....
COMPOSURE DARRAH! Alam kong nagbblush na ako. Buti na lang at madilim kaya hindi nila mahahalata.
Naghiyawan yung mga tao sa loob ng room at nagpalakpakan pa. Parang nawala ata yung tama ng mga lalaki at panay sabi na pang-banda ang boses niya. Nasulyapan ko yung mga babae na nakatitig na rin sa kanya at syempre, crush na nila non si Andre. Obvious naman, nagbubulungan pa nga sila at naghahagikgikan.
Ako naman, dahil hindi ko inaasahan na ganitong magkakaemosyon ulit ako, nagpaalam akong mag-CCR.
"Sir CR lang po ako." Hindi ko alam kung saan na ako nakaharap pero basta, paalam ko na yon sa supervisor ko at kay Andre.
Bago pa man sumagot yun supervisor ko eh naunahan na siya ni Andre. "Bumalik ka din dito ah." Sabay turo sa tabi niya.
Tumango na lang ako at umalis. Halos mapatakbo ako sa CR. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Parang nabingi ako sa narinig ko kanina. Or should I say, nalunod sa magandang boses niya. Lalo na at katabi ko pa siya. Tiningnan ko ang mukha ko at ayun, namumula nga.
What did I just feel? Fack this shit. Sabi ko sa sarili ko, wag nang magkakacrush ulit. Istorbo lang yun sa buhay. At alam kong nagset na ako ng standards kung sakali mang ma-fall akong muli.
"Kailangan kong makaisip nang paraan para makaalis na. Baka mamaya mapansin pa niyang nagbblush ako at baka kung ano pang gawin sa akin nun." Assuming ko no? Pero kahit na sinabi ko yun, hindi ko pa rin magawang maimagine na may gagawin siyang masama. Sa akin or kahit na sino. He seemed to be serious in life and hindi yung tipo niya ang magloloko sa buhay.
Mga ilang minuto din ang itinagal ko doon at naalala kong gabi na nga pala, kaya bumalik na ako pagkatapos kong ayusin ang sarili.
Nagulat ako noong pagbukas ko ng pinto eh nakaslouch na si Andre. Andun pa rin siya sa pwesto niya kanina. He seemed to be drunk. I mean lasing na siya. Sa posisyon niya eh alam kong konti na lang makakatulog na siya.
Pumunta muna ako sa pinakauna kong pwesto kanina nung dumating kami sa room. Kinuha ko na ang bag ko at bumalik sa pwesto ng supervisor ko at ni Andre. The crowd in the room is still the same. Madami pa rin kasing dumadating na drinks at pulutan.
"Sir, talagang aalis na po ako. Maiwan ko na po kayo." Sabi ko habang hawak ang strap ng body bag kong maliit.
"Magtataxi ka na lang ba?" Sabi nung supervisor ko.
"Opo, meron naman pong mga taxi app para safe yun masakyan." Sagot ko sa kanya.
Maya-maya ay may humawak sa wrist ko. Si Andre yun at hinila ako sa tabi niya. Hindi naman malakas yung pagkakahila at nakaupo naman ako ng maayos dahil medyo maluwag na yung tabi niya.
"I'll drive you home." Whaaat? Anong pinagsasasabi mo diyan?
"Mukhang close kayo ni Sir Andre ah. Magkakilala na ba kayo dati?" Sabi ng supervisor ko at alam kong mas lasing siya ngayon kesa kanina.
"Ahhm, sir, nakita niyo naman po kung paano niya ako pinahiya nung meeting di ba?" Bulong kong sabi. "Sa totoo lang, same po kami ng village nalaman lang namin nitong nakaraan. Pero hindi po talaga kami ganun ka close."
Tatango-tango na lang yun supervisor ko at mukhang hindi naman niya ako naintindihan. Buti na lang. Tama yan, wala siyang maaalala sa sinabi ko, at mga nakita mo.
Maya-maya lang ay naramdaman kong dumantay sa balikat ko ang ulo ni Andre. Buti at hindi naman kami napapansin ng mga tao sa room dahil may kumakanta at may kanya kanya silang kwentuhan.
"Huy! Tulog ka na? Gumising dyan! Huy!" Sabi ko sa kanya ng mahina habang pilit ko siyang nililingon. Hindi na ako nagfilter ng language dahil wala na din naman sa wisyo mga tao dito.
Ngayon ko lang ulit naramdaman na may dumantay sa balikat ko. Naweirduhan ako sa feeling pero napangiti na lang ako. Cute kasi kung iisipin mo na yung lalaki yung dumadantay sa balikat ng babae. It makes them look like an innocent child. Karaniwan kasi is yung babae yung nakadantay yung ulo sa lalaki.
Hinayaan ko na muna siya sa ganuong posisyon ng mga ilang minuto. Alam kong anong oras na. Inaantok na rin ako. Nagdadasal na lang akong sana makauwi akong safe mamaya. Seriously, I'm 23 already pero sobrang takot akong umuwi ng gabi na.
...
Namalayan ko na lang na isa-isa nang umoonti ang tao sa room.
"Shit." Nasabi ko nang marealize na nakatulog din pala ako! Pakingshet!!!
Wait, anong oras na? Tumingin ako sa relo ko and it's almost 12 midnight!!! What the fack. 12 midnight!!!?? Never pa akong umuwi nang ganoon ka late sa buhay ko nang wala akong kasabay umuwi!!!
Napansin kong nakadantay pa din ang ulo ni Andre sa akin at nakasandal ako sa pader. Kita ko lang ang ilong nyang matangos sa view ko.
"Huy, gising na, takte, anong oras na, nakatulog na ako dito, hindi ko alam kung paano ako uuwi! Gising, gising!" Pabulong kong sabi habang tinataas-taas ang balikat ko para umalog ang ulo niya. Baka sakaling magising.
Pero hindi eh, tulog mantika. Parang nakaglue yung ulo niya sa balikat ko.
Hindi ko naisip na nalalasing pala siya. Ang impression ko sa kanya eh isa siyang matinong tao na hindi nakikipaginuman. Well, maybe kaya nga siya nalasing is hindi siya sanay. At kung sa ganitong state naman masasabing lasing siya eh, grabe naman, napakaelegante naman niyang malasing. Napakatahimik. Napakacool. At bakit ko ba siya dinedescribe pa. Isipin mo kung paano ka makakauwi Darrah!
"Paano si sir Andre? Makakapagdrive pa kaya yan?" sabi nung isang lalaki na mukhang galing sa department nila.
"Ma'am, magkakilala po ba kayo ni sir?" Sabi naman nung isa.
"Uhh, oo. Pano pala siya uuwi? Paano siya makakapagdrive? May makakapaghatid ba sa inyo sa bahay nila?" Tanong ko naman sa kanila.
"Ayy ma'am, sabi po pala ni Sir, sabay po sila nung Darrah, kilala niyo po kung sino yun?" sagot nung lalaking nagtanong sa akin.
"Hindi po kasi namin alam kung saan siya nakatira. Baka po pwedeng sunduin siya nung Darrah, baka girlfriend nya po yun. Kasi nakailang beses niya din nabanggit nung tinanong namin siya kung paano siya uuwi bago pa siya makatulog." Dugtong pa niya.
"Anong sabay? Putik ka! Hindi ko alam bahay mo!" Taeng to. Pinagstay na nga niya ako ng matagal dito nang wala naman kaming pinag-uusapan tapos ako pa maghahatid sa bahay nilang hindi ko alam kung saan? At isa pa, hindi ako marunong magdrive! nakngtokwa!
At saka anong girlfriend kayo diyan??!
Seriously, bakit mo bang nababanggit ang pangalan ko, Mr. Andre? Napalingon ako sa ulo sa balikat ko.
Bago ko sila sinagot, nagpakawala muna ako ng isang super lalim na buntong hinga.
"I-i'm Darrah." What would I do with you, Mister?!

BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...