Narinig kong nagvibrate ang cellphone ko sa bag. Tiningnan ko kung sino tumatawag.
Si Aila.
Sinagot ko naman at akala ko kung ano na ang sasabihin, yun pala ay makikipagkwentuhan lang siya. Matagal-tagal din kaming nag-usap, buti na lang at lagpas 5pm na at halos wala na ring tao sa department namin. Umuwi na rin lahat ng mga malapit sa pwesto ko, so okay lang kung maghahalakhak ako sa kwento ni Aila.
"Punta kaya ako diyan sa office nyo tapos kape tayo? Hahaha." Sabi ni Aila sa kabilang linya.
Dun lang bumalik sa isip ko yung usapan namin ni Andre sa elevator.
"Footspa~! Aila! Kailangan ko nang ibaba tong telepono, gagi ka! Ang tagal na pala nating nag-uusap, nakalimutan ko na may gagawin nga pala ako! Shet!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya.
"Ano? Ano gagawin mo? May pupuntahan ka? May tatapusin?" Nagtatakang tanong niya.
"Ittext na lang kita, okay? BBYE!!!" kailangan ko na talagang putulin ang tawag.
Tumingin ako sa relo at nakita kong alas-sais na rin. What the heck. Paano kaya kung tumatawag si Andre nung mga panahon na kausap ko si Aila? Hindi ko naman alam ang number niya, kaya hindi ko din siya matatawagan. Teka, feeling ko naman tatawagan niya ako right after work, eh manager yun, baka naman nagttrabaho pa siya. Assuming. Assuming. Pero kung hindi naman niya ako matawagan, maiisipan naman niya sigurong magtext.
Chill, Darrah, chill.
Tumayo ako para kuhanin ang bag ko at inayos ang gamit ko. Tapos naman na akong magtrabaho kaya anytime pwede na akong umalis. Pero paano kaya kung siya naman yung nakalimot? Hala! Anu ba yan. Baka mamaya antay ako ng antay dito, wala naman pala akong inaantay. Takte, anu yun, abangers lang? Hindi naman din ako makauwi baka kasi mamaya bigla siyang magtext o tumawag tapos sasabihin ko pauwi na ako? Eh di mawawalan naman ako ng credibility nun, sabihin di ako marunong tumupad sa usapan?
Nakngtokwa. Ano na gagawin ko?
Nagpasya akong susubukan kong puntahan ang office niya. Susubukan lang. Malay ko ba kung san ang office nun? Saka malay ko ba kung ilang tao ang kailangan kong pagtanungan para lang malocate siya? BAHALA NA. TAKTE.
Naglakad ako papuntang pintuan nang nakita kong umikot ang doorknob. Nagulat na lang ako nung nakita ko siyang nakadungaw sa may vertical na maliit na glasswindow.
"I was calling you but your phone's busy.." Sabi niya after makapasok sa office namin.
"Hmm, tumawag kasi yun friend ko, napahaba yun usapan namin kanina eh." Buti naisipan na lang niyang pumunta sa office namin. Less hassle.
"So this is your office.." Paikot-ikot niyang tingin with matching tango tango. "Where's your cubicle then?"
"Yung may dalawang maliit na flag na blue and purple. Dun yung cubicle ko." Tumingin naman agad siya sa direksyon na tinuro ko.
"Okay.. so let's go?" Sabay ngiti niya sa akin with sparkle in his eyes. Nasabi ko na bang mukha siyang... gwapo? Yes, ngayon ko lang aaminin na na-gwagwapuhan ako sa kanya.
He opened the door again and waited for me to go outside bago niya isinara ulit ang pinto. Bago kami lumabas ay napansin ko ang ilang mata nung mga tao sa office namin na napatingin sa amin. Well, not everyone in that room is kakilala ko. At umuwi na rin yun mga kakilala ko, bagay na pinagpapasalamat ko. Kung hindi, isang libong tanong ang ibabato sa akin nung mga yun.

BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
Lãng mạnShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...