ko alam na ito ang iniisip niya sa mga oras na ito. At dahil parang 'di siya nagmamadali papunta sa destinasyon namin, mas nakampante ako.
Huminga ako nang malalim bago sumagot, "Basta kung s'an ka, doon ako." Hindi importante sa 'kin ang lugar basta magkasama kami.
Pansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang muli siyang maniguro, "Paano kung wala na 'kong balak umalis dito?"
Alam ko naman kung anong naging issue nila noon ni Elle. Ayaw ni Peter umalis ng isla.
Bukod sa mga magulang ko, wala naman akong gustong balikan sa city. Pwede ko silang kumbinsihing tumira rito. Kaya malakas ang loob kong manatili.
"Hindi rin ako aalis. Basta kung s'an ka, doon ako," pag-uulit ko.
Animo nakahinga nang maluwag, dito muling sinakop ni Peter ang labi ko. He met mine fiercely, like the waves colliding at the shore. Each kiss was familiar, yet left me longing for more. Napapikit ako para damhin ang bawat sandali. Hinayaan kong mag-explore ang mga kamay niya sa katawan ko, habang ang akin naman ay malayang tine-trace ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Chance
Romance"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nan...