Joseph the Dreamer?

37 0 0
                                    

Dumating ako ng apartment at binuksan ang ilaw. Ako lang ang nakatira mag-isa dun. Isang studio type apartment ang tinitirhan ko. Dati magkasama kami ng ate ko pero ngangibang bansa siya kaya ako na lang naiwan dito. Sa susunod na taon ay kasama ko na ang kapatid ko dahil mag-ccollege na siya. Malayo ang probinsya namin kaya kumuha ng apartment kami dito sa Maynila. Isang rent to own ang kinuha ng ate ko at alam ko ilang taon na lang eh matatapos na ang paghulog niya dito. Pinundar nila 'to ng boyfriend niya para sa magiging pamilya nila. Ikakasal na rin kasi siya 2 years from now. At 2 years from now, kailangan lumayas na ko dito sa bahay at nakakahiya naman kung makikitira pa ako sa kanila. Kaya kailangan ko na rin magpundar. Sila na may forever. Hmmmp. Masaya naman ako para sa ate ko dahil suportado niya ako sa lahat ng bagay. Mula pagkabata hanggang sa pagkadalaga, alaga niya ako. Siya ang tinuturing kong bestfriend ko. Kilala niya ang lahat ng kaibigan ko at galit din siya sa lahat ng kaaway ko. So alam niyo na. Galit din siya kay ********. Puro ****** dahil sin-sored ang pangalan nun. Isang malaking kasalanan ang banggitin ko ang pangalan niya. Naknang. Sobra na exposure. Baka masira na yung "*" key sa keyboard ko.

....

Naghanda na ako ng makakain ko para sa hapunan. kumuha lang ako ng lettuce, kamatis, itlog na pula, at keso sa ref. Nilagay ko sa malalim na bowl pagkatapos kong hiwa-hiwain at hinalo-halo ko. Nilagyan ko ng konting mayonaisse at binuksan yung maliit na lata ng tuna, at ngumuya na ako. Ang sarapp!! Yea. Mahilig ako sa salad. Para akong kambing dahil mahilig ako sa lettuce. 

Matapos kong kumain, naghugas na ako ng pinagkainan at magsha-shower na para maaga magpahinga. Maya-maya, tumunog ang cellphone ko.

"Punta ka SB. Dito si Kyle. Dalian mo girl, nang maaga tayo makauwi."

Si Aila ang nagtext. College friend ko. Kung ako trash talker, siya naman mataray. Kay 'pag may nang-away o nangoffend sa'kin, ihaharap ko lang siya at aalis na sila.

Nagreply naman ako sa'kanya.

"Anong meron? Sige punta ko. Ayusin niyo ah."

Nagtuloy na ako sa shower at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng shorts at flipflops. Mahilig ako sa high heels kahit na ang laki ko nang babae. At syempre may suot din ako pang itaas no. Maluwag na damit ang suot ko. Sleeveless na may tube sa loob. Kinuha ko lang ang wallet ko, ibinulsa ang cellphone at panyo, at umalis na.

Pagdating ko sa Starbucks na malapit lang sa building ng apartment unit na tinutuluyan ko, andun na ang dalawa. Ano na naman kayang topic ngayon?? Usually kasi naggagathering kami 'pag merong isang may issue sa'min sa buhay. Wala akong balita sa kanila masyado. Ako na naman ba ang may issue dito??! Luhhhh. 'Wag mong sabihing nalaman nila yung awkward moment ko kanina? O baka mutual friend nila yung masungit na mohawk na yun? Bakit ba siya iniisip ko?? Crush mo Darrah noh...? Aminin!!! Luhhhhhh.. HELL NO. I don't want rude people.

Nagtatawanan ang dalawa at napansin naman nila ang pagdating ko.

"Kumusta mga walangya kong kaibigan? Anong meron?"
sabi ko sa kanila.

"Umorder ka muna girl. Hahaha. Excited ka masyado."
sabi ni Aila.

"K Dot. Mga walangya."
pumasok na ako para umorder ng paborito kong green tea frappe.

Bumalik naman ako agad dahil konti lang ang umoorder. Nang umupo ako, nagtanong agad si Kyle.

"Nagtitingin ka pa ba sa newsfeed ng Facebook mo?"

"Hindi na. Scroll scroll na lang. At baket??? Ano, pag-uusapan na naman natin ang linsyak na lovelife ko???"

Tumawa si Kyle at Aila.

"Well, you should try to check it. Yun ay kung curious ka."

Kainis. Intimidating talaga 'tong matandang budoy na to. Nagtrabaho sa callcenter dati kaya pa-english english pa. Si Kyle ay mas matanda sa'min nang ilang taon at lalaki siya. Kung si Aila mataray, ako trash talker, siya naman bully. Bagay kaming tatlo magkakasama.

Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon