Chapter 24

41 2 0
                                    

"Bakit nandito ka?" mariing tanong ni Peter, bawat salita ay tila patalim na bumaon sa dibdib ko. Pagkatapos niya akong lagpasan kanina noong nasa daungan kami at pinapanuod ng maraming tao, hindi ko inasahang pupuntahan pa niya 'ko.

"Kasi gusto ko rito sa isla," simpleng sagot ko. Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng tanong niya. Ayaw ko rin itong bigyan ng sariling kahulugan. Kaya naman nagkunwari akong hindi apektado sa kanyang presensya. "Maganda ang tanawin, masarap ang mga pagkain—"

"Hindi ba't sumama ka na kay Elle?" pagputol niya sa 'kin. Ninenerbyos ako sa lalim ng tingin niya pero nagawa ko pa rin siyang tingnan ng diretso.

"Hindi ako sumama. Kaya nga ako nandito e. Disappointed ka ba?" sarkastikong balik ko na nagpaigting ng kanyang panga. "Umalis ako sa kubo mo katulad ng gusto mo. Pero hindi ibig sabihin aalis din ako ng isla," dagdag ko pa. Malakas ang loob kong magdahilan ng ganito dahil hindi naman kanya ang isla.

Natahimik si Peter. Pansin ko ang mabigat niyang paghinga. Pinagdikit niya ang kanyang labi, napahawak ang isang kamay sa beywang bago tumingin sa malayo. "Ibig sabihin... nandito ka lang buong Linggo?" may pag-aalinlangan niyang tanong. Para bang dismayado ang boses.

Dismayado ba siya dahil gusto niya akong makita noon tapos nandito lang pala ako o dahil ayaw nita talagang nandito ako?

"Noong araw na umalis ako sa kubo mo, pinatuloy ako nila Aling Dolores," sagot ko. Sinubukan kong hindi magpadala sa emosyon. Binalot kami ng katahimikan sa paglipas ng ilang minuto. Naalala ko ang nangyari kanina sa daungan kaya hindi ko napigilang magkomento. "Mukhang may lakad ka ah. Hindi na tuloy?"

"I no longer have a reason to leave this island," malamig niyang sagot sabay tingin sa 'kin.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero muli na naman siyang nanahimik. Ang hirap pa rin niyang espelengin kahit kailan.

"Kung wala ka nang gustong sabihin, papasok na 'ko," sabi ko na lang tuloy. Tinalikuran ko na si Peter at akmang bubuksan ang pinto ng kubo nang may pahabol pa siya.

"Bumalik ka na sa kubo ko." Hinigit ko ang hinininga ko. Hindi ko inasahang sasabihin niya kaagad ito. Sasagot na sana ako nang maunahan niya 'ko, "'Wag mo nang idamay ang ibang tao sa problema natin," seryoso niyang saad.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig; bahagyang umangat ang isang dulo ng labi. Na-anticipate ko na kasing pababalikin niya ako sa kubo niya dahil ayaw niyang makaabala ako kina Aling Dolores.

"Problema natin?" mapanuyang tanong ko sabay tingin sa kanya at taas ng isang kilay. "From what I can remember, wala naman ng problema. You wanted me gone from your place, and I left. It was that simple. Tsaka, don't worry, tingin ko naman walang problema sina Aling Dolores sa pagtira ko sa kanila. Kung ano man ang setup namin ngayon, labas ka na roon."

Nakita ko ang magkahalong pagkabigla at pagtataka sa mukha ni Peter, halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. He probably thought that if he opened his arms to me, I'd just rush into them immediately. Nakalimutan yata niyang hindi ako ganuong klase ng babae at wala kami sa fairy tale.

Ipinatong ko ang isang kamay ko sa ibabaw ng kanyang balikat kaya napatingin siya sa 'kin. Nang masigurado kong nakatitig kami sa mga mata ng isa't isa ay tsaka ako nagsalita, "'Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako sa isla." Nagawa kong tipid na ngumiti sa kanya bago siya tuluyang tinalikuran. Pumasok na 'ko sa loob ng kubo nang 'di siya nililingon.

Alam kong sampal ang huli kong sinabi pero sinadya ko itong ipaalam kay Peter. Parte ito ng plano ko kahit alam kong posibleng 'di siya maniwala. Dalawa ang dahilan kung bakit: una, ayaw kong ma-pressure siya ngayong alam niyang nandito pa rin ako sa isla; at pangalawa, gusto kong mabawasan ang kumpyansa niya sa sarili tungkol sa feelings ko para sa kanya. Tingin ko ay makakatulong ang mga ito para makapasok ako sa buhay niya at magkaroon ng permanenteng lugar dito.

Kidnapped By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon