Just... what is this?

4 0 0
                                    




Madami pa kaming napagkwentuhan at tumupad naman si Andre sa sinabi niya na ihahatid niya ako sa bahay. Pinabaunan niya pa nga ako ng boxed treats na galing daw Japan. Iba't-ibang klaseng maliliit na traditional treats. Natuwa naman ako doon kasi naalala ko yung feeling ng binigyan ng magulang ng pasalubong. Feeling ko para niya akong nakababatang kapatid. Kahit na medyo nalito ako sa sinabi niya tungkol dun sa prospect wife niya, na hinihintay niyang makammove-on sa dating boyfriend. 

Sa totoo lang muntik ko nang isipin na ako yun pero buti na lang naalala kong sinabi niya na matagal niya nang kilala yung babae. Eh nitong kailan lang naman kami nagkakilala. 


 Inilagay ko na lang muna sa ref yung box na ipinadala niya at pagkatapos kong maghilamos, dumiretso na ako ng tulog. Feeling ko napakahaba ng araw kong iyon. 



-------------------

Kung ano ang itinagal ng kahapon ko, ganoon naman kabilis lumipas ang Linggo at Lunes. Namalayan ko na lang na ilang linggo na rin ang nakalipas. Masyado din akong naging busy sa trabaho sa dami ng projects at may ilang magkakasabay pa. Madalas pag uwi ko sa bahay pagkakain ko eh nakakatulog na rin agad ako, sa sobrang pagod. Kahit na maaga akong umuuwi, sobrang sulit na sulit yun oras na inisstay ko sa office. Halos hindi ko na rin naccheck talaga ang phone ko. Maliban na lang kung may tumawag. 


Speaking of, napag-isip-isip ko yun tungkol sa "chance" na hinihingi ni Calvin. Ayoko mang aminin pero iniintay ko ang isang text o tawag galing sa kanya. Pero wala akong narinig. 

Sa totoo lang, nadisappoint ako. Kung talagang gusto mong humingi ng chance, bakit pagkatapos niyong mag-usap, wala ka nang paramdam? Mahirap bang kuhanin ang number ko sa mga mga taong kakilala niya? Kung yung mga tao nga dati, nakakapag-usap pa rin kahit walang cellphone, nagttyaga sila sa sulat. Bakit siya hinayaan niya na lang ulit na hindi kami magkausap?


Siguro nga, hindi ganoon kalakas ang will niya para magkabalikan kami. Tama si Andre, malamang sa malamang hindi ako mapapantayan nung babaeng ipinagpalit niya sa akin. Kaya bumabalik siya ngayon. Pero ano yun, gusto ba niya isang sabi lang pagbibigyan agad siya? Paghirapan naman niyapaghingi nya ng chance.

Siguro din hindi ganoon kabigat ang kasalanan niya kung tatanungin mo sa iba pero sobra akong nasaktan doon sa mga nakita at nalaman ko. 


---------------

Bigla na lang siya hindi nagkakaroon ng oras sa akin. The typical signs na "merong ibang pinopormahan" yun tao. Pero I tried to stick with him as much as I can, until I found an evidence. 


Alam ko ang social media username at password niya at ganun din siya sa akin. Alam kong wala naman akong tinatago kaya okay lang. At alam kong hindi naman siya palabukas ng account ko kaya ganun din ako sa kanya. Kaya lang, isang araw, talagang umabot na hanggang langit ang duda ko. 

Nung nag-uumpisa pa lang ako magduda, tinitingnan tingnan ko na yung account niya pero wala naman akong makita. Kahit phone niya hinahayaan niya naman sa kamay ko. Kaya matagal din bago ko na lang icheck ulit. 


Pagbukas na pagbukas ko ng account niya, may ka-chat siyang babae. Nakita kong college batchmate niya yun. Kumulo na lang ang dugo ko sa mga nababasa kong pag-uusap nila. Seriously? Pagod na pagod ako sa trabaho pero ni hindi mo ako nagawang ichat man lang para kamustahin, pero itong babaeng ito, almost an hour mo nang kausap at todo ang kamustahan niyo? Aba'y itong si babae, malandi din. Parehas silang malandi. Hinayaan ko lang silang mag-usap. Maya-maya sinubukan ko siyang i-text. Nagreply naman siya agad. Pero few minutes later, napansin ko nagpaalam na siya dun sa babae. At Kinilabutan ako nang makita kong dinelete niya yung conversastion nila. ABA'Y GaG* ka pala eh! Ibig sabihin lang niyan, inacknowledge mo na yung usapan niyo, dapat itago at walang ibang dapat makaalam. 

Kaya naman pala wala akong makita. Binubura. Kaya naman pala hindi ko mahuli-huli, mabilis magreply sa text para hindi halata. Ang galing. 


Kinompronta ko siya tungkol doon at sinabing hindi ko matatanggap yung ginawa niya. Nalaman ko na nagkita sila sa college reunion at doon nagsimulang magkausap. Malandi din itong si babae dahil talagang gusto niya rin na lagi silang magkausap. Walang respeto kahit na alam niyang may girlfriend yung tao. 

Doon pa lang sa pagcchat nila, hindi ko na matatanggap. It's already a form of cheating once you hide something from your loved one. And how can you call me your loved one when you cannot even be a faithful one to me? Ayoko nang malaman pa kung ano pang iba niyang pinaggagagawa na kalandian kaya pinapili ko siya. 


Sadly, pinili niya ang maging malaya. Maging malaya para makipaglandian. Sobrang sakit para sa akin dahil sobrang dami naming napagsamahan, at buong akala ko, iba siya sa mga given na usual na lalaki sa mundo, yun pala, wala siyang pinagkaiba. Akala ko, husband material siya, yun pala hindi. Naalala kong sinabi sa akin ni Aila noon, hindi porket mas matanda siya sa iyo ng ilang taon, husband material na. Malamang nakita ko lang siya na mas senior sa akin kaya may ganoong factor. Pero all in all, hindi pa rin pala siya matured. Akala ko matino siya all those time, yun pala, magagawa niya din palang magloko. Sa isang tao pang sinamahan siya sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Ganoon niya lang tinapon lahat.


Siguro, gusto niya ring maranasan na may mahaling iba. Pero mali siya sa mga bagay na ginawa niyang nakasakit pa ng ibang tao. At sa lahat ng tao, ako pa talaga, ako pa, yung taong wala namang ibang ginawa kung hindi maging tapat sa kanya. 


Simula noon, halos napabayaan ko na rin ang sarili ko. Narealize ko na yun ang mali ko, nagpatalo ako sa kanya. Sa halip na nagpaganda ako para marealize niya kung ano yung nawala sa kanya, mas lalo akong nagpabaya sa itsura ko. Nagfocus ako sa work, though rewarding naman ang career at finances ko, dahil sa promotion na natanggap ko, wala naman akong matatawag na special someone ko. Malungkot minsan. Lalo na kapag uuwi ako ng bahay mag-isa at wala na akong ka-chat, ka-text o katawagan at mapagsasabihan ng tungkol sa kahit anong bagay. Madalas na kapag malungkot ako, at naiiyak, itinutulog ko na lang. 

Mabuti na lang isang araw, may isang lalakeng masungit na pumuna sa akin para ayusin ko ang sarili ko, at maredeem ang self-confidence ko. 



--------------------------------

Speaking of Andre naman, hindi ko na pala nabuksan yung japanese treats na binigay niya sa akin. Hindi rin ako nakarinig ng kahit ano mula sa kanya simula noong tinuruan niya ako magdrive. Well, I cannot expect much from a friend. Sila Aila nga at Kyle hindi din ako chinachat. Mukhang busy din sa work. 


Natuwa naman ako nang makita kong hindi pa masyado nabasa yung box. Kasi medyo matagal na rin siya sa ref at nakabox lang siya, kaya posibleng magmoist siya at madurog yun box. Mukha naman kasing mamahalin yung box kaya hindi siya madaling masira. 


Tinanggal ko na ang ribbon at binuksan ko yung box. Rectangular box siya at two-layer yung laman. Maayos na nakapartition isa isa yung iba't ibang klase ng treats at individually packed din. Buti na lang. Paano kaya kung hindi nakaplastic isa-isa ito, baka nag-iba na yung lasa. 


Kumuha lang ako ng dalawa para kainin ko at nang ibabalik ko na yung takip, napansin kong may sticky note na malaki na nakadikit. Hindi ko napansin kanina kasi hindi ko naman binaliktad yung takip. 

Nakita ko na handwritten yung nakalagay sa note. Sinulat kaya 'to ni Andre? Ang liit ng handwriting niya pero ang ganda. 


"I will wait until you are free... and have cleared your old feelings.
I will wait until the time comes you are open to a new person in your life.
I will wait until you recognize me as someone who can be for you.

I will wait until you have yourself completely back.
I will wait until you have believed in yourself that you can love, and be loved again."

-A. :) 


ige.. ige... mwoya??

***(ige mwoya - "What is this?" in Korean.)

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon