Chapter 14

37 1 0
                                    

Sa tagal ng relasyon namin ni Kyle, kahit kailan ay hindi ko na-imagine na hahalik pa 'ko ng ibang lalaki. Isa kasi ako sa mga babaeng nangarap na kung sino ang first, iyon na rin ang last.

Kaya hindi ko rin talaga inasahan ang paghalik ko kay Peter lalo na't bukod sa wala naman kaming relasyon, siya pa rin ang kidnapper ko! Ngayon lang ako gumawa ng ganitong bagay out of impulsiveness... dahil iniisip kong ako si Briar at hindi si Wendy.

Kung ako kasi si Wendy, siguradong hindi ko ito kayang gawin. Kailangan dumaan pa kami sa maayos na proseso – mula panliligaw hanggang sa pagiging magkarelasyon. Kailangan ay tumagal muna kami ng ilang taon bago ako pumayag magpahalik. At kapag nahalikan na niya 'ko, it will take more time for us to go to the next level. Parang may checklist na kailangan munang mapuno.

Truth is, I was really tired of being Wendy. Napapagod ako sa mga requirement ko sa sarili sa kahit saang aspeto ng buhay. It's like I have this whole system in place where every action that I do should mean something – and if not, there's a consequence. Kaya nga na-stuck na lang ako sa paggawa ng mga bagay na nakasanayan.

And that's why honestly, I have a life where doing what I like makes me judge myself.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagpapalaki sa 'kin. Pero ngayong nasa edad na 'ko, mas hirap na akong alisin ang sistemang ito. Hirap na akong mapalaya si Wendy.

Kaya masisisi ba ako ng iba kung gusto kong samantalahin ang pagiging si Briar? Ang pagkakataong maging ibang tao ngayong nandito ako sa isang isla na walang nakakilala sa 'kin.

Hinawakan ako ni Peter sa magkabilang braso at inilayo sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata; para bang umuusok ang kanyang ilong dahil sa ginawa ko. Umawang ang labi niya at akmang magsasalita na sana, nang maalala niya kung nasaan kami.

Pagtingin namin sa paligid, nakatingin na rin sa amin ang lahat imbes na magpatuloy sa pamimili. Kabilang na rito sina Reese at Lorraine na halatang lalong nabwisit sa 'kin. Pilit kong inangat ang magkabilang dulo ng labi ko habang kaharap pa rin si Peter.

"Mukhang gets naman na nilang taken ka. For sure, they wouldn't ask you to do things for now. Kaya dikit ka lang dapat sa 'kin," pagkumbinsi ko sa kanya, kunwari'y cool lang kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Uwi na tayo?" binukas-sara ko pa ang mga mata ko.

Umigting ang panga ni Peter at para bang nagdilim din ang paningin. Kaya napalunok ako. Alam kong patay ako nito pagbalik namin sa kubo. Baka masermunan at masigawan ako. Kaya kailangan ko nang ihanda ang sarili.

Ayon lang ay hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

Hinila ako ni Peter palapit lalo sa kanya. Halos magtama ang mga katawan namin. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga.

Hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata, sinapo ng isang kamay niya ang mukha ko. Hinigit ko ang hininga ko. May kung anong gumapang sa likuran ko nang isukbit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga.

"Bakit nagpunta ka rito ng hindi ako kasama... Tart?" tanong ni Peter sabay halik sa noo ko. Nalaglag ang panga ko. Bumagsak ang balikat ko. Bakit pagdating sa kanya'y biglang naging sexy ang endearment ng mga magulang ko, tapos pagdating sa 'kin ay baduy?

Kung kanina'y natahimik lang ang lahat dahil sa ginawa ko, sa simpleng paghalik ni Peter sa noo ko'y nakarinig kami ng pagtili sa paligid. Lalo pa itong lumakas nang akbayan niya 'ko.

"May gusto ka bang damit o pagkain? Pili ka lang. Lahat bibilhin natin," sabi pa ni Peter bago tipid na ngumiti. Para bang naging ibang tao siya sa isang iglap lang. "Gusto mo ba 'yang hawak mo? Kuhanin na natin 'yan." Kinuha niya ang hawak kong bulaklaking dress at ipinalit ang kanyang kamay. Dahil hawak niya ang kamay ko, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya pabalik sa tiangge.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon