Drinks Jinx

4 0 0
                                        


Oo. Napilitan akong sumama sa after party dahil sa napilit na din ako ng mga kateam ko. Mas kumonti ang tao ngayon at nasa isang videoke room kami. Mga lagpas kalahati na lang yata ang naiwan. Yung mga lalake kahit galing sa iba-ibang team eh madaling nagkasama-sama at kala mo magkakatropa na agad. Yung mga babae naman eh.. Wait, ilan na lang ba kaming babae? Nasa anim or pito? Tatlo kaming babae galing sa department namin at buti na lang kilala ko sila at nakakausap. Otherwse, mapipilitan akong makisama sa iba or makipagkwentuhan sa supervisor ko. Ano namang mapagkukuwentuhan namin di ba?

Pangatlong serve na sa room namin ng cocktails at kumukuha naman ako every time na dumadaan yun waiter na may dalang tray. Hindi naman ako tinatamaan dahil cocktails lang yun. Though, hindi naman talaga ako usually umiinom. Madalas eh yung mga 5% alcoholic drinks lang ang iniinom ko. Minsan beer.. root beer.  

Medyo nabobore na ako kaya lumabas muna ako para mag-CR nang makaramdam akong medyo nahilo ako.Dinala ko na rin yun pouch ko na may lamang powder at kung anu-ano pang make up na binili ni Aila noon para sa akin. Alam kong dapat hindi na ako uminom pa. Bukod sa mga cocktails ay nakainom din ako ng iba-ibang wine. Nacurious lang ako sa lasa pero nakakatama din pala yun mga konting amount lang, malamang dahil sa nagkahalo-halo na ang ininom ko.  

Pagpasok ko sa CR, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Infairness, nakakasanayan ko na ang maglagay ng make-up at magretouch. Nagiging parte na siya ng buhay ko. At natuwa naman ako na makita ko yung sarili ko na may pinagbago yung itsura. Gumanda naman ako ng mga 10% from the original. LOL.

Nakaplatform heels ako kaya mas lalo akong nagmukhang matangkad kaya nailapit ko pa ang sarili ko sa salamin. Nagsimula naman ako magpowder at maglagay ng blush on at lipstick. Naiirita nga lang ako dahil ngayong naglilipstick na ako at nakikita kong may mark lahat ng iniinuman ko. Ayaw ko namang maglipstick na matte na 24 hours stay ang effect. Ang hirap tanggalin dahil kailangan pa ng oil para lang mabura. Knowing myself, ayokong nag-aaksaya ng time para lang sa mga kaartehan. 

Tinitigan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng color maroon na culottes at color flesh na chiffon top. Napansin ko lang na wala akong kahit anong accessory maliban sa relo. Medyo malapad kasi ang opening ng blouse ko kaya feeling ko ang empty ng leeg ko. Kita pa yung shoulder blade ko.  

Matagal pa akong nagmuni-muni nang may pumasok na babae sa CR na hindi ko kilala. Nakikipag-usap sa boyfriend nya sa telepono at mukhang nagpapasundo siya. Oo nga! gabi na rin. Paano kaya ako uuwi? Hindi pa naman ako bumabyahe lagpas 10pm. Delikado na sa daan at alam kong mag-isa na lang akong umuuwi kaya kailangan kong iacknowledge na wala nang titingin after me at dapat kong ingatan ang sarili ko. 

Halos 10pm na rin kaya bumalik na ako sa room. Nang bumalik na ako ay nakita kong occupied na yung inuupuan ko kanina. Okay lang, magpapaalam naman na ako sa kanila. 

"Darrah! Saan ka nagpunta? Hindi ka pa namin naririnig kumanta!" Sabi ng supervisor ko, halatang may tama na siya. 

"Sir, hindi po kasi ako kumakanta. Saka magpapaalam na rin po sana ako na uuwi na ako, gabi na rin kasi." Sagot ko sa kanya. Napansin kong katabi niya si Andre at umiinom ng hard na drinks. 

"Uuwi ka na? May masasakyan ka pa?" Mabagal niyang sinabi. Hindi ko masabi kung may tama din ba siya or ano, kasi mukhang nasa composure pa rin siya at... elegante pa rin siyang tingnan. 

Nakasuot siya ng dark purple na long sleeves na nakatupi pataas sa braso niya at nakaslacks na black. Syempre nakaleather shoes din siya. Napansin kong nakatanggal din ilan sa pagkakabutones ang polo niya. 

"Can you.. sit here.." Sabi niya sabay turo sa upuan sa kaliwa niya. Nasa dulo kami at malapit sa videoke. Umusog lang siya para makaupo ako. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. 

Umikot ang mata ko sa room at napansin na lahat ay busy naman sa pagkkuwentuhan at yun iba eh namimili ng kakantahin. Wala namang nakakapansin kaya umupo na ako. Magpapaalam na lang din ako sa kanya at pati sa iba kong team mates. Nakakahiya din kasing nakatayo ako dun at medyo nakaharang pa sa videoke screen.

"Uuwi na po ako... sir. Gabi na rin kasi. Wala akong makakasabay pauwi kaya kailangan ko na umalis hanggat maaga." Sabi ko kay Andre. 

"Ni hindi pa nga tayo nagkakausap.." Nawirduhan naman ako sa kanya. Oo, sinabi niya na pumunta ako dito pero yung mga teammates ko ang nakapagpapilit sa akin na sumama.  Binalewala ko lang yung pag-aya niya sa akin kanina kaya hindi na ako nag-expect na magkakausap kami or bibigyan niya ako ng atensyon. Obviously, my subconcious mind is expecting something pero I have to face it with reality. 


Bumulong ako sa tabi niya. "Bakit, may pag-uusapan po ba tayo... sir?" Hindi ko talaga inaalis ang sir sa mga sentence ko. Nasa paligid kami ng mga katrabaho namin at ayokong mapansin nila na magkakilala kami. 

Hindi na siya nakapagsalita dahil may lumapit na sa kanya.

"Sir Andre, kanta niyo po yata ito.." sabay abot ng microphone sa kanya ng isang lalaki. 

Tiningnan ko ang screen at nakita ko yung title ng kanta. 

Tumaas naman yung balahibo ko nung narinig ko na lang siyang kumanta. 


  And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now

Shet! Just pakshet! Ang ganda ng boses niya Watdafack!!! 


 And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
'Cause sooner or later it's over
I just don't want to miss you tonight


Tumindig talaga yung balahibo ko nung lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti habang kumakanta.

Shiiit! Nananaginip ba ako? Bakit niya ako tinitingnan? Ayokong mag-assume... pero... pero.. para sa akin ba yung kanta? HAHAHA. Shet lang. Bakit nya ba kasi akong nililingon!!!?

Halos kumabog na ang dibdib ko nung kinanta niya na yun chorus. Fack! Whyyyyy is this sooo??


And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
And you bleed just to know you're alive


Pagkatapos niya akong titigan ng mga 4 seconds, bumalik na sa screen yung mata niya at tinuloy yung pagkanta pero nakikita ko pa rin kahit nakaside view siya na nakangiti siya. 

Confirmed, wala siyang tama. Ako yata ang tinamaan na sa kanya. Shet. 


Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon