Chapter 22

37 3 0
                                    

Bumalik ako sa loob ng kubo. Naabutan ko sa sala si Peter. Nakahiga siya sa sofa, nakapatong ang isang braso sa ibabaw ng mga mata, at mukhang natutulog. Talagang kaya pa niyang matulog sa sitwasyon namin ngayon? Huminga ako ng malalim bago bagsak-balikat na nagpunta sa kwarto.

Mag-aayos pa lang sana ako ng gamit nang makita ko ang isang bag sa ibabaw ng kama. My heart dropped suddenly as I understood what it meant. Dahan-dahan akong lumapit dito. At nang buksan ko, nakita ko ang mga damit na binili ni Peter sa 'kin. Lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko na ito kailangan pang halungkatin para malaman kung ano pa ang ibang laman.

Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip ni Peter. Desidido na siyang paalisin ako. At gusto niyang mangyari ito kaagad. Kaya nga habang nag-uusap kami ni Elle sa labas, pinagempake na niya ako. Parang wala lang sa kanya ang pinagsamahan namin. Parang madali lang niyang nakalimutan ang nangyari sa 'min.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko nang isarado ko ng mabuti ang bag. Binitbit ko ito at agad na lumabas ng kwarto. Dire-diretso akong naglakad papunta sa pinto ng kubo. Ngunit pagdating sa harapan nito ay napahinto ako. Alam kong nakakahiya na pero kinapalan ko ang mukha ko.

"Bibigyan pa kita ng second chance para pigilan akong umalis," medyo pabiro kong saad. Pero katulad ng inaasahan ko, nilamon ako ng katahimikan ng paligid. Lalabas na sana ako pero lumapit pa ako kay Peter.

Hindi ako sigurado kung natutulog ba siya talaga. Pero ibinaba ko ang sarili hanggang sa maging magkalebel kami. Pinagmasdan ko siya ng mabuti bago nagsalita, "Aalis na 'ko sa kubo mo." Huminto ako nang muntik na 'kong pumiyok dahil sa matinding emosyong sinusubukan kong pigilan.

Hinintay kong mag-react si Peter sa sinabi ko. Kahit na nakatakip pa ang braso niya sa mga mata. Pero walang nagbago sa kanyang mukha; 'ni hindi man lang siya kumilos. Talagang walang kibo. Sa lakas ng boses ko, imposibleng hindi niya 'ko narinig.

Huminga pa ako ng malalim bago nagpatuloy. "Tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko katulad ng gusto mong mangyari. Pero ang hiling ko lang, sana maging masaya ka na."

May tumakas na luha sa isang gilid ng mata ko na agad kong pinunasan bago pa makita ni Peter. Dito ko naman napansin ang paggalaw ng Adam's apple niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtantong balak niyang magpanggap na tulog hanggang makaalis ako imbes na kausapin ako ng maayos.

Kung ganuon, panindigan niya ang pagtutulugtulugan niya.

Sa ikatlong paghinga ko ng malalim, kabado man ay bahagya kong inilapit ang sarili sa mukha ni Peter. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanyang labi kahit pa nagtatalo ang puso at isip ko ngayon. Pinigilan ko ang paghinga, at nang masiguradong sapat na ang distansya sa pagitan ng mukha namin, mabilis ko siyang ninakawan ng halik!

Yes! I kissed Peter!

Pumikit ako. Inilapat ko ng mabuti ang labi ko sa ibabaw ng kay Peter hanggang maramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa sofa. May kaunting paggalaw sa labi niya nang muli siyang lumunok. Para bang gusto niyang tumugon pero pinipigilan niya ng sobra ang sarili. I couldn't help but let out a downward smile before I moved away.

"I just want you to know that I don't regret anything that happen between us..." pagkasabi ko nito'y mistulang bumalik sa 'kin ang mga alaala namin ni Peter sa isla. Nanikip ang dibdib ko nang para itong naging isang pelikula. Hindi ako sigurado kung namalikmata lang ba ako nang may umagos sa gilid ng isang mata ni Peter.

"The only thing I regret is not being enough to set your heart free. Still, thank you for doing it for mine." Pagkasabi ko nito'y sabay na bumagsak ang luha sa mga mata ko; parang nabasag at nagpira-piraso ang puso ko. Imbes na punasan ay tumayo na 'ko at naglakad papunta sa pinto. Isang beses pang sinuyod ng mga mata ko ang kubo bago muling sumulyap sa sala. "Goodbye, Peter." Ito ang huling sinabi ko bago tuluyang lumabas ng kubo.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon