Mahigit isang buwan na 'ko sa Cole's Cove pero pakiramdam ko, marami pa akong hindi alam tungkol sa islang ito lalo na sa mga taong nakatira rito.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong 'ni minsan ay hindi ko naisip mag-search online. Pero sa dami ng beses na naisip ko ito, ngayon lang ako bumigay sa curiosity ko.
Searching about Cole's Cove, umasa akong makakahanap ng kahit anong impormasyon tungkol dito. Ngunit paglabas ng search results, awtomatiko akong nabigo. Lahat kasi ng mga lumabas ay walang kinalaman sa isla. Imbes na private island, mas dapat yata itong tawaging secret island dahil parang walang nakakaalam ng tungkol sa existence nito bukod sa mga residente.
Kaya kung interesado talaga 'kong mas makilala ang isla at mga nakatira rito, kailangan kong mag-effort – which means it's more than just looking things up online.
Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad kong binaba ang phone ko. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard nang pumasok si Peter. Kakaligo lang niya, halata sa basang buhok at nakapatong na bimpo sa leeg. Sandali kaming nagkatinginan kaya tipid akong ngumiti bago yumuko.
Tumango lang siya ng isa bago naupo sa kabilang edge ng kama. Nakatalikod siya sa 'kin nang maupo kaya rito ako pumikit nang mariin. Bakit ang awkward ng ngiti mo, Briar? Muntik ko nang batukan ang sarili.
Kahit araw-araw na kaming magkasama ni Peter, mabilis pa ring uminit ang pisngi ko pagdating sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung normal pa ba ito o may sira na 'ko.
Huminga ako nang malalim at pinilit maging normal. Lumapit ako kay Peter at mabilis hinawakan ang kanyang bimpo. Ayon lang ay mabilis din niyang nahuli ang kamay ko.
"Patuyuin natin 'yung buhok mo," sabi ko at bago pa siya kumontra, inagaw ko na 'yung bimpo at tumayo sa harapan niya.
Hindi ko na naiwasan pa ang mga mata niya ngayong magkaharap kami. Nangungusap ang kanya habang diretso ang tingin sa 'kin. Sinubukan ko naman itong 'di pansinin at nagsimulang patuyuin ang kanyang buhok bago ko pa malimutan.
"Matutuyo rin 'yan," protesta ni Peter pero nagpatuloy pa rin ako. Nakakatuwang hawakan ang kulot niyang buhok. Parang mas malambot pa kasi ang kanyang curls kaysa sa tuwid kong buhok.
"Pero mas mabilis kapag ganito," balik ko at nangiti nang mapansin ko ang pagpikit niya. Mukhang tinanggap na lang niya ang kapalaran niya. At palagay ko nagustuhan din naman niya ang ginagawa ko. Kaya nangako ako sa sariling simula ngayon, araw-araw ko na itong gagawin para sa kanya.
"Pagkatapos ng trabaho natin sa umaga, may iba ka pa bang lakad o balak gawin?" pagbasag ko ng katahimikan.
"May gusto ka bang puntahan o gawin?" tanong din ang ibinalik ni Peter. Para bang makahanda siyang isantabi kung ano man ang nakaplano niya.
"Ah wala naman," sagot ko. Napaisip kasi ako kung ayos lang bang sabihin ko sa kanya ang gusto ko dahil baka makaabala pa ako sa kanya.
Nang matahimik ako, dumilat si Peter kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. "Libre naman na tayo pagkatapos," sagot niya sa tanong ko. Halatang gustong malaman ang totoong iniisip ko.
"Okay. Gusto ko lang sana maglibot-libot dito sa isla para mas maging pamilyar ako. Kung libre ka, baka gusto mo 'kong samahan?" pagbabakasakali ko.
At akala ko kakailanganin pa niya ng oras para mag-isip nang marinig ko agad ang sagot niya, "Mas maganda kung sa umaga tayo. Para hindi ka masyadong mainitan. Sabihan ko si Mang Ambo na 'di tayo papasok bukas."
Awtomatikong nalaglag ang panga ko. Nahinto rin ako sa pagpapatuyo ng buhok niya. "Okay lang sa 'kin kahit pagkatapos. Nakakahiya naman–"
"Kailangan din natin ng break," pagputol niya sa 'kin pero nag-aalangan pa rin ako, "'Wag kang mag-aalala. Kahit 'di tayo pumasok ng isang araw, kaya pa rin kitang suportahan," dagdag pa niya kaya tuloy tinapik ko siya sa braso at natawa.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Chance
Romance"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nan...