Chapter 27

43 2 0
                                    

"Tomorrow's Sunday. What's the weekend like around here?" maligalig na tanong ni Nikolai na kumuha ng atensyon ng lahat.

Sakto ang pagbalik ni Peter. Hawak-hawak ang dalang wine bottle, naupo siyang muli sa tabi ko. Lumingon siya sa 'kin kaya awtomatikong napunta sa ibang direksyon ang mga mata ko. Kasabay nito'y inabot ko sa kanya ang cellphone niya ng hindi nakatingin. Tuloy ay para akong nakuryente nang imbes na cellphone lang ay buong kamay ko ang nahawakan niya. Hindi ako sigurado kung aksidente lang ba ito o sadya – ngunit uminit ang buong mukha ko nang maalala ang lock screen niya.

Umarte ako na para bang wala lang sa 'kin ang nangyari. Isinuklay ko sa buhok papalikod ang kamay at nakinig sa pag-uusap ng iba. Nagsa-suggest ng mga island activities sina Reese at Lorenz. Ang ilan dito ay nagawa ko na kasama si Peter katulad ng swimming at hiking kaya nangiti ako. Kung hindi dahil sa kanya, alam kong hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob gawin ang mga ito.

Habang tahimik na nakikinig sa kanila ay umihip ang malakas na hangin. Ramdam ang ginaw, napayakap ako sa mga binti. Mukhang wrong choice yata ako sa napiling outfit ngayong gabi. Sana nakinig ako kay Peter kanina imbes na nagpadala sa inis ko.

"Si Pete ang maraming alam dito!" masayang turo ni Lorraine na mabilis nagbago ang timpla ng mukha; animo nakakita ng multo.

Nakaramdam ako ng malambot na tela sa ibabaw ng mga balikat ko. Pagtingin ko sa tabi kung saan ito nanggaling, nagsimulang magsalita si Peter, "May misa bukas sa bagong tayong chapel. First mass dito sa isla. Pwede kang magsimba," seryosong sagot niya sa tanong ng kapatid; para bang wala siyang ginawa para sa 'kin ngayon lang. Kaya pala ganuon na lang din ang reaksyon ni Lorraine.

Napatingin ako sa jacket na nasa balikat ko at dito lumawak ang ngiti sa labi. May kakaibang init akong naramdaman sa dibdib dahil sa simple gesture niyang ito. Akala ko hindi nangyayari ang mga ganitong eksena sa totoong buhay, lalo na sa babaeng tulad ko. Tuloy ay parang ibang mundo talaga ang islang 'to.

"Sounds right. Pero baka masunog ako sa misa," biro ni Nikolai na nagpatawa sa iba. Nagkaroon sila ng ibang topic kaagad kaya akala ko umusad na ang pag-uusap.

Ayon lang ay lumingon na naman sa 'kin si Peter. Halos buong katawan niya'y sa direksyon ko na nakaharap. "Nagsisimba ka?" malumanay niyang tanong.

Binukas-sara ko ang mga mata. Napaisip kung kailan nga ba ako huling nagsimba. Umikot ang tyan ko nang unang sumagi sa isip ko si Kyle. Nakagawian kasi namin noon magsimba tuwing Linggo at pagkatapos ay nagde-date kami – kung minsan ay kumakain sa labas, madalas nananatili lang sa condo niya o 'di kaya sa bahay namin.

Tila nawala ang isip ko sa kasalukuyan. Kung hindi pa tumikhim si Peter ay hindi ako makakabalik agad. "Ah iba ang religion mo. It's okay, I respect—"

"Ah catholic ako. Tsaka... oo nagsisimba ako. May naalala lang," muntik pa akong mautal sa sagot ko. Hindi ko na idinetalye pa ang naalala ko. Ayaw ko namang pag-usapan pa namin ang ex ko.

"Magsimba tayo bukas," aya ni Peter habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ako?" pagkumpirma ko; dumoble ang bilis ng tibok ng puso.

"Wala ng iba," mabilis niyang balik.

Hindi ko mapapansin na nagkaroon na pala kami ng sariling mundo ni Peter kung hindi pa ako nakarinig ng tuksuhan sa paligid.

"Unang simba ngayon, unang binyag bukas!" dinig kong tukso ng isa sa mga kasama na nagpalaglag ng panga ko. Bakit naman napunta agad sa binyag ang usapan?! Magpoprotesta sana ako nang mapagtanto ang alam nila tungkol sa relasyon namin ni Peter. Bukod kay Nikolai, siguradong mag-asawa kami sa paningin ng ibang mga kasama namin.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon