Kanina pa ako nakahawak lang sa steering wheel at nakatingin lang sa sahig ng basement parking. Bumalik na lang ako sa ulirat ko nang binuksan ni Andre yung pinto ng sasakyan.
"Kanina ka pa diyan sa loob, hindi ka ba naiinitan?" sabay yuko niya habang nakadantay yung braso niya sa bubong ng sasakyan.
Naalala kong maalikabok nga pala yung sasakyang dala ko, ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na sasagutin ko yung pagpapacar wash nito.
"Uhh, pasensya na." tumayo naman ako at sinabayan ko na siyang maglakad.
"Gusto ko sanang tanungin kung anong napag-usapan niyo pero I know I am not in a position to ask you those details." Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa likod nya habang naglalakad. Nakatingin siya sa malayo at hindi ako nililingon.
Magoopen up ba ako sa kanya?
"I can be a friend, you know. Gusto kong magbigay ng advise kung kailangan mo at naguguluhan ka sa dapat mong gawing desisyon." I heard him said in the most warming voice I have ever heard from a person.
Napagpasyahan naming magstay muna sa unit niya at doon ko ikwento lahat. Nagsabi naman siyang ihahatid niya ako pagkatapos. Napagod din kasi ako kakadrive maghapon.
"Few questions." tinupad naman niya ang sinabi niya at nakinig sya sa akin. At kahit na nakikita niyang medyo naluluha ako, ay hindi nagbago ang expression sa mukha niya.
Hinayaan ko lang siyang magtanong.
"Mahal mo pa ba siya?" that was his first question.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman sa kanya." Sagot ko.
"Oo o hindi lang. Hindi mo masagot ng diretso, so I will take that as no."
"Bakit?"
"Because when you love a person, you will not have a second thought, you will always be sure of what you feel, and based on your answer, nakikita kong ayaw mo na, pero you still cling to the idea of the two of you being together again." Nasapul niya. Sakto ang mga sinabi niya. That is exactly what I feel.
"Galing mo dun ah." Pabiro ko na lang sinabi.
"He's your first boyfriend, right?" tumango na lang ako.
"That is why masyado kang nanghihinayang sa relationship niyo. Madami kayong pinagsamahan, I understand that. But that doesn't mean that if you have taken so many time to built memories together, you should still save the relationship. Ang memories hindi nagbabago, pero ang tao, nagbabago. Just like what his feelings have changed for you last time." Wow. Finally, I gained a friend who has righteous perspective on relationships.
"And how can you be sure na this time, nagbago na yun tao, and hindi na siya uulit ng mga kasalanan niya sa iyo? Have you ever thinked that maybe nakita niyang mas higit ka dun sa babaeng pinagpalit niya sa iyo kaya ka niya binalikan? Sorry but I have to share the truth. Most of the guys, kapag alam nilang nakahanap sila ng babaeng mas mababa ang quality kesa sa previous nilang girlfriend, nature na nilang bumalik. But have you thought of the feelings nung girl na nagmahal din sa kanya? If he can just dump that girl to go back to you, he can always do it anytime, the sooner he finds another one who is greater than you. Believe me, but that is a great possibility." Nasaktan ako sa idea ng sinabi niya, but that is very possible.
"Most of the guys.. you mean, hindi ka kasama?" I tried to joke pero deep inside, sobrang tagos na sa puso yun mga sinasabi niya.
"You want me to share my lovelife too?" Good idea, para fair naman.
BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...