"Totoo? Dalawa sasakyan mo? ang yamaaaan!!!" Sumakay naman na ako at pagtingin ko sa loob, mukhang bagong bago pa yun sasakyan. maalikabok lang talaga yun labas.
"Matagal ko nang hindi nagagamit 'to. This was my first car." Sabi naman niya.
"Parang nakakahiya tuloy sumama sa'yo, feeling ko ang yaman-yaman mo sir." Iniikot ko pa ang paningin ko sa loob ng sasakyan niya. "Kailan mo binili 'to? Mukhang bagong-bago pa ah. Parang hindi naman--"
Nagulat na lang ako nung bigla siyang lumapit sa side ko at hinawakan yung side ng upuan malapit sa kanang balikat ko.
At ang lapit ng mukha niya sa akin.
Wag mong sabihing....
"Seatbelt. Before anything else." At kinuha niya nga yun seatbelt at iniayos sa akin.
"Whoah, napatigil akong huminga dun ah."
"Are you blushing?" Tinitigan niya ako habang nakahawak siya s steering wheel.
"H-hindi ah. S-sige na, magdrive ka na." tumingin na lang ako sa kabilang side para hindi ako mahalata.
"Cute." Mahina niyang sabi pero narinig ko iyon. Sumulyap naman ako sa kanya saglit at nakita ko siyang nakangiti.
What did he just say?? And what did I just feel?? Magddrive lang Darrah, tuturuan ka lang mag-drive. Don't use your feelings.
Don't you ever spill it again.
.....
Pumunta kami sa isang sikat na university na may malaking campus para sa driving session. Saturday ngayon at saktong holiday sa city kung saan andun yun university kaya walang pasok ang mga estudyante. Karamihan mga nagjojogging lang at nagb-bike ang makikita sa daan.
Huminto kami sa isang tabi na walang tao.
"Okay, let's switch seats." Sabi niya sabay tanggal ng seatbelt at mabilis na lumabas ng sasakyan.
Ako naman medyo kabado at dahan-dahan kong tinanggal ang seatbelt. Siya naman na ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Sumakay na ako sa driver's seat at nagsuot ng seatbelt. Siniguro kong hindi ako nakahawak sa steering wheel at nakalapat lang ang paa ko sa sahig ng sasakyan.
"Kinakabahan ka ba?" Tumingin siya sa relo niya at tumitig ulit sa akin. His face wears a half-smile.
"Uhmm. Medyo." Sagot ko. Shit. Kaya ko ba talaga. Itong taong 'to, ganun na lang kabilis ipinagkatiwala sa akin ang sasakyan niya. Baka mamaya mabundol ko ito o ano, wala akong pambayad no!
"Okay, 'wag kang kabahan. Tuturuan muna kitang mag-start ng sasakyan. Okay?"
Mukha na yata akong nagpapanic sa paningin nya. Kaya para matigil na ang pagpapanic ko, tinanong ko na lang siya para sigurado...
"Meron namang insurance 'tong sasakyan mo 'noh?"
Humalakhak na naman siya. Hay. Nagmumukha na yata akong katawa-tawa at this moment.
"Yes. Meron 'tong insurance. Kaya relax lang okay? And isa pa, I trust you. Okay?" Sabay titig sa'kin for about 10 seconds.
And those last words calms my soul at that moment.
.....................
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakailang ikot na ako sa university campus. At kaya ko na ring pumasok sa mga masisikip at pasikot sikot na daan. Halos maggagabi na rin nang matapos ang driving lesson ko kay Mr. Manager. In fairness mabilis din akong natuto kasi magaling din siya magturo. Kalmado lang siya the whole time at kahit minsan nagkakamali ako at muntik ko nang maisagi sa kung saan yung sasakyan niya, hindi siya nagagalit at hindi ko nararamdaman yung pagkadisappoint niya. In short, sobrang cool niya lang. At ngayon, ako na yung nagddrive ng sasakyan papunta sa kakainan namin ng dinner.
"You can already own a car, marunong ka na agad magdrive oh." Sabi niya sa akin habang nakatingin lang siya sa may bintana.
"Paano naman ako magkakaroon ng sasakyan kung hindi ko afford. Haha." Pabiro kong sinabi sa kanya.
"Para namang hindi ko alam ang pay range ng mga team lead sa company natin, Ms. Darrah." Whoah. Is this guy mocking me? Haha. But I know he's just joking.
"Actually sir, can afford ko naman ang monthly amortization and even the downpayment amount with my savings, but then, hindi ko lang talaga priority bumili ng sasakyan, lalo na mag-isa lang naman ako namumuhay. Magastos sa parking, gas at iba pa. Mabuti sana kung may kahati ako and if madaming sasakay sa sasakyan na bibilhin ko." Sinabi ko na lang yung kung anong nasasaisip ko talaga. I want him to know what kind of person I am as well.
"Eh bakit ka nagpaturo magdrive?" tanong niya. Bakit, bawal ba? HAHA. Oo nga noh, bakit nga ba?
"Hmm, dagdag skills? Or in case of emergency?" Emergency like yung nangyari kahapon.
"Well, it looks cool sa mga girls na marunong sila magdrive. Lakas makadagdag ng appeal."
So you're rooting for a girl na marunong magdrive huh? Buti na lang nagpaturo ako. HUH? Wait. Ano 'tong pinagsasabi ko?
No comment na lang ako. Mamaya kung sabihin ko pa 'yon magmukha pa akong uhh. aggressive? Wait. Aggressive san? Shut up na Darrah, focus na lang sa kalsada.
Dumating na kami doon sa lugar na gusto niyang kainan namin for dinner. Isang seafood restaurant iyon at naamaze din ako kasi kaya ko na ring mag parallel parking.
Maayos naman kaming kumain and he even paid for the food. Kahit na anong pilit ko, naunahan pa rin niya akong magbayad. Medyo nakakahiya na rin, pero tingin ko kung irerepay ko ang favor, baka hindi lang matapos. Hinayaan ko na lang siya nung time na iyon.
Ako pa din ang pinagdrive niya ng sasakyan niya kahit pabalik na kami enjoy naman ako dahil nasusulit ko yun time ko para mahasa yun driving skills ko, lalo na kung wala naman akong sariling sasakyan.
"Nakakatuwang ang bilis mong matuto. Dahil diyan, ikaw na lang mag-uwi nito sa parking."
"Ano daw? Ako mag-uuwi nito? Bakit?" Sagot ko sa kanya.
"Kasi 'di ba naiwan ko yun sasakyan ko sa office?" Oo nga pala. Naiwan niya yun Ecosport niya sa office building namin.
"Seryoso ka?" Kinabahan ako sa sinabi niya. "Hindi pa ako ganun kaconfident na maiuuwi ko 'to sa bahay niyo." Medyo malakas lang ang loob ko kasi kasama ko siya sa loob ng sasakyan. Pero kung mag-isa ako, hindi ako sigurado.
"Kaya mo yan. Trust yourself as I have trusted you." Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa akin. Nakahinto kami dahil sa stop light at para ring tumigil ang mundo ko.
It's like as if every words that came from his mouth sounds like a music to me.
BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...