Something new?

7 1 0
                                    

Naglakad na kami ni Aila pauwi nang gabing iyon. Mabilis naman akong nakarating ng apartment unit at nagpahinga saglit.

Sunday bukas at Monday sa isang araw. Ang bilis naman ng oras. Nga pala, may make-up ako. Matitigan nga ang sarili ko sa salamin.

Tumayo ako at lumapit sa body-sized mirror na nasa kwarto ko. Matangkad akong babae at parang nagpatangkad lalo sa akin ang pinaikli kong buhok. Tinitigan ko ang make up sakin.

....
....
Pano nga ba ulit ginawa dito?
una, powder, blush on, eye shadow, eye liner, mascara, lipstick.. so mga 1 hour dapat iallot ko para maglagay nito? Luhh. Makayanan ko naman kaya?
Tinitigan ko ang mata ko. Eto yung pinaka-asset ko talaga. Malaki yun mata ko, in a sense na parang korean or japanese siya. Tapos mahahaba ang pilikmata ko sa itaas at ibaba ng mata ko. Kaya pansin na pansin 'to. Lalo pag nakikita nila ako malapitan. Kaya nang lagyan ako ng mascara, mas lalong naemphasize yung mata ko. Wala rin akong eyebags. Hindi kasi ako mahilig magpuyat kahit nung college. Kahit may ex at kailangang magreview, uunahin ko matulog. Wait. May typo. Bakit ex lang natype ko, EXAM iyon!
Tapos, yung ilong ko, hindi pango, hindi din naman ganun katangos. Sakto lang. Maliit lang din ilong ko. Tapos yung labi ko, sakto lang din. Hindi ganun kakapal, hindi din manipis. Well defined yung shape ng labi ko. Sa iba kasi, wala nang shape. Either flat na dahil sa sobrang nipis, or wala nang shape kasi sobrang kapal, hindi na kita yung cupid's bow sa labi nila. Infairness alam ko yun. Hahaha.
So kung mapapansin, puro "sakto lang" yung features ng mukha ko. Pero isa lang masasabi ko. Hindi ako pangit. Matalino ako. Matalino. HAHAHA. oo syempre maganda naman ako, pero hindi pansin pag hindi ako nag-ayos. Simple lang kasi talaga ako manamit, kumilos, pumorma.

"Simple ka lang kasing babae. At yan ang nagustuhan ko sa'yo."
yan po ang sabi ng pakingshet na Calvin. My superduper feeling gwapong ex-BF kaya nga ayun, nung nakahanap siya ng mas maganda at mas lamang ang pormahan sa'kin, dun na siya pumunta. Simple pala huh! FACK YU. Mabulok ka sana sa kangkungan, manloloko ka.

So galit na galit talaga ako sa kanya.
Ganito kasi ang love story namin.

Nagparticipate kasi ako nun sa Chess tournament ng school namin nung college. Bale college event yun so makakalaban ko yung ibang course sa college namin. Parehas kaming engineering pero magkaiba lang ng klase ng engineering ang course namin. Chess player din sya nun and nung lumalaban na ko nun, isa sya sa mga nanunuod. Kasi ka-batch nya yun kalaban ko. And dahil sa magaling ako, natalo ko yung ka-batch nya, so next round. Siya yung nag second place nun tapos ako third. Kaya siguro nagka-third party sa relasyon namin kasi third akong nanalo. hahaha. nairelate ko pa. At natatawa pa ako sa lagay na ito huh. Hindi ako natutuwa sayo Calvin! Kahit matagal na yun, di kita mapapatawad animal ka!

Nagkalaban kami sa isang round at ako naman, hindi ko naman siya napapansin nun. Kaya hindi ako distracted. Ngayon nung awarding na, nandun sila Aila at si Kyle. Ngayon tulad nga ng nabanggit ko, magkakatropa yung si Kyle at classmates ni Calvin. Kinakausap naman ako ni Calvin nung awarding pero hindi ko siya masyado pinapansin. Ngayon nung naipakilala lang sa'kin ni Kyle yung tropa nya na sila Hans, it turns out na si Hans at Calvin magkaklase pala. Kaya hayun. Nagkakilala kami at naging malapit sa isa't isa. Madalas kaming magkakasama ni Kyle at Aila nung college at minsan sinasama pa kami ni Kyle sa classroom nya. 

Hindi ko naman napapansin nun si Calvin kasi madalas na nasa labas din siya ng classroom habang wala pa yung teacher nila. Paikot-ikot lang siya sa lobby parang supervisor. Papasok lang kapag alam niyang andiyan na yung professor. 

One time, nagulat na lang ako nung bigla akong nilapitan ni Calvin habang nasa may pintuan kami ni Aila ng room nila. Teka, mukha tuloy kaming hindi pumapasok sa klase ni Aila ah. Wait. ganito yan, to make it clear, parang once a week lang kami nadadalaw ni Aila sa klase nila Kyle and saktong break namin yun ng 2 hours. Kaya may time kami na tumambay sa room nila. Mabait kaya akong estudyante nung college. DEFENSIVE lang? hahaha. Okay, going back, nagulat nga ako nung lumapit siya. Hindi naman kasi kami usually nag-uusap, kahit kilala namin yun isa't-isa. Nagtanong siya ng mga getting-to-know each other na tanong and maya-maya may nang-aasar na sa amin. It turns out na crush pala ako nung Calvin na yon and alam ni Kyle at Hans, pero hindi sinasabi sa akin. Sinabihan kasi sila ni Calvin na hayaan siya na siya ang magpaalam sa akin. Wala naman akong type sa kanya nung una pero as time goes by, nakilala ko siya, yun kuwento ng buhay niya, and all. Our love story was just the typical one and kung tatanungin ako kung bakit ako nahulog sa kanya is that, gusto ko yung personality niya, serious type pero makulit minsan, matalino, mabait and confident, alam kong after college is magiging successful siya sa buhay niya. At ewan ko ba, nakikita ko kasi sa kanya na husband material siya, though wala akong solid na evidence para idescribe or patunayan pero nasa aura niya kasi yun. 

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon