Dumiretso na kami sa office building niya at mabuti na lang kokonti ang mga sasakyan sa daan kaya hindi masyadong matagal ang byahe namin.
"Hintayin mo ako dito, ilalabas ko lang yung sasakyan, tapos convoy na lang tayo pabalik ng bahay." Sabi niya habang nagtatanggal ng seatbelt.
"Sigurado ka? Mas safe siguro kung uuwi na lang muna ito sa bahay niyo tapos taxi na lang papunta ulit dito." sagot ko sa kanya.
Nilingon niya naman ako at bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya.
"Alam kong sayang ang gas at pamasahe, kung gusto mo ako na lang magbabayad ng lahat ng gagastusin." Baka isipin niya na sobrang hassle na nga ganun pa sinusuggest ko.
"Well, pwedeng ikaw magbayad ng lahat ng iyon Darrah." Mabilis naman niyang sagot sa akin. "But...." huminto siya at tuluyang ini-unlock ang pintuan ng sasakyan. "How will you repay our time that would be wasted?"
Medyo napatahimik ako doon. He looked serious pero hindi katulad ng dati na maiinis ka or masisindak. He said it in a calm tone.
"Around 10 minutes, babalik ako." Sabay pasok sa office building namin.
Wala na akong nagawa kundi maghintay at magipon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili.
Maya-maya, sinubukan kong buksan yung radyo ng sasakyan para makinig ng mga kanta.
Nagulat na lang ako nung biglang tumugtog yung "'it must have been love".
"It must have been love, but it's over now.."
Pati ba naman radyo nananadya eh no. Pinihit pihit ko na lang yung tuner para maghanap ng ibang stasyon, nang may napansin ako na papalapit sa sasakyan.
TINTED NAMAN SIGURO YUNG SASAKYAN DI'BA???
Bakit andito na naman siya? Nakikita nya kaya ako sa loob?
Bigla na akong kinabahan.
Niyakap ko ang steering wheel at itinago ang mukha ko. Bago yon ay nakita kong nakatitig siya sa akin. Wala naman siya panigurado makikita sa loob ng sasakyan dahil gabi na. Sana napadaan lang tong hayup na 'to at hindi talaga ako napansin.
Hindi na sana ako gagalaw nang maalala kong binuksan ko nga pala yung ilaw kanina nung chineck ko sa bag ko yung cellphone ko. Shet.
Papatayin ko na sana yung ilaw kaya lang napansin kong nasa gilid na siya ng bintana. Nasa may side kung saan ako nakaupo.
Anong gagawin mo Darrah? Paandarin ko na lang kaya bigla 'tong sasakyan? No. Hindi nga pala ito sa akin.
Pinatay ko na lang ang ilaw kaya at nagpatay malisya na andyan siya sa may bintana.
Kaya lang... kumatok siya. Nakikita ko sa mata niya na nakikita niya ako. Hay. Of all times? Dito pa talaga? Saka kung kailan niya lang ulit ako nakita saka lang siya lalapit? He has all means of communication. Ano pang plano mo ha? Ay. Oo nga pala. Nakablock na siya sa facebook ko. At wala na rin kaming cellphone number ng isa't-isa. But then, that's not an excuse to reach out to a person. Maraming means.
Hindi siya natitinag sa kinatatayuan niya kaya ibinaba ko na ang bintana. Hindi naman ako nagkakamali sa nakikita ko at siya nga ang nakatayo sa gilid ng sasakyan.
"P-pwede ba tayong mag-usap?" Tinititigan ko siya ng masama habang nakatingin siya sa akin.
"Anong kailangan mo? Ha? Para saan?" Para saan pa? Ano gusto mo friends ulit tayo ganon? Hindi naman ako papayag sa ganon.
BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...