Nagulat siya sa ginawa ko pero sumunod naman siya at sinabayan akong maglakad. Mabuti na lang at wala siyang sinasabi habang nakakailang hakbang na kami. Siguro ay hindi niya alam ang sasabihin.
Nakatingin ako ng diretso nang hindi bumibitaw sa braso ni Andre at nung saktong malapit na kaming magkabungguan ng pinakakinaiinisan kong tao sa buhay ko, malakas kong sinabi...
"Anong gusto mo, take-out na lang natin yung coffee?" Inipon ko ang lahat ng lakas ko para magmukhang malambing at hindi mahalatang nanginginig ang boses ko.
Alam kong napahinto yung grupo ng tao sa harap namin. At nagtagpo ang aming mga mata. Halatang nagulat siya sa nakita niya. Kilala ako ng mga office mate niya at sila ay nagulat din.
Huminto ako sandali, mga 5 seconds ko siyang tiningnan sa mata nya ng pinakanakakamatay na killer eye ko at nagumpisa na akong maglakad. Hindi ako bumibitaw sa braso ni Andre at buti na lang ay hindi siya pumipiglas at nagsasalita. Nagpapasalamat ako at nakisama ang katahimikan niya kahit alam kong confused siya.
At tuluyan kaming nakapasok sa coffee shop ni Mr. Manager. Bago pumasok ay nakita ko sa peripheral view ko na nakahinto silang lahat at nakita ko pa siyang nakatingin sa direksyon ko.
....
Agad akong humanap ng mauupuan at sumunod naman si Andre.
Sobrang lalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nakahawak pa ako sa dibdib ko at feeling ko aatakihin ako sa puso.
"What was that?" Nagsalita na rin si Manager. This time, nakakunot ang noo niya.
"Sorry. Pasensya na." Tinakpan ko ng panyo ang buong mukha ko. Hindi ako umiyak. Sadyang hindi ko lang talaga alam ang sasabihin sa kanya. Alangan naman ikwento ko lahat sa kanya and in the end malalaman lang niya na I was cheated by that stupid shit? NO WAY.
"Mag-oorder na muna ako. Anong gusto mo and anong size?" Hinarap ko siya at tumayo na rin ako para makabili na at para makauwi na kami at para matapos na ang araw na ito.
"Peppermint mocha frappe, venti." Natuwa naman ako dahil nakisama siya sa sitwasyon na iyon at hindi na nag-usisa pa.
Bumalik ako dala ang frappe naming dalawa. Naupo naman ako at nilapag sa table ang dala ko.
"So... would you bother to explain, Ms. Darrah?" Nakadekwatro siyang nakaupo at kinuha ang frappe niya.
GUSTO KONG MAGFACE PALM. Shet. Should I be honest with him?
Of course! Eh di wala na rin akong pinagkaiba sa cheater na yun kung magsisinungaling din ako at magiimbento ng istorya. Lying is not my thing.
....
"So, bitter ka pala hanggang ngayon." sinabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin nang walang emosyon. Is this real? He's not even a friend pero kinuwento ko sa kanya ang bitter kong love story.
"No comment." Hindi ko magawang magtaray or magsungit dahil kakahingi ko lang ng sorry sa ginawa ko kanina. At isa pa, hindi maaalis sa isip ko na he's older than me. And isa siyang manager, while I'm way lower than his career level.
Nagkibit balikat na lang siya at inaya na akong umalis. Buti na lang at mukhang hindi big deal sa kanya iyong ginawa ko. Nag-offer siyang ihatid naman ako sa apartment at pumayag naman ako dahil on the way naman daw papunta sa bahay nila yung tinutuluyan ko.
"Thank you sa dinner. Ingat pag-uwi." He just waved and itinaas niya na muli ang bintana ng sasakyan niya. Hindi na ako nagpahatid sa mismong unit dahil hindi naman kasi siya nag-offer. HAHAHA. Feeling na naman ako. Atleast panandalian kong nakalimutan na nastress ako kanina sa nakasalubong ko.

BINABASA MO ANG
Bitterella Cinderella
RomanceShe was bitter. She thought she wouldn't love anymore. Until she find someone who catches her heart. But then when that time came, her old love came back. Will she be willing to stick with her first love until the end? Or will she be embracing the c...