Yes I am.

24 1 0
                                    

Ang gupit ko ngayon ay above shoulder, at may konting side bangs ako. Nirebond ang buhok ko at kinulayan din ng ash blonde. Kaya medyo lumiwanag ang mukha ko kasi nakakaputi yung kulay. Natuwa naman ako sa nakita ko at medyo nakabawi-bawi ako sa pagkakaroon ng self-confidence. Atleast ngayon, alam ko totoo na pag sinabi ng mga tao na gumaganda ako.

Kumain kami pagkatapos namin sa salon at tulad ng sabi ko, ako lang talaga ang nagpaayos.

"Kumusta ang feeling te? Sabi sa'yo magpapasalamat ka sa akin eh."

"Oo na. Sana lang ikagaan ng buhay ko yung pagpapaayos ng buhok ko. Baka kasi mamaya makidnap ako sa sobrang ganda ko. HAHAHA."

"Yan ang confidence! 'Wag ka mag-alala. kung gusto mo makidnap, may isa pa tayong pupuntahan."

"San naman yon?"

"Basta. Kumain ka na diyan. Pagkatapos natin punta tayo don."

....

Hindi pa nakuntento si Aila at pagkatapos naming kumain ay nalaman ko kung ano yung tinutukoy niya na pupuntahan namin.

Pumasok kami sa isang department store at pumunta sa cosmetics section. At ieenrol ako ni Aila sa make-up lessons niya.

Pinili niya ako ng lipstick, blush on, foundation, pressed powder, eyeliner, mascara, at eye shadow.

Pagkatapos noon ay pinaupo niya ako sa isang high chair sa area ng isang make-up brand na may free make-up application.

"Since fast learner ka naman, papalagyan na lang kita ng make-up tapos gayahin mo na lang. Magppractice ka sa bahay okay?"
sabi ng fairy.

Ang galing din ng pagkakagawa nung make-up sakin dahil nawala yung mga dark spots ko. Tapos gumanda yung kilay ko, at lalong nakita yung tangos ng ilong ko. Ganito pala powers ng make-up. Manghang-mangha ako. 23 na ako pero ngayon ko lang naappreciate ang mga make-up. Naturingang babae pa naman. Well, 'di ko na kasi kailangan talaga niyan para mapansin ng mga tao. (evil laugh)

Naalala ko yung masungit na manager na pumuna ng mukha at buhok ko. Makikita niya!

....

Natuwa na naman si Aila sa kinahinatnan ng pag make-up sa'kin. Kulang na lang humalakhak siya at magpapapalakpak siya sa tuwa. Well, dapat ko nga talaga siyang pasalamatan, kasi kung 'di dahil sa kanya, di ko makikita ang gandang tinatago ni Darrah. HAHAHA.

Bilang thanksgiving offering, nilibre ko na lang si Aila ng kape bago kami umuwi.

Habang papalakad kami papuntang coffeeshop, pansin ko na halos lahat ng nakakasalubong namin na lalaki, natitingin sa amin. Pero nakikita ko talaga yung pupil nila sa mata sa akin nakatingin.

"OMG, HEADTURNER ka 'day!"
sabay hampas ni Aila sa braso ko.

"Lakas ng effect ng make-over ah. Baka mamaya may magpaautograph sa'kin bigla."
biro ko sa kanya, sabay tawa namin ng malakas.

.....

Nang makarating kami sa coffee shop, pinaorder ko na si Aila at humanap ako ng mauupuan. Pumwesto ako sa may tabi ng pader at malapit din sa may entrance.

Halos kada may papasok sa loob at magbubukas yung pinto, napapalingon ako. Nakaharap kasi yung upuan ko sa may pintuan. Nagulat na lang ako nung mapansin ko yung isang lalaki.

"Shet! Speaking of the devil! yung walangyang manager!"
nasabi ko sa sarili ko.

Mas nagulat ako nang kasama niya yung bata na nakalaro ko sa may playground. Dito din kaya sila nakatira malapit? Ibig sabihin siya yung sumundo sa bata na nakasasakyan?

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon