Ilang taon ka na?

33 0 0
                                    

Medyo napahinto ako dun at nanlaki ang mata ko. Anu daw?? Manager?!? MANAGER??!?! Yang sunget na maangas na yan?? Eh kaya pala maangas, manager naman pala siya. Kaya may lakas ng loob na makipagsagutan sa mabait kong manager.

Tumayo na si angas boy at naglakad papuntang unahan. Napakatikas nya maglakad at hindi maikakaila na Business professional nga siya. Nakasemi-mohawk na haircut siya at balbas sarado din. Lamang pa siya ng tatlong paligo sakin. Teka, bakit ko ba siya dinedescribe?!

Sa mga nakaraang division meetings hindi ko naman siya nakitang magpresent. Hindi ko din sigurado kung nandoon siya o ngayon lang talaga siya pumasok sa kumpanya. Whatever.

Nagsalita naman na siya at syempre ang diniscuss niya ay tungkol sa business analytics. Blah blah blah.. At natapos din ang pagsasalita niya. Masasabi kong magkasing galing lang kami magpresent. Well, lamang lang siya sa'kin dahil sa linsyak na pormahan na yan. At maswerte siya dahil walang naginterrupt sa whole presentation niya. Kaya smooth ang whole 20 minutes of reporting. Dapat nagtaas din ako kanina ng kamay eh. 'Sir, pwede po bang tapusin mo na nang makauwi na kami?' Naiimagine ko yung killer eyes niya. HAHAHAHA. BUSET.

Muntik na kong mapapalakpak nang bumaba na siya sa platform para bumalik sa upuan niya. 5:10 na. Bayaran mo yung overtime ko sunget!!

Tumayo na ang kanina pang nagiintroduce sa mga nagppresent para magconclude ng meeting.

Nakita kong umupo na sa upuan niya yung lalakeng masunget. Kung malapit kami sa kanto ng lamesa, siya naman nasa may bandang gitna ng kaparehas naming side. Kaya medyo hindi ko siya pansin. Ang nakikita ko lang kanina eh yung presentors at ang mga nakaupo sa  opposite na lamesa.

Napapaisip ako. Ilang taon na kaya 'tong lalakeng to? Mukang wala pa siyang 30 eh. Ang galing naman niya kung naging manager na agad siya before 30. Iilan lang ang nakilala kong managers na under 30 yung edad. Karaniwan eh mga 26 to 29 years old, supervisory level lang ang maabot mo.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa manager ko. Siya kasi 40 years old siya naging manager. May mga tumutubo na din sa kanyang mga puting buhok. Alam kaya niya na manager din yung Andre?

"Sir, matagal niyo na pong kilala yung manager ng BI?"
BI stands for Business Intelligence.

"Parang last year yata siya napromote. Nagkaroon na kami ng meeting last time kasama siya."

Hindi na ko nagtanong pagkatapos non dahil baka mapansin pa kami ng manager ko na nag-uusap.

Pero ang dami ko pang gustong itanong. Ilang taon na siya? Cum laude ba yan? Kelan yan pumasok sa kumpanya natin?
Anong dahilan bakit siya napromote? Bakit ang angas niya? Bakit ang lakas niya makapuna? May girlfriend na ba siya? LOL. Anong tanung yun?? Erase. Erase.

Syempre hindi ko na kinulit pa yung manager ko. Mamaya mapagkamalan pa kong may interest sa kanya.

Nagpalakpakan naman ang lahat nang sinabing tapos na yung meeting.

Tumayo na ako at ang iba pang mga tao at naunang makalabas sa double door ng kwarto ang mga nakaupo sa lamesa na malapit sa side ng pintuan. Saglit lang din at nakalabas na din kami ng manager at supervisor ko. Nagpaalam ako na mauna na silang bumalik sa department at pupunta muna akong CR. Tatlong oras ko din pinigil ang ihi ko dahil sa linsyak na meeting na yan. Yun ang ayaw ko sa mga meeting. Hindi naman pinagbabawal na lumabas ng room pero kung bigla kang tatayo at lalabas ng pintuan, masyadong obvious at agaw atensyon. Kaya pipigilin mo na lang na 'wag lumabas, kesa tumingala sa'yo ang mga tao at sundan ka ng tingin habang lumalabas ka. Langya.

Halos tumakbo ako papuntang CR at pagkatapos kong maghugas ng kamay, nag-ayos ako ng konti. Kinuha ko ang facial tissue sa may malapit sa salamin ng CR at pinahid sa mukha ko. Syempre, nakaharap ako sa salamin kaya hindi ko maiwasang mapansin ang nangingitim kong mukha. Watdaheck. Ang panget mo ah, Darrah. Hindi naman sa sobrang itim ko, pero nung college ako eh na-achieve ko na yung malinis at maliwanag na mukha. Masipag kasi ako sa beauty regimen ko dati. Nagpapa-facial ako once every two-months. Naglalagay ako ng facial wash, cleanser, toner, cream. Umaga, gabi. Araw-araw. Walang mintis. Nahinto lang naman ang pagpapaganda ko nung.. Hay nako, 'wag na nating ituloy. Lalabas na naman ang kabitteran sa katawan ko.

...

Sige na nga ikkwento ko na!! The fack.
Nahinto lang yun nung maghiwalay kami ng napakawalang kwentang lalakeng napanaginipan ko. Nawalan ako ng ganang mag-ayos sa sarili. Yung facial wash, cleanser, toner, at cream, naging Safeguard na lang. Minsan nga Perla pa ang ginagamit ko sa panghilamos sa mukha. Kung anong makita ko na nasa banyo, yun ang panghihilamos ko. Naging busy ako sa trabaho at sa ibang bagay.

Mausok din sa Maynila kaya hindi maiwasan na bumalik sa dating kulay ang dating maliwanag kong mukha. Minsan nagkakaron pa nga ako ng pimples at nagiiwan yun ng darkspots. Tulad ngayon. May darkspot ako sa may noo. Buti hindi ganun halata. Naiinis ako sa nakikita ko sa salamin. Pagkatapos kong magpunas ng mukha ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay. Isa pa 'tong walangyang buhok na to. Lagpas isang taon na nung nagparebond ako at kahit na medyo maayos pa naman siyang tingnan, hindi na siya ganun kasigla, dry na siya ngayon.

Lumabas na ako ng banyo at baka maiyak pa ako dahil sa dami ng napupuna ko sa sarili ko.

Pagkalabas ko ay naglakad ako papuntang elevator at pinindot ang number ng floor namin. Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may mga message ba ako. May humabol na tao bago sumara ang elevator pero hindi ko na pinansin. Nakasandal ako sa may gilid at malapit ako sa pindutan ng mga floors. Habang busy sa pagpipindot ng cellphone napansin kong dumaan ang isang kamay sa harap ko at pumindot ng floor. Masyado naman kasi akong malapit sa mga button kaya nagulat ako nang sumulpot yung kamay. Napalingon tuloy ako dun sa tao.

Mas lalo akong nagulat sa nakita ko. SI BOY SUNGET. WTH.

Mabilis kong binawi ang pagtingin ko. Nagka-eye to eye contact kami, mga 2.5 seconds. Langya tangkad pala neto?? Nasabi ko yun kasi ang laki ng angle ng pagkakatingala ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakasandal ko sa pader ng elevator at umayos naman ako ng tayo. Mahirap na. Baka mamaya may mapuna pa sa'kin 'tong mokong na 'to, na kesyo ang lousy ng posture ko, blah blah blah.

7 floors pa ang lalakbayin bago makadating sa floor namin. 5 floors naman ang pagitan namin at mauuna akong bumaba. OMG. Ano gagawin ko 'pag pababa na ako, magpapaalam ba ako sa kanya? O basta-basta na lang ako lalabas. Since galing kami sa iisang meeting, expected na kilala na namin ang isa't-isa. And as a common courtesy, dapat iacknowledge mo na kilala mo na yung tao. Eh ano sasabihin ko? "Una na po 'ko sir.." tapos sasabihin niya, "'Wag, bata ka pa.." Nye, nye.. Sana nauna na lang siya. Whatever. Hindi na lang ako magsasalita. Kunwari nagka-amnesia ako at nakalimutan ko nang pinahiya niya ako kanina. Yumuko na lang ako at kunwaring tumingin sa cellphone ko.

Hindi man lang siya magsasabi tungkol sa incident kanina? Matapos niyang manginterrupt ng report nng may report?
Well, anong ieexpect ko. Manager yan teh. Bakit naman niya iaacknowledge yung ginawa niyang pamamahiya sa'yo. Eh alam niyang employee ka lang. Excuse me, correction! Team leader na po ako. And I lead a group of 7 persons. At mabilis ang naging promotion ko sa kumpanya. Eh siya, ilang tao ba hawak niya? Baka tatlo lang? HAHAHA. Kung tutuusin kaya ko ding maging manager---~

"How old are you?"

Sino yun? Siya ba nagsalita? Ako ba kausap niya? Tiningala ko ang ulo ko at lumingon sa likuran. Nakasandal siya at naka-cross arm. AT NAKATINGIN SAKEN. Ano bang meron sa tingin na yan? Bunutin ko pilikmata mo eh. ANG GANDA KASI. Huwaaat?? Anong sabi ko?? Hindi ko siya pinuri. Dinescribe ko lang siya.

"23 years old po sir." sinagot ko naman nang malumanay at hindi na siya sumagot pagkatapos nun. Bumalik na ang tingin ko sa may button ng elevator at tumingin kung anong floor na. 3 floors pa.

5.4312 seconds of silence...
Awkwarrrrrddd.

Tingggg! Finally floor na namin. Makakalabas na ko! Nilingon ko naman siya at sinubukang magpaalam.

Pero bago bumuka ang bibig ko nauna na siyang magsalita.

"You should try getting a haircut and learn to put some make-up on your face."

Isang malaking awkwardness at delayed response ang nasabi ko. Muntik na kong masaraduhan ng pintuan ng elevator bago ako makasagot ng "Okay sir, thank you." with pilit na ngiti.

WATDAHECK. DUMADAMI ATA ANG CRITIC KO NGAYON?? ANONG PROBLEMA NIYO SA ITSURA KOOOOOO??!

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon