The meeting. UGH.

40 0 0
                                    

Pumasok na kami sa conference room para sa meeting. Ngayon lang ako nakapasok sa room na yun. Nadadaanan ko lang siya dati pero hindi pa ko nakapasok. Lumipat na kasi kami sa bagong building ng company.

Isang mahabang mesa ang nasa loob ng kwarto na kakasya ang nasa 25 na katao. Yung typical na nakikita sa mga palabas sa TV, yung pa-letter "U" shape yung arrangement ng table, may malaking space sa harap para sa magppresent at mataas na side table, para sa lalagyan ng laptop at tubig kapag kinakabahan ka na sa harap. Syempre meron ding projector at ang laki ng sakop ng screen na galing sa projector.

Sa gilid ay full-glass ang pader. Kaya makikita ang mga buildings na malapit sa amin. Ang ganda ng view. Dapat isara iyon mamaya dahil baka madistract ako.  Two-door ang entrance ng room. Carpetted ang sahig at nang umupo na ako, grabe. Executive talaga ang datingan. Sobrang iba kasi yung environment sa dati naming building eh. Dito upgraded yata lahat. Mukang binili na nila lahat ng mamahaling furnitures at office equipments. Sila na mayaman!!! Well, natural lang yun kasi nasa malaking company ako.

Saglit lang nagsidatingan na yung mga participants ng meeting. Hindi ko na tiningnan isa-isa yung mukha nila at baka magka-eye to eye pa kami at mapansin ang walangyang outfit ko. Swaggerz. Ako lang ang naiba. Lahat sila nakaitim. Itim na coat, itim na blazers. Para silang kulto. Nyahahaha.

Nakasuot ako ng long sleeve navy blue blouse at pants na itim, then nakasimpleng high heels ako na wedge. Medyo malapit naman ang kulay ko sa kanila. Buti na lang din at ang pwesto namin ay nasa may malapit sa kanto ng mahabang lamesa, siguradong ang focus nila ay nasa presenter.

Isa-isa nang nagpresent ang bawat department. Yung iba kilala ko, yung iba nakita ko na, yung iba hindi ko kilala. At wala akong pakialam. Basta pangalawa kami sa huli na magppresent. Well, ang irereport ko lang naman is ano nang progress nung mga new projects na prinopose at inaprubahan dati.

Hindi naman lahat ng nasa conference room is pupunta sa unahan at magsasalita. Yung iba, audience lang, yung iba, magpapalipas lang ng oras, yung iba magkukunwari lang na nakikinig. Yung iba, titingin lang sa bintana. Tulad ng nakikita ko ngayon. Isang lalaki na galing siguro sa admin department. Tulala na siya sa mga building na nakikita niya. Sabe na eh. Dapat takpan yung pader.

Syempre ako, nakikinig naman. Kailangan ko ding mag-take down notes kasi yare din ako sa manager ko lalo sa supervisor ko, na ginagawa akong personal na taga-sulat at tiga-remind kung anong napag-usapan sa meeting.

....
Dumating yung turn ng department namin at nagbigay ng introduction yung supervisor ko. Pagkatapos noon ay nagpresent na manager ko at ako.

Nang matapos akong magpresent ay nagpalakpakan naman silang lahat dahil sobrang galiiiiiiing ko kasi. Mga 20 minutes din ako nagsalita sa harapan.  Nakita nilang detalyado yung ginawa ko at maganda talaga yung slideshow na ginawa ko. Natuwa lalo na yung mga matatanda, usually mga managers.

Magsasabi na sana ako ng "Thank you very much for listening.." kaya lang may napansin akong nagtaas ng kamay.

"Yes Mr. Trasierra?"
sabi ng manager ko, na nakatayo na ngayon sa tabi ko. Magsasabi pa yata siya ng closing speech niya.

Ngayon ko lang namukhaan yung lalake. Well, wala naman akong pakialam. Pero isa siya sa may pinaka-formal na suot sa mga nakaupo sa table.

"I guess your team have done a very good job, but there's one thing I don't like to say but I have to express it."

Sabi nung lalake. Hindi ko siya matawag na matanda kasi mukhang nasa 25 to 29 years old pa lang siya.

"Yes, what is it Sir? Feel free to give feedbacks."

Sagot naman ng manager ko. Pwede bang umupo na ako??? Sobra na sa exposure eh.

"You may have gotten the correct way of delivering the presentation through detailed slides and good talk, but the attire of your presentor is not appropriate for this meeting I guess."
sabay tingin sakin. EYE TO EYE.

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon