"Kung may narinig man po kayo na pinagsasasabi ko, kalimutan na lang po natin yun... sir." Sabi ko habang nag-aayos ng lamesa. Dumating na kasi un pinadeliver niya.
"How would I forget?" Natatawa niyang sabi. Langya, mukha na tuloy akong katawa-tawa sa kanya. Buti na lang talaga at hindi kami magkainterface sa work. "If what you mean is 'wag kong sasabihin sa iba, then don't worry."
Hay. Buti na lang. "Huwag mo mo din pong ikkwento sa iba na nagstay ka dito ah!" Dugtong ko.
"Okay, okay. I have no plans to tell anyone either." Huminto siya sa pagkain at itinuro ang kutsara sa akin. "And... wag mo kong i-p-po and tawaging sir. Okay?"
Natawa naman ako kasi para siyang bading. Matipunong bading. Luh. Tumango na lang ako.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Sabi ko naman. "Sa totoo lang tiningnan ko yung cellphone mo kagabi at wala naman akong nakitang message notification or missed call man lang. Kaya hindi ko din alam kung saan ka dadalhin kahapon, wala man lang tumatawag while on the way tayo dito sa apartment."
"Yun ba.. actually wala naman akong kasama sa bahay. Yung parents ko is nakatira sa ibang city." Kinuha niya yung phone niya at may mga pinindot, tapos iniharap sa akin. "Tingnan mo. This is how my inbox looks like."
Tiningnan ko naman habang subo ko yung kutsara at sinisipsip yung sukang sawsawan ng beef tapa. Nakita kong halos walang laman yun inbox niya. May ilang messages pero alam kong co-employee niya yun and work related yung message.
Naisip kong bigla yung batang kasama niya last time sa mall. Ang nakwento lang naman niya sa akin last time is pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Malay ko ba kung anong edad nung mga kapatid niya.
"Eh yung batang kasama mo last time nung nakita mo kami ng friend ko? Hindi mo kasama yun sa bahay? Yung mga kapatid mo? Saan sila nakatira?" Inubos ko na yung pagkain ko at uminom ng pineapple juice.
"Anak yun ng kuya ko. Yung kuya ko, may family na. Yun sister ko na bunso namin is still in college so dun pa din siya sa parents ko nakatira. Maybe you're thinking that was my child no?" Well, 50% true. Baka mamaya single siya.. single DAD. haha. Though he don't actually look like a married man, or a man with a child.
"Hmm. Not really. Pero malay ko ba.. possible naman kasi yun, kahit sinabi mong single ka. 27 ka na rin kasi at nasa marrying age na. At... baka sabihin mo kasing judgmental ako, kaya isshare ko na rin sa'yo na nakita ko din kasi yung batang yun sa park last time. Tapos may sumundo sa kanya na girl. Then nakita ko pumunta na sila sa sasakyan nun. Not sure nga lang kung ikaw yun nasa loob ng sasakyan or what." At narealize ko na parang wala namang connect yun sinabi ko para maisip na anak niya yun. Yung totoo? Ano ba, jinujustify ko lang ba or gumagawa ako ng paraan para magkaroon ako ng reason para maging off limits ang pagiging close sa kanya?
It seems so.
"Napaka-advance mong mag-isip ah. Okay, to be clear, Pamangkin ko yung bata. And the girl you were saying is pinsan niya yun sa mother side. And yes, ako yun sumundo sa kanila. They visited me that time with her father sa bahay ko." Naka-tilt yung mukha niyang nakatitig sa akin. "Hmm... So ikaw yung kausap nung pamangkin ko that time na balot na balot yung mukha?" Tumatawa na naman siya.
At bakit ko ba kasi sinabi? Nalaman niya tuloy ka weirduhan ko.
"Hmm. Oo, bakit? Sige okay lang na isipin mong weird ako, eh ikaw naman nakasumbrero na, nakashades pa. Anong difference nun?" Ganti ko sa kanya.
"This day is very special. I learned many things about you. Funny, weird, paranoid and mahilig magpredict ng mga bagay-bagay." Natapos na rin siya kumain at tumayo na din siya sa upuan.
Mabuti na lang at hindi ako naiilang sa kanya. At nawala na rin yung impression ko sa kanyang masungit at mayabang. Sa totoo lang, merong kakaibang feeling akong nararamdaman ngayong andito siya sa bahay. Feels like parang gumawa ako ng kasalanan, but since, wala naman pala siyang uuwian, at na-assure niya naman na wala siyang pagsasabihan tungkol dito, at tingin ko naman mapagkakatiwalaan siya, at wala naman ding magagalit sa akin, at ako lang din naman mag-isa dito, eh OK na siguro yun. Ang dami kong sinabi para majustify lang ang sitwasyon na ito at para maging GUILT-free. Langya.
This is what makes us very conscious of our actions, the judgmental society.
"Wait! Ako na ang maghuhugas!" Napansin ko kasing andun na siya sa lababo at akmang huhugasan niya na yun mga pinagkainan namin. "Nakakahiya naman na isang manager ang pag-hugasin ko ng pinggan." Natawa naman siya at tumabi na.
"I did want to repay you. May gusto ka bang bagay or gustong gawin or puntahan, or kainin?" Sumandal siya sa gilid ng counter at nagcross-arms habang nakatingin sa akin na naghuhugas ng plato.
CASH NA LANG. Joke. Ano nga ba? Actually yung mga ganitong long weekends, naiimagine ko yung sarili ko na nagttravel sa ibang lugar.. kasama ang special someone ko. Well... at dahil wala na akong special someone, nagsstay na lang ako sa bahay. Dahil yung mga kaibigan ko ay busy din. Hindi din kasi talaga ako palalabas, lalo na kung mag-isa lang naman ako. Nakakatamad din kasi. Maayos naman yung bahay ko at malinis kaya kahit magdamag akong humiga sa kama or maglaptop or manuod ng TV, kuntento na ako doon. Karaniwan isang araw ginugugol ko sa mga gawaing bahay, paglalaba, grocery, paglilinis ng bahay, pagtiklop at plantsa ng mga damit, halos isang araw na lahat yun. Kaya mabilis lang lumipas ang weekend sa akin.
Pero narerealize ko din minsan, ang boring na ng buhay ko.
"Wala ka bang plano this long weekend? Like nakaschedule na travel, or pupuntahang gatherings?" Mukhang parehas lang kami na tambay sa bahay pag walang pasok sa work ah.
"Actually, umaalis lang ako ng bahay if dadalaw ako sa parents ko or sa kuya ko. This weekend, wala akong naiplanong anything dahil naging busy din ako the whole week." Nung nakita niyang nililigpit ko na yung mga hinugasan kong plato, tumulong naman siya. "Wag kang mahiya, kung anong naiisip mo, sabihin mo. I'm willing to repay you sa abalang nagawa ko last midnight." Ulit niya.
Sa totoo lang, wala naman akong maisip na pagkain na kine-crave ko, at wala din akong trip puntahan. Pero may isa akong naisip kagabi... hindi ko sure kung masyadong malaking pabor ito pero sige na nga, sasabihin ko pa rin. Kung ayaw niya, okay lang naman.
"Hmm... pwede mo ba akong turuan mag-drive?" Tiningala ko siya para tingnan yung reaksyon niya.
Blangko yung mukha niya pero maya-maya, ngumiti din naman siya.
"Sure. Pero kailangan muna natin kunin sa office yun sasakyan ko." Inamoy niya yung collar ng polo niya. "At kailangang-kailangan ko na rin maligo."
Pumayag siyaaa! Matututo na akong mag-drive sa wakas!!!
"Sure kang tuturuan mo ako? Hindi ka natatakot magasgasan ang sasakyan mo? May tiwala ka talaga sa akin? Matututo ba ako ng isang araw lang?" Ang dami kong tanong. Pero sagutin nya sana.
"Hmm... Yes, No, Yes, and it depends kung gaano ka kabilis matuto." Ang bilis niyang sumagot. Tumingin naman siya sa relo niya. "It's already 10 AM. Samahan mo muna ako sa bahay ko then kunin natin yung sasakyan ko after." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Bigla ko kasing naisip...
Am I actually spending the day with this man? Malamang! nagpaturo ka mag-drive eh.

BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...